Napatulala ako habang nakasunod ang tingin sa lalaking nasa tabi ko na siyang naglagay ng earphones sa tainga ko. He signalled one to the bartender habang ako ay hindi maalis- alis ang tingin dito.
Bahagyang napaatras ang ulo ko nang lumingon ito sa akin at saktong pag- chorus ng kanta ng isang banda. Napakurap na lang ako nang mamataang panay ang snap nito ng fingers sa mata ko.
"What?" I asked. He mouthed and acted to something like pagtanggal ng earphones. Kaya naman pala hindi ko ito marinig. Gosh, it's so nakakahiya.
I chuckled and waved the earphones, "Thank you ha." I smiled bago iyon nilapag at inusod sa kaniya.
Natigil naman ito sa akmang pag- inom niya ng alak sa basong kakabigay lang ng bartender at napalingon sa akin at sa earphones na ibinabalik ko sa kaniya.
Napakurap na lang ako nang mahina itong tumawa.
"Just keep it," mahinang aniya bago sumimsim sa iniinom niya. Sa hindi malamang dahilan, habang nakatitig ako sa kaniya ay napalunok din ako nang linunok nito ang inumin niya. Mukhang napansin nito ang paninitig ko.
"I doubt you could drink. I don't want to die this night." He said and chuckled bago bahagyang tinapunana ng tingin at ngisi ang likuran niya. Nang mapalingon ako doon ay saktong pagtayo ni kuya na hindi maipinta ang mukha at papalapit na sa amin.
Napakaunot naman ang noo ko sa hitsura nito. "What are you doing doc?" Kaagad na pambungad nito sa kanila nang makarating sa kanila at tumabi sa kaniya. Kumbaga ay napagigitnaan na siya.
"What?" The 'doc' chuckled.
"Just chill brother. Wala akong gagawin. I'm not into little peaches." My eyes slightly went wide bago ako napatingin sa nagsabi niyon. WTH?
Katulad nang katulad nang pwedeng irason ni Chel sa akin. Ganoon na ba talaga ako ka- bata sa paningin ng iba? Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya at katulad nang nangyari kanina ay napatigil itong muli sa pagsimsim at napatitig sa akin.
Nang mapakurap ako ay siyang pagtaas nito ng isang kilay na bahagya kong ikinanguso at nag- iwas ng tingin. I glanced ta my brother who's staring at his friend inetntly habang may hawak na inumin.
I poked his tummy. "Kuya, kahit isang cosmo lang!" I winced nang pandilatan ako nito ng mata. Napanguso na lang ako habang nakatingin sa harapan ko kung saan busy ulit ang bartender. Ni hindi ko ito nakitang tumigil kaka shake ng inumin.
"One cosmo, Ter." Kuya said na ikinalaki ng mata ko at ngisi. Bibigay din naman pala. Isa pa ay hindi naman ako ganoon kadaling malasing dahil nasanay na ako ng wine at alam ko namang hindi mataas ang alcohol na ilalagay doon ng bartender.
"Here's yours." Ngiti sa akin nung bartender na mukhang kanina pa din alam na gustong gusto kong uminom ng kahit anong inumin at hindi niya lang ako mabigyan bigyan.
Habang sumisimsim ay napalingon ako ulit sa katabi ko. Mariin itong nakatitig sa harapan niya kung saan panay ngisi ang bartender sa kaniya. Actually another thought, mukhang magkamukha sila ha.
"Magkamukha kayo." Out of nowhere it came out of my mouth na nagpatawa sa bartender at kuya ko. "My sister has keen eyes." Naiiling na saad nito.
Nalilitong nagpabaling baling naman ako ng tingin sa kanila na tawa nang tawa habang 'yung 'doc' na tinawag ni kuya ay hindi maipinta nag mukha.
"Just do your job Ter, naiinis na ako." Sabay na napahalakhak sina kuya at 'yung Ter na bartender.
"I'm Ter, Pinky right?" Napatango naman ako sa kaniya. Inabot nito ang kamay kaya aligaga kong ibinaba ang inumin. Akmang magtatagpo na ang kamay namin nang saluhin iyon ni kuya.
Hindi ako nagulat doon kundi sa nakahawak sa pulsuhan ko. Maski ito ay napatingin doon pero ni hindi man lang natinag at ibinaba lang iyon habang hawak pa rin ang kamay ko. Mukhang hindi napansin ni kuya iyon.
Napakurap na lang ako habnag ginamit ang kanang kamay ko para abutin nag inumin. Napansin ko pa itong ngumiti ng kaunti.
"Pinky." Sa gulat ay mabilis kong kinuha ang kamay ko sa kaniya. "Yes kuya?"
Matagal itong napatitig sa akin. "Ayos ka lang ba?" Nagtataka nitong tanong kaya naman inayos ko ang mukha ko at ngumiti. "Ayos lang naman?"
"Alright, dito ka na muna kay Doc. He's Elton. This is Pinky, Ton."
I see, Elton.
"Lucky bastard," rinig kong bulong ni Ter na kapatid pala nitong si Elton.
"So you are a doctor?" Hindi ko napigilang mang- usisa. Mag- n- nurse kasi ako pagka- college ko and I am still in G12.
"I am," sagot nito at tinungga ang kahuli- hulihang butil ng inumin niya. "One," ulit na sabi nito sa kapatid na umiiling na lang at kukunin ang baso niya.
"Mahirap ba?"
He looked at me, amused. Napabuga muna ito ng hangin bago nilingon ang kapatid niyang pabagsak na ibinigay ang inumin pero may ngisi naman sa labi. Mukhang iniinis lang ito.
"Nope. Why did you ask?" Hindi na nito kinuha pa nag inumin kaya napatingin ako doon. He slightly pushed away his glass bago muling tumingin sa akin.
"Hmm...wala, mag- n- nursing kasi ako sa college ko."
"Pre med course?" He asked kaya mabilis akong napailing.
"Hindi na ako mag d- doctor." I laughed. "Takot ko lang."
"Why? You could be a pediatrician. You'll look good. Mukha din namang mahilig ka sa bata." I chuckled.
"Tingin mo? Kaso ayaw ko talaga. Saan ka pala nagtatrabaho?" I curiously asked.
"Kuya." Napalingon kaming dalawa ng sabay sa kapatid niyang tinawag siya at hindi mabasa ang mukha. I heard Elton sighed.
"Mauna ka, susunod ako kaagad." Humarap naman ito sa akin.
"I'm sorry but I have to go. You won't mind if I gave you my personal card, right?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Tila nagdadalawang- isip pa ito kung ibibigay ba ang card o hindi kaya ako na ang umabot niyon.
"Ayos lang. Thanks for this baka makatulong din in the future." I chuckled and waved his card.
"I hope that future would be like tomorrow?" Napatawa nalang ako sa sinabi nito.
"Anyways, I really have to go. Bye." He smiled.
Pumunta pa muna ito kina kuya bago umalis sa loob ng vip room habang nakasunod ang mga mata ko sa kaniya.
I slightly pouted at sinuri ang card na binigay niya. Napahilig nalang ang ulo ko sa kabilang bahagi, so he has two names.
"Elton Blue Porivian. Blue." I couldn't help but smile.