Hanggang sa muli kong tunggain ang bote may lamang alak at tuluyang maubos ko. Pagkatapos ay lumingon ako sa waiter na katabi ko. "B-aby ko, i-order mo a-ko ulit ng a-lak. Gusto ko pang uminom," utos kong namumungay ang aking mga mata. Ngunit hindi man lang tumayo ang lalaki, nakatingin pa rin siya sa akin. "La-sing ka na ba? Bakit hindi mo si-nusunod?" nauutal na tanong ko. Subalit ganoon pa rin ang lalaki. Wala pa ring kagalaw-galaw sa kanyang kinauupuan. Kaya naman ako na lang ang tumayo para mag-oder ng alak. Subalit parang nahilo yata ako. Mabuti na lang at nasalo ako ng lalaking kamukha ni Tikbalang. Kaya hindi ako tuluyang bumagsak. "Sa-lamat, ba-by ko," anas kong nabubulol na. Agad akong kumuha ng pera sa bulsa ng aking pantalon. Hindi ko na ito binilang. At basta ko na lang

