Chapter 3 - Racing Competition Part 1

925 Words
Third Person POV "Asan na ba si Gin? Gagatungan ko talaga yun." Inis na sabi ni Jedde "Tinawagan ko na. Paparating na daw siya. Papaliparin niya daw motor na. Nakakaamoy ako ng pera." Sabi ni Seth habang kinikiskis ang mga palad.  "Ui! Gago! Walang perang nakapusta! Utak pera ka talaga! Ginugutom ako sa sobrang ingay mo." Natawang sabi ni Zero. "Tse! Ulol! Mabuti pang lumayo kami sayo! Baka kainin mo pa kami. Utak pagkain. Di naman tumataba." Seth "Hoy! Hoy! Anong away yan? Im here. Ano? Rakrakan na? Kayo talaga! Istorbo! May chick pa akong kausap kanina. Mga Asungot kayo!" Sabi ng kadarating lang na si Gin. "Kausap? Lang? Wehhh? Bago ata yan. Di ka nakascore pre?" - Natatawang sabi ni Kurt kay Gin. "Itigil niyo na nga yang walang kwentang pinag-uusapan niyo. Sumakay na kayo sa mga motor niyo." Seryosong sabi ni Zack "Kahit kailan ang sungit mo Zack. Bitter ka lang kasi wala kang chicks." Sabi ni Gin na natatawa habang nakatingin kay Zack. "I don't need them." Seryosong sagot ni Zack "Woah!" sabay na react ni Gin , Seth at Zero. "Hey! Tama na yan. Be ready guys!"  Awat ni Raven sa kanila.  "Hey! Pagputok ng baril yun na ang hudyat na magsisimula na." sabi ng isa sa member ng kalabang grupo. "Pito laban sa pito. Kung sino sa isang myembro ng grupo ang mauna, sila na ang panalo." Pagpapatuloy ulit nito. "Walang rules. Kung sino ang makaunang makapunta sa isang abandonadong gusali sa kabila ay siyang panalo." Sabi nung leader ng grupong Sole Gang. Devilicious Gangster laban sa Sole Gangster. Handa na ang dalawang grupo. Ang putok nalang ng baril ang kanilang hinihintay para patakbuhin na ang kani-kanilang motorsiklo. Sabay ng pagputok ng baril, isa-isa ng nagsitakbuhan ang mga motorsiklo nang magkalabang grupo. Nangunguna dito ay ang Devilicious 7 Gangster. "Oh yeah! Pustahan tayo Ze, kung sino ang makauna sa ating dalawa ay mananalo ng sampung libo." Sabi ni Seth kay Zero na nasa gilid niya habang patuloy parin ang pagpapatakbo ng matulin. "Deal! Sampung libo lang? Ang cheap mo pre!" Sabi ni Zero na nakangisi.  "Para namang ang dami mong pera eh kada bili mo, lahat pagkain." Nakasimangot na sabi ni Seth.  "Shut up Seth! Atleast nakakain ko, busog ako. So ano? Una na ako sayo. Sayonara desu ne!" sabi ni Zero na natatawa pa. " Hoy! Hintayin mo ako Ze!! Di ka pwedeng manalo!!" sigaw ni Seth sa papalayong si Zero ** "Ui! Ano Raven? Nagbago na isip mo? Pwede ka pang umatras." Sabi ni Kit na leader ng Sole Gang. Binigyan lang siya ni Raven nang nakakalokong ngiti. "Hoy! Nang - aasar ka bah? Bat ka nakangiti jan?" Naiinis na sabi ni Kit. "Don't call me by my name. We're not even close. Backing out? Are you trying to make me laugh? Backing out is not on my vocabulary. " Ganting sagot ni Raven sabay paharorot ng motor niya. Patuloy parin ang paligsahan nila. Mga ikang kilometro nalang at mararating na din nila ang kabilang gusali. "Duze Rave! Sali ka sa pustahan namin." - Sabi ni Seth nang makasabay niya nang takbo si Raven. "I'll go ahead first." Sabi ni Raven ignoring what Seth said at humarorot nang takbo ang motor nito..  "Una na din ako." Sabi din ni Zack sabay iwan sa kanila. "Hoy!! Hindi ako magpapatalo!" Sabi ni Seth at pinaharurot din ang motor nito. "Sandali! Di din kami magpapahuli! "  "Lalo na ako!"  "Count me in!" Halos sabay na sabi nina Gin, Jedde at Kurt na pinaharurot din ang takbo nang kani-kanilang motor.  "Pero ako parin ang mauuna sa inyo!" sigaw ni Zero na nasa may unahan nila. ** Kaede's POV -  CASSA BAR - Wew ! Kapagod na gabi. "Una na po ako Sir." Paalam ko sa aking boss habang nakangiti.  "Ingat ka Hevn." Sabi ng boss ko sabay kaway sa akin. . "Salamat po Sir !" Ganting tugon ko at kumaway din.  Naglakad ako kung saan nakatayo si Leslie at nagpaalam din.  "Leslie, una na ako ahh?" Paalam ko sa kanya. "Sige Hevn. Ingat ka." sabi naman ni Leslie na nakangiti. "Sige. Salamat!" Sabi ko sa kanya sabay labas ng Bar. Buti at nakasweldo na ako ngayong gabi. May pambayad na din ako bukas. Lakarin ko nalang kaya ang apartment ko? Hmmmmmm. Tama! Malapit-lapit lang naman yun dito. Dun nalang ako sa shortcut na dinadaanan ko noon. Naglakad na ako papauwi at hinanap yung eskinitang dinadaanan ko dati. Ito na yun. Isa itong eskinita kung saan wala ng mga sasakyang dumadaan sa mga ganitong oras. Tiningnan ko ang aking relong pambisig. Alas dose na pala . Hatinggabi na din. Marami kaming customer kanina at matagal dumating yung isang kasamahan ko kaya na/extend ako ng dalawang oras. Seven hanggang ten ng gabi lang talaga ang shift ko. Ito na siguro yung unang pinakamatagal kung shift. Pagkalampas ko sa eskinitang ito may isang eskinita pa, tapos yung apartment na tinitirhan ko na ang kasunod. Ahhhh!!! Ang sarap na talagang mahiga sa kama at magpahinga. Natigilan ako saglit ng may narinig akong mga ingay. "whoah !!! Oh yeah!" Napakunot ako nang noo dahil sa narinig kong ingay. Tunog ng mga motor ba iyon?? "Hey pre!! Easy lang! Panalo na tayo dito!!" Bat ba ang ingay? Naguguluhan man, ay pinapatuloy ko parin ang paglakad palabas nang eskinita Malapit na akong lumabas sa unang eskinitang pinasukan ko.  Ang ilaw galing kung saan ang panandaliang bumulag sa mata ko nang makalabas ako nang eskinita. Pikit-mata kong tiningnan kung saan galing ang ikaw.  Nanlaki ang mata ko sa gulat. What?! Ano to? May mga motor ba na nagkakarera dito?? Sa ganitong oras ??? Ahhhhhhh! Nakakasilaw ang ilaw ng mga motor. Medyo madami din sila. I sighed in relief. Buti at wala na sila. Pwede na akong tumawid. Tatawid na sana ako ng may narinig ulit akong tunog ng motorsiklo kaya naman napatigil ako sa akmang paglakad.  "Hey you!! What are you fckn doing here?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD