"Mayabang ka pa rin kahit mamatay ka na?" natatawang sabi ng babae sa akin. "Kung mamatay ako, titiyakin kong isasama kita!" nakangising sabi ko rito. Kaya ayon galit na galit ang babae sa akin. Ramdam kong susugod ito papalapit sa akin. Kaya naman naghanda ako. Hindi ko pa oras para mamatay. Saka, marami ko pang gustong maabot. Ano'ng silbi nang training ko bilang agent kung wala man lang akong natutunan doon. Sa ngayon ay isang mata ko lang ang malinaw dahil ang kabilang mata ko'y nalagyan ng dugo. Ngunit wala akong pakialam doon. Hanggang may hininga ako ay putuloy akong lalaban para sa nga taong naaapi. Kaya naman agad kong pinikit ang aking mga mata. Kailangang maging matalas ang aking pakiramdam, ganoon din ang aking pang-amoy. Isa ito sa mga itinuro sa amin bilang isang Secret

