Buong araw ko na yatang dinamdam ang hindi pagpansin sa akin ni Chel. Panay tunog man ang telepono ko na katabi ko ngayon sa kama ko habang ako ay nakahiga lang, tila wala akong balak na pakialaman iyon.
Imbis ay nakatitig lang ako sa ceiling ng room ko.
“Why would the heck he ignore me?” hindi ko mapigilang maibulalas iyon. Kaagad naman akong napa- upo nang ma- realize at maalala ng bobang isipan ko ang sinulat ko kasama ng drinks na iyon.
“Busted ako?” hindi makapaniwalang bulalas ko. I scoffed. Parang timang na nga yata akong mukhang inis kahit walang kaaway na nasa harapan.
“I don’t care.” Pasukong pagkausap ko sa sarili. I don’t care naman talaga, sinong nagsabing nag- c- care ako? Psh!
Ilang minuto pa akong tulalang nakatitig lang sa kulay baby blue na kisame ng kwarto ko. The busted part can’t be worn out in my head and it gives me sanity problems.
Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at napa- upo na lang sa higaan. “The heck.”
Hindi ko alam kung papaano ko nagawang mula sa pagmumukmok ko kanina sa ibabaw ng higaan ko ay ngayong kaharap ko na ang libro ko sa math at ang I- pad ko at laptop kong naka- on kung nasaan natapos ko ang research namin.
“The heck I just did?” Hindi makapaniwalang anas ko. Yes, natapos ko lang naman ang research paper namin nina Vince at Jasmine. Nang magawi ang tingin ko sa math na libro ay halos mapangiwi ako doon.
Nakabukas pa man din ‘yon doon sa algebra part ng libro. “Gosh! What am I even doing?” Hindi makapaniwalang bulalas ko habang nililigpit ang kinalat kong mga papel at libro sa ibabaw ng study table ko.
Kuya asked mama and papa kanina pero iniuwi lang ako nito and I don’t think that would happen anytime soon today.
Mas mabuti nga yata dahil wala rin ako sa mood na lumabas. Baka masapak ko lang siya kung pipilitin niya ako.
I called my friends. Nang hindi ang mga ito nagsipagsagutan ay chinat ko sila sa gc na tumatawag ako at wala man lang ni isa sa kanila ang sumagot. Sabay na nag- out ang dalawa pagkatapos kong ma- send ang message at sineen lang ako!
Fudge?
I sighed bago nag- type sa gc namin na tapos na ang research paper namin at bibigyan ko na lang sila ng copy para may alam naman sila sa pag defense na.
Nagsabay na nagsipag- online ang dalawa at nagpasalamat pa. Napa- iling na lang ako bago in- off na ang mga gadget. Nang matapos na akong magligpit, saktong pag- ikot ko sa swivel chair ko para sana matulog na ay siyang pagbukas naman ng pintuan ng kwarto ko.
Magha- half bath pa ako. Dumeretso kasi ako ng mukmok mula school kaya nakapanglakad pa ako.
“Sis…” he teasingly called. I rolled my eyes bago tumayo at nilapitan siya sa pintuan.
Habang naglalakad ako pabalik ay inaayos at inihanda ko na ang muscles ko para masara ko ang pintuan. Namemeste na naman kasi ang isang ‘to.
Mukhang nabasa niya yata ang nasa isip ko nang gawin niyang pangharang ang malaki niyang katawan sa pintuan dahilan para hindi ko masara iyon.
I sighed in defeat bago binitawan ang pintuan. “Kuya naman i!” maktol ko.
He just laughed at my face. “Kuya naman i!” he mocked. I just rolled my eyes.
Nakarinig naman ako ng parang ringtone call kaya napalingon ako sa kaniya dahil walang ganoon ang phone ko.
Nagpapaawang tumingin ito sa akin. “Ano na naman ba ‘yan kuya?” hindi ko na napigilan siyang tanungin.
“Pwedeng pasama?” Nagpapa- awang ani nito sa akin. Napa- iling na lang ako sa kaniya. “Ayoko nga!” tanggi ko habang nilalabas sa closet ko ang pajama ko at ka terno nitong hoodie jacket.
“Sige na sis!” Pagmamakaawa pa ulit nito. Napa- iling na lang ako sa isang ‘to na mukhang luluhod pa sa harapan ko mapasama lang ako.
“Saan ba ‘yan?” I sighed and asked.
Mas lumawak naman ang ngiti nito at may pinagpipindot sa telepono niya bago ipinakita sa akin ang picture ng pangalan ng lugar na pupuntahan namin at sinenyasan akong tumahimik.
Mukhang sinend ng mga kasama niya na nandoon na.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko matapos mabasa iyon. Club! Hindi iyon kay tito kaya hindi ako pamilyar. “Kuya!” hinantukang ani ko.
Mabilis naman itong nagkunyapit sa braso ko at hinila hila ako habang ako naman ay hinihila ang sarili ko mula sa pagkakahawak niya sa akin, pabalik sa kwarto ko.
“Kuya ayoko doon! Matutulog na lang ako o ‘di kaya magbabasa!” I said between pulling my wrist away from him.
Naibaba pa nga ako nito sa hagdan habang hawak- hawak ako sa pulsuhan ko. Nang magka- tiyempo ako ay naiinis kong nilakasan ang pagyugyog sa kamay niya kaya naman nabitawan ako nito.
“Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?” Dumating naman si manang kaya kaagad akong lumapit rito at nagtago sa likuran niya.
“Manang si kuya oh, pinipilit akong sumama sa club!” I shouted the last word in his face para naman mahimasmasan siya sa kagaguhan niya.
Sinong matinong kapatid ang pipilitin ang kapatid na pumunta ng club?! Kung hindi ba naman may sampung tulo ‘yang utak niya mag- isip.
“Manang wala po. Joker lang po talaga ‘yang si Pinky.” Palihim naman ako nitong pinanlakihan ng mata bago winagayway ang credit card niya sa kamay niyang nakababa.
Napakunot naman ang noo ko roon. Ayoko no’n! aba malay ko ba kung kalian ang sahod niya. Alam ko ang kulay ng card na iyon at for work niya iyon.
Mukhang naintindihan nito ang nasa isip ko, napabuntong hininga na lang ito bago kinuha ang wallet at iniabot sa akin iyon.
Mabilis naman akong umalis sa likuran ni Manang na naguguluhan sa aming dalawa at inabot ang card na binigay ni mama at papa sa kaniya.
“Sama ka na ha?” Paninigurado pa nito. I just smiled at him and nodded continuously nang masipat ko na nang husto ang card.
“Tara na!” excited kong saad.
“San naman kayo pupunta, aber?” pareho kami ni kuyang natigilan at nagkatinginan bago liningon si nana ay tinanguan ako nito. Tumango na lang rin ako.
“Ah- hehe kakain lang po ng late night snack nana.” Pinaningkitan naman kami nito kaya bahagya akong kinabahan.
“O, siya. Umuwi kaagad,” iyon lang ang sinabi nito bago kami tinalikuran at pupunta na yata ng kwarto niya.
Pareho naman kaming nakahinga ni kuya. Muntikan na ‘yon ah!