Chapter 2 - Her Work

1562 Words
Kaede's POV Sa Bar... "Good evening Sir!" Bati ko sa aking boss pagpasok ko sa Bar. Pumapailanlim ang mga iba't-ibang musika at halakhak ng mga babae at lalake sa buong lugar. "Sorry po kung nalate ako." Patuloy na sabi ko. "It's ok! Magbihis ka na. Madaming customer ang naghihintay sayo. They love the taste of you're drink." Sabi nang boss ko sabay ngiti. Nagapapasalamat ako at mabait ang boss ko. Kung hindi ay baka wala na akong trabaho. Lagi pa naman ako late.  "Salamat po Sir. Magbibihis lang ako saglit." Sabi ko sabay talikod at pasok sa dressing room . Dahil nga nahold-up yung 20 pesos ko, naglakad nalang tuloy ako. Ibang klase din yung lalaking yun. Nasa mukha naman na mayaman siya. Gwapo siya ngunit mukhang gangster. May naalala tuloy ako. Ahhhh! Wala na siya Kaede! Matagal na siyang wala at kailanman di na siya babalik pa. Kailangan ko nang tanggalin ang mga suot ko. Lalo na ang nerd disguise ko. Props ko lang ang makapal na eyeglasses at lagi ding nakapuyod yung mahabang kong buhok. Kinapalan ko din ang kilay ko para di talaga ako makilala. Nerd tuloy ang itsura ko kahit saan tingnan. Pero ang totoo , Heiress ako sa aming angkan, pero iniwan ko ang marangyang buhay doon. Tumakas ako sa amin at nagpakalayo kasi nasasakal na ako lalo na sa tradition nila na noon pa man ay salungat na sa gusto ko. Di ko gusto ang diktahan sa lahat ng aking ginagawa, na parang isang manika ng aking pamilya, at lalo na ang ipakasal sa taong hindi ko mahal. Isa lang ang mahal ko at gusto kong pakasalan. Ngunit hindi na ito mangyayari pa dahil iniwan na niya na ako. Hindi ko na siya kailanman makikita o mahahawakan man lang. Dahil sita ay wala na sa mundong akong ginagalawan. " Hevn! " tawag ni Leslie sa kanya. " Bilisan mo daw." pagpapatuloy nito. " Yep! Papalabas na ako." Sabi ko habang nakadungaw sa labas. I work as a bartender sa CASSA BAR simula ng lumayo ako sa amin. I become an independent person. Natuto na akong mamuhay na mag-isa. One year na din ako sa bar na ito. Since scholar din ako sa University na pinapasukan ko, which is the Karluck University, libre na ang full tuition ko. Pero hindi pwede ang magtrabaho sa ganitong establishimento. Kaya napag-isipan ko nalang ang magdisguise. Wala kasi akong pambayad ng upa, at lalo na ang pang-araw-araw na gastos ko. Nerd ang drama ko sa school , while sa Bar, I'm totally opposite. " Hey ! Hevn darling ! One Bloody Mary please. " Order ng isang customer habang nakaupo sa upuan paharap sa akin. "One Bloody Mary coming up sir!" Sabi ko sabay kindat sa customer. Kailangan kong maging mabait sa kanila. Kahit ayaw ko ung mga ginagawa ko. Kailangan ko paring gawin para dumami ang customer at may makuha din akong tip kahit papaano. Hevn ang codename na gamit ko dito para di nila malaman ang true identity ko. At Kaede Bartlett yung gamit ko sa school. Pero ang dalawang yan ay di ko totoong pangalan. Kailangan kung itago ang identity ko kasi alam kong pinaghahanap parin ako ng mga tauhan ng lolo ko. "You're so sexy tonight darling!"  May pang-aakit na sabi ng customer. "Here's your Bloody Mary Sir. Enjoy drinking and thanks for your compliment." Sabi ko sa customer pagkabigay ko ng order niya. Sanay na ako sa mga pasaring at papuri nila. Kaya lang di na ako nadadala. Minsan nagfi-flaring exhibition din ako. Magmix at magbigay ng inomin lang ang talagang nakatoka sa aking trabaho dito. Di ako nagpapatable tulad ng ibang babae sa bar na ito kahit gaano pa kalaki yung perang ibibigay nila. At nirerespeto yun ng boss ko. Kasi kung hindi, mawawalan siya ng maganda at sexy na bartender. " Hevn baby!!" Napasimangot ako nang marinig ang boses nang anak nang boss ko.  "Stop calling me baby Gin. Di ako bata. What's your order?" Tinawan lang ako nang loko.  "Nice outfit! The white tube, black short and knee length black boots suit you a lot. Ang layo ng attire mo when you are inside the school." sabi niya sa akin habang naupo sa tapat ko. Napatawa ako sa compliment niya. "Shut up! I already know that." Sabi ko sabay lapit sa kanya.  Alam ni Gin kung sino at ano ako. Classmate ko siya. We’re both 2nd year HRM student at siya lang naman ang anak ng owner ng bar na ito. "I can't really imagine that a nerd like you will evolved into a hot chick at night. Woah!" Natatawang sabi niya.  “Evolved? Ano ako pokemon?“ Sabi ko sabay tawa. “Stop flattering me Gin. Baka maniwala ako." Nakangising sabi ko.  "Pwede ding pokemon nga. You can name one of them. Maniwala ka nalang ng matapos."  "Yah! I agree with you." Sabay kaming natawa sa kabaliwam namin.  "Where's my beloved father?" Biglang naitanong ni Gin. "He's in the office. You can check it ." Close talaga sila ng daddy niya kaya nga nakapasok agad ako dito. And its all thanks to Gin. "Nope! No need to check him. Matanda na yun. Dito nalang ako baka nay mambastos pa sayo. Uupakan ko agad. Matagal na akong di nakakapag-exercise." Sabi niya habang pinipisil ang kanyang kamao.  "Hay nako! Siguro ikaw yung pinaghahanap dun sa kabilang bayan noh? Yung ginagawang pang-exercise ang pambubugbog. Magtino ka nga Gin." Sermon ko sa kanya. Mahilig din kasi sa suntukan ang isang toh ehh. Mga kalalakihan talaga ngayon. May naaalala na naman tuloy ako. Ahhhhhrrrggg !! Ano ba Kaede? Stop it! Okay? Move on!!! "Hey ! One scotch there Miss. Beautiful." Tawag ng isang customer. "Yes Sir! " "Hoy m! Di ako yun noh. Mga pipityugin kaya yun. Itong mukhang toh m? Sa gwapo kung toh? Mga panget kaya yun." Pagtatanggol ni Gin sa kanyang sarili. Di ko ba muna siya sinagot kasi kinuha ko muna yung order ng customer. "Grabeh ka naman K , sa bait at gwapo kung ito? Mambubugbog ako as exercise? Mag-ggym nalang ako. Look at my muscles." Patuloy na depensa nito sabay turo ng muscles kuno niya sa braso. "Ito na po yung order niyo Sir.!" Sabay bigay ko dun sa isang customer. Humarap ulit ako kay Gin na pinapakita pa rin ang kanyang muscles. Natatawa tuloy ako sa pinaggagawa niya. "Ang lakas din ng self-confidence mo noh? Sige na, gwapo ka na ng matapos. Masama kasi pag pinahaba natin itong usapan na to." Natatawa kung sabi sa kanya. Gwapo naman talaga si Gin at gentleman pa. At oo, maganda talaga ang katawan niya. Actually, crush ko siya. Kaya lang, napakaplayboy niya lang kasi. Halos kada araw iba-iba ang babae nito. Para bang mercury drug store. Sa mercury, nakakasiguro kang gamot ay laging bago. Kay Gin ? Nakakasiguro ka na babae ay laging bago. "Gwapo naman talaga ako ah." Nakapout pa ito. Ang cute niya tuloy tingnan. Nagroll eyes nalang ako. Kapag ganito na ang sitwasyon, kailangan ko na talagang sumangayon dahil hindi talaga siya titigil. Napakakulit niya talaga. "Oo na." Pagsang-ayon ko nalang sa kanya. Tutal totoo din naman. ** Third Person POV ABANDON BUILDING Sa kabilang banda l, sa isang abandonadong gusali, malapit sa Cassa Bar, may mga nagtitipong mga kalalakihan. " Hey Duze! What happen to your arm?" "Galos lang Zack." sagot ng tinawag nitong Duze. " Hey! Asan na ba yung hinihintay natin dito? Ngugutom na ako." tanong ng isa pang kasama nito. "Ze, yung yung utak mo, puro pagkain ang laman. Maghintay ka. Malapit ng dumating yun. Pag nanalo tayo ngayon, pera na naman." sabi naman ng isa pa nitong kasamahan habang kinikiskis ang dalawang palad nito. "Ikaw nga jan Seth ehh. Pera lagi ang nasa utak mo!" sabi ng tinawag nitong Ze. May -maya pa rinig na nila ang tunog ng mga motorsiklo sa labas. Ito ang kanilang hinihintay. Sa gusaling ito ay magkakaroon ng paligsahan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kalalakihan. Tago ito at walang masyadong dumadaan sa kalsadang iyon l, kaya malaya silang gawin ang nais nila. At isa pa, madilim din sa lugar na ito. "I think they are here." Sabi nung isa pang kasama nila. " Hey! Where's Gin? " tanong naman ng isa pa. "Naku! Tinatanong pa ba yan? Eh andun na naman yun sa mga babae niya." Natatawang sabi nito. "Hey! You bastards!" Sigaw nung kadarating lang na kalabang grupo. "Sila na ba yun Zack? What a chicken!" "Yep!" tipid na sagot ni Zack. Lumapit na yung unang grupo dun sa kadarating lang. Anim lang sila dahil di pa dumating ang isa nilang kasamahan. Sa kabila naman ay ganun din. Pero kompleto na sila. Magkakaroon sila ng motorcycle race. Hindi lang ito isang ordinaryong karera. Lahat pwede dito. Lumapit ang leader ng kadarating na grupo ng Sole Gang na nagngangalang Kit sa Leader ng naunang Grupo. Ang Devilicious Gangster which is Raven. "What's the bet ?" Tanong ng leader ng kabilang grupo na si Kit. "Name it." Tipid na sagot naman ng kabilang grupo na si Raven. " Woah! Seryoso ka pre m? Pano kung yung gusto ko eh ang lahat ng kompanya niyo at buhay mo? " Nakangising sabi nung Kit. " I don't f*cking care!  As if you going win." Kampanteng sabi ni Raven na ikinagalit ng leader ng kabilang grupo na si Kit. "What?!! Minamaliit ata kami pre? Ok deal! Yun yung gusto ko. Your company and your life!" Galit na sabi ni Kit. "Ok! Deal! Sa amin naman. Simple lang. You must all disappear from this town and stop all the crimes that you've done. Ayokong makita yung anino at pagmumukha niyo sa bayang to. Understand?!!" Seryosong sabi ni Raven. " Deal!" " Are you serious Duze ?" Tanong ni Zack. " Am I f*ckng not Zack? Don't worry. I know we’re going win this!" Kampanteng sabi ni Raven " Guys!! Be ready! Get you motorcycle now! This is it!" "Yeah!" Sabay na sigaw ng naunang grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD