C7- Nana

1002 Words
"What are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa lalaking kaharap ko na kaka paalam lang sa akin kanina. Nagkibit balikat ito bago lumapit sa counter kung saan ikinalat ko ang mga dala namin ni kuya. I do now know where kuya is. Into business din kaya ang parents niya? "Is kuya outside?" Tanong ko ng kumportable at ipinagpatuloy na ang paglalagay ng pagkain sa refrigerator dahil alam ko namang nagluto sila dito sa bahay dahil may bisita. Kaya pala may tatlong sasakyan sa labas. So dito pala nag punta nila. "Kasama mo parents mo?" I asked him out of curiosity. Napatigil lang ako at nag- angat ng tingin sa kaniya mula sa pagkaing hawak ko nang hindi ako nito sinagot. Naabutan ko itong nakatitig sa akin bago umiwas at pekeng umubo. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. Nakangiting napa- iling na lang ako sa ka- weirduhan nito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi naman nito sinagot ang tanong ko kaya nang matapos ay kumuha na lang ako ng fresh milk sa ref at naglagay sa usual na baso ko. "Is there anything I could do for you?" Hindi ko mapigilang magtanong nang nasa harapan ko pa rin ito. "Brother." Sabay kaming napalingon sa pintuan papuntang likod bahay nang sumungaw doon ang kapatid niyang bartender. Bubbly itong nagulat sa presensiya ko at kumay nang nakangiti. "What?" Aroganteng sagot naman nitong isa sa harap ko. Naturingang doktor pero madaling magalit? Ano na naman kaya ikinaiinis nito. Boses naiinis kasi. His brother Ter chuckled bago pabirong iginalaw ang dalawang kilay. "Dad called your presence." I heard Doc Blue sighed. "Kailangan pa ba ako doon? Ikaw na lang," yamot na saad nito at humalukipkip pa sa inuupuan na high stool chair. Ako naman ay nagpalipat- lipat na lang ng tingin sa kanilang dalawa, hindi alam kung anong gagawin kaya napainom na lang ako sa baso kong may gatas. "Uh-" hindi ko na napigilang pumagitna sa usapan at tagisan nila ng titig. "If you don't mind gentlemen-" I chuckled. "I should go upstairs na po." Ter the bartender somehow, I heard him whistled. I heard Doc Blue groaned. "Fudge you Ter." Napangiti na lang ako nang balingan niya ang kapatid na panay ang tawa lang kahit minumura na. He was smiling at me so alanganin ko itong nginitian. "For once Ter, don't you dare me kill you now." Nakita ko pa itong umirap na tila babae bago nilagpasan ang kapatid at dumeretso sa likod bahay nang hindi ako binabalingan ng tingin ulit. Nagulat na lang ako nang bumalik ito at dumungaw sa gilid ng pintuan. "Go upstairs. I'll call you okay?" Napasingkit na lang ako ng mata sa sinabi niyang iyon. Wala sa sariling napatango na lang ako nang pag- angatan ako nito ng kilay na tila tinatanong kung bakit pa ako nag- iisip. Umulit pang sumipol si Ter. Natawa na lang ako nnag hablutin ito ni Doc Blue gamit ang pagpingot sa tenga. Panay tuloy ang aray ni Ter habang naglalakad sila pabalik doon. Napailing na lang ako at umakyat na. "O, iha matutulog ka na?" Namataan ko si nana na kalalabas lang ng kwarto niya na malapit lang din sa hagdan. Papaakyat na ako nang lumabas ito at nakapangtulog na. Mukhang si Marites lang ang nasa labas. Apo ni nana si Marites an siyang katulong niya sa kung anumang gawain dito sa bahay. Hindi din naman marami ang gawain nila dahil minsan ay tumutulong din ako sa gawaing bahay, hindi lang talaga halata. " 'di pa po kayo tutulog?" Napahakbang ako pabalik nang makitang nakahawak ito sa balakang niya habang patungo ng salas. Inalalayan ko kaagad ito gamit ang isang kamay ko para makaupo sa isang sofa. "There you go." "Naku, salamat iha ha. Ikaw ba ay mag- aaral muna?" Napatango naman ako kay Nana at sumimsim sa hawak na baso ng gatas. Naupo ako sa kalapit na sofa nito at tinitigan ang balakang niyang nagpapangiwi sa kaniya. "Pa check up niyo na po kaya 'yan Nana?" Nag- aalalang saad ko. Mahina naman itong tumawa. "Naku, matanda na ako para sa ganyan iha." Sa tuwing napag- uusapan namin itong dalawa ay lagi naman niyang ipinapaalala sa akin na huwag sabihin kina mom at dad ang tungkol sa dinaramdam niya . Ni ang suggestion kong pagpapa- check up ay ayun nga, nirarasonan lang din niya. "Ih." Nakanguso na lang ako an siyang angpatawa dito at tumayo. "Umakyat ka na at ako'y iinom lang tapos matutulog na rin." Napabuntong hininga na lang ako bago tumango sa sinabi niya. Hindi ko naman ito mapipigilan pa. Kaya nga ay doble ang pagtingin ko sa health status nito. Nang mawala na ito sa paningin ko pagkapasok niya ng kusina ay tumayo na din ako at umakyat sa kwarto ko. Mag- aaral pa kasi ako at palapit na ang second sem exam namin, ayokong bumagsak. Pangarap kong makapasok ng magnadang university. Although I have the money for it, grades is a must pa din. Nakakahiya naman sa scholars nina mom at dad kung ako na anak nila ay hindi nag- aayos sa pag- aaral, ayun nga lang kahit anong gawin ko talaga ay gastador ako pero ginagawan ko na iyon ng paraan. I was in my room already at saktong pagkasara ko ng pintuan ay may narinig akong kalabog sa ibaba. Napakunot ang noo ko at madaling binuksan ang pintuan ko. Sunod namang narinig ko ang tawanan nila sa likod bahay kaya ipinagkibit balikat ko nalang. Kaagad naman akong napatingin sa telepono kong nasa study table ko. Number lang iyon kaya naman sinagot ko at baka isa iyon sa kaibigan kong nagbago ng number or emergency call. "Pinky! Gosh thanks for answering but can you call your driver? Hurry!" Napamuglat naman ako sa boses niyon ni Ter na taranta. Sunod na pumukaw sa tainga ko ang ingay s aibaba kaya naman mabilis akong lumabas at bumaba. Nanlaki ang mata ko sa nakitang eksena sa kusina. Doc Blue is shirtless. Well, aside from that... Nana is lying on the floor!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD