“Uwi ka ng maaga mamaya Pinks ah,” kuya said while we are eating our breakfast with mama and papa.
Lihim akong nagtaas ng kilay sa kaniya dahil ayaw ni mama na ganoon ang pakikitungo ko kay kuya. “Why?” I just asked him.
Ngumisi naman ito. “Ang alam ko kasi may event lang for senior high sa school niyo. What’s the problem kung umuwi ka ng maaga ‘di ba?” kuya added again.
Nang hindi man lang tumutol sina mama at papa ay alam ko nang nasa panig sila ni kuya. Napabuntong hininga na lang ako bago matunog na binitawan ang kutsara ‘t tinidor ko.
“Ano ba Fin, pakainin mo muna ang kapatid mo. Kailangan niyang kumain dahil kukulitin pa niyan si Chel.” Natatawang saad ni mama dahil nang banggitin niya ang topic na iyon ay tinitigan siya ni papa ng masama.
“Mama!” angal ko. Ano na naman kaya ang alam ni mama.
“Pinky,” napalingon naman ako kay papa habang sumusubo ulit ng pagkain nang marinig ko itong tinawag ako. “Po?” I smiled.
“I don’t want you bothering Chel again, okay?” napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni papa. Pabirong binangga naman ni kuya ang braso ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Nako pa! Tingnan mo nga ‘tong mukha ni Pinky, mukhang tutol sa utos mo oh!” natatawang ani pa nito.
Bigla naman si papa nag- angat ng tingin kay kuya kaya natahimik ito. Ako naman ang bahagyang natawa sa kaniya. Buti nga!
“Ikaw naman Fin, I don’t want to hear again na suki ka ng clubs. Your tito kept me updating na parati kang pumapasok sa business niya. Alam ba iyan ni Shaina?” Natahimik naman ito sa sinabi ni papa.
Ako naman ang inasar asar siya ngayon. Ayan kasi, lakas mang- asar tapos may kagaguhan din naman pala. Nasali tuloy sa sermon.
I bet to disagree na alam ito ni ate Shaina. Ni hindi pa nga nito sinasama yata si ate Shaina sa mga lakad nito. Napapa- iling nalang ako minsan sa mga bisyo nitong kapatid ko.
Atleast ako, bisyo ko lang ang magpapansin kay Chel.
We were done eating habang hinahatid na kami nina mama at papa sa main door namin. Nagpupunas pa nga si papa ng bibig niya kasabay kay mama na inaayos ang lukot sa suot na long sleeve white polo ni papa.
Si kuya kasi ay nagtatrabaho na gayunpaman ganito pa rin ang pakikitungo nina mama at papa sa kaniya.
Siya na nga ang tumanggi sana sa alok nina mama at papa na bigyan pa siya ng baon. Natawa nga ako nang alukin siya nina mama at papa.
Mama explained it to me na kahit may trabaho na ang kuya it would be hard to earn and depend sa sweldo. They are proud nga na tinaggihan pa talaga ni kuya and to know na he’s doing well without their help.
Bigla nga akong napa- isip na sana ay ganoon din ang maramdaman nila sa akin kapag nasa punto na ako ng buhay kong pareho kay kuya.
I really am hoping that I could make them proud like what kuya does to them today.
“Pinky…” napalingon naman ako pabalik ng tingin kay papa nang tawagin ako nito. Si mama na nasa tabi nito ay nagpipigil naman ng tawa kaya alam ko na kung ano ito.
I pouted to papa. “Pa naman…” angal ko. Well, kahit naman yata sabihin ni papa at pumayag ako ay gagawa pa rin ako ng paraan. His words wouldn’t seem to mean to me at all.
“Pa, hayaan mo na at nagdadalaga ang dalaga natin.” Mama tried to console my father by being sweet to him. Napanguso na lang ako sa kanilang dalawa na sa harap ko pa talaga nag landian.
“Don’t worry pa! Kukunin ko ng maaga ‘yang si Pinks mamaya para ‘di maka- porma kay Chel.” Liningon ko naman si kuya at sinamaan ng tingin.
Tatawa tawa naman itong sumakay ng driver’s seat at doon yata ako aantayin habang nagpapainit pa ng makina at kausap ko pa rin naman sina papa at mama.
“Pinky ha…” papa didn’t stop from there. Napabuntong hininga na lang kunyari ako bago tumango na parang nanghihina.
“Go, susunduin ka ng kuya mo mamaya. Baka di din kami makauwi dahil may out of town kami sa opisina, dadalhin ko ang mama niyo.” Papa said.
Nagtataka naman akong tumango. Bihira lang dalhin ni Papa si Mama sa business trip baka nga magtagal sila kaya niya sinama pa si mama.
“Sige po. Andito lang naman po sina manang.” I said and kissed them a goodbye.
Nang maka- upo na ako sa shotgun seat ng kotse ay saktong kakababa pa lang ni kuya ng tawag from Ate Shaina yata dahil nag ‘I love you’ pa ito nang ibaba.
Pinagtuunan naman ako nito ng pansin at inasar nang inasar habang nasa biyahe kaya naman nang nasa street na kami kung nasaan ang school, habang pila pa ang mga kotse para sa front gate ay bumaba na ako at pabagsak na isinara ang pintuan.
Dinilaan ko pa ito nang makalabas ako. Oo na, asar talo talaga ako.
Sobrang badtrip ko nang makalabas ng kotse na kahit ang gawain ko dati na sagutin ang mga nag- g- goodmorning sa akin ay hindi ko nagawa. Naiinis pa rin ako kay kuya.
Napatigil naman ako sa gate nang maalala ang sinabi ni papa na may lakad kami ni kuya. Napakunot naman ang noo ko at napalingon pabalik sa kotse niya pero papalayo na iyon.
As if, ilalabas ako ng mokong ‘yun. Kung ilalabas man ako alam kong chaperone lang ako.At ayokong maging yayabells nila or worst look out para kina mama at papa.
Mama and Papa knows na may girlfriend ang kuya…boto nga sila kay ate but Papa prohibited kuya from doing things kahit legal age na ito gaya nga ng nakukuhang balita ni Papa sa isang tito namin na may- ari ng clubs na nagpupunta ito roon kasama ang ilang bachelors niyang kaibigan.
Nagpapa- feeling bachelor din yata ang kuya kong magaling.
Kaagad na gumanda ang mood ko nang makita ko sa east wing si Chel na papunta yata sa kabilang building. Ilang sandaling nagtagpo ang mga mata namin at nakahanda na ang ngiti ko at pagkaway sana nang lumagpas lang ito at naglakad na parang hindi ako napansin.
“Ouch?”