“Chel!” excited akong lumapit sa kaniya nang makita ko na siya sa field. Kahit busangot itong nag- aantay sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin sa kaniya.
Sinong hindi kikiligin? It would take more courage for a girl to actually make the SSG President wait in the field! Yup, ganoon kalakas ang amats ko.
“What the hell is this Pinky?” Kahit na ganoon ang bungad niya hindi ko maiwasang bigyan pa rin siya ng ngiti. Matagal ko na kayang crush ‘to and since I just got actually 18, gusto kong umamin.
Natatakot ako noon kasi baka maging fault ang age ko sa kaniya kahit na magkaklase kami, I just really admire how he is in school and with everything. He’s technically good with everything he handles.
Naisip ko ngang kahit mag- college na ako ay makakagusto pa rin ako sa kaniya dahil feeling ko wala nang iba pang katulad niya.
“You do know that it’s actually hot here right?” naiirita nitong dagdag kaya naman dali- dali ko itong hinila sa silong na malapit sa amin dahil may mga puno rin naman sa open field kahit for sports area itong part ng school namin.
I was staring at him nang maalala ko ang ibibigay. Mabilis ko itong kinuha at nagulat na lang ako nang tanungin ako nito.
“What is it?” he asked, mukhang kalmado na rin ito. Tinitingnan pa rin nito ang ginagawa nila sa field. May event kasi ang school for Senior High Students and since Senior High din ang President ay hindi niya ito pinabayaan.
Actually kahit hindi niya ako pansinin rito ay ayos lang. Namamangha lang talaga ako sa kung paano siya ganoon ka responsible sa mga bagay. Ako nga, maayos naman ang buhay ko but to handle other things than my studies? Hindi ko lang sure kung makakaya ko.
“Bilisan mo na Pinky, isusumbong kita kay mama mo na inaabala mo ako tamo.” Kaagad na nalaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
I nervously chuckled, “Eto naman! May- May ibibigay lang naman ako!” depensa ko.
Kinakabahan akong ibigay sa kaniya ang hawak na energy drink at isang water bottle na naglalaman ng pag- amin ko and how he could response to it so I could know what is his answer.
“So ano nga ‘yun?” Hindi ko naiwasang mapalunok. Kung sasabihin ko kaagad ng mabilisan baka hindi niya maintindihan at hindi pa ready ang boses ko! Baka pumiyok ako!
Ayaw ko naman masumbong kay mama na nangungulit ako sa anak ng kumare niya. Mama knows I have a crush for Chel pero sinabi nitong antayin ko munang mag- eighteen ako. So, I waited.
I just hope that my patience wouldn’t go to waste. This is what you call a suicidal thing. I am giving our friendship at stake here for what ever the results may be. If he does actually considered me as a friend.
“Bilisan mo na.” He hurried me dahil bigla siyang tinawag ng secretary niyang busangot na nakatingin sa amin.
Actually forever naman talaga yatang nakabusangot ang mukha ng isang ‘yon.
Aba malay ko sa kaniya kung naiinggit siyang kinakausap ako ng presidente nila for personal reasons at hindi katulad niya na for work matters.
Mas maganda naman ako sa kaniya kaya huwag siyang magreklamo.
Sa taranta ko maski ang paglalait ko pa sana sa sekretarya niya ay naiwan nalang sa utak ko nang akmang magsasalita ulit ito sa harapan ko nang ibuka nito ang bibig.
Dali- dali kong nilapag ang tubig at energy drink sa ibaba. Basta, alam kong kukuhanin naman niya iyon. Titingnan ko rin naman siya sa malayo.
Hinihingal pa ako nang makarating ako sa gilid ng building. Nakikita ko pa rin naman siya sa pwestong iyon. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa mga boteng nasa haraap niya at ibinalik ang tingin kung napa- saan na ako.
Mabilis naman akong nagtago sa takot na baka makita ako. Kaagad ko rin namang sinilip ito at mas napangiti ako ng maayos nang makita ko itong kinuha nag dalawang inumin na pinaglalaruan pa niya sa mga kamay niya.
Napabuntong hininga na lang ako bago dumeretso sa likod ng building kung saan ginawang study space and unwind space ng mga estudyante ito.
Ang minsang nagpupunta rito ay mga katatapos palang sa hectic na schedules ng klase nila o mga kakatapos pa lang ng kung anong nakakapagod na gawain sa school.
Minsan na rin naman akong nagpupunta roon tuwing napakasama ng araw ko at sobrang napapagod ako at gusto ko lang munang mamahinga ng kaunti.
“Pinky! Girl!” nakangiti kong linapitan ang mga kaibigan na nakaupo malapit sa isang mataas na puno which is pinakagitna ng field na ito.
“Wow, sobrang saya ah.” Puna ni Jasmine sa akin. Isa sa mga naging kaibigan ko. “Dapat hindi ka na rito!” bitter namang saad ni Vince.
Napataas nalang ang kilay ko sa kaniya na nagsusulat ngayon sa ipad niya. Mukhang may tinatapos ito. Pero dahil good mood ako ay nakangiti akong huminga ng malalim bago iniwas sa kaniya ang tablet niya at humiga sa legs niya.
Kaagad namang lumapit si Jasmine na mukhang nakakapansin sa sigla ko ngayon.
“Ano ba naman ‘yan Pinky!” reklamong saad ni Vince na akmang dudugtungan pa niya nang tapikin ito ni Jasmine ng malakas.
“Anong nangyari mayora? Ba’t ang saya yata?” ucheserang tanong nito habang nakangiti rin.
Pinag- angatan ko naman ng tingin si Vince na hindi na gaanong nakasimangot ngayon at nakatingin rin sa akin. She raised her eyebrow.
“Ano? Salita na. Aba naman Pinky-“
“He. Accepted. It.” I slowly said every bit of those words to them. Pareho silang natigilan pero ako nalang ang nahiya nang sabay rin ang mga itong biglang tumayo at nagtatatalon sa saya.
Napa- iling nalang ako sa mga kaibigan kong mukhang mas masaya pa sa akin dahil sa ibinalita ko. Mga gaga talaga.
Nauntog pa ako sa biglang pagtayo ni Vince habang nakahiga ako sa kaniya. Mga gaga talaga. Natatawa nalang ako na napapa- iling habang nakatingin sa dalawang panay ang talon at halos pagtinginan na ng iba sa kabaliwang ginagawa nila.
Nakangiting napatitig nalang ako sa mga nagsasayawang sanga ng puno at magandang panahon. I can’t wait to see what will be his answer.
I really claim it as positive!