Chapter 9

518 Words
[LUIS' POV] "KYAAAAAAAA!!!" tilian ng mga babae. Alam niyo na kung bakit sila nagtitilian. Nakakita lang naman sila ng gwapo. "OMG! Kasama ni Prince Billy si Prince. Ang pogi nilang dalawa." sabi ng isang babae. Huh? Prince? Napatingin ako sa may gate at nakita ko ang tatlong amo ko which is 'The Hunks' kuno na kasama si Prince Sy. Isa ring artista si Prince Sy. Ka-loveteam ni Billy sa upcoming first BL Movie niya. Ang pagkakaalala ko ay may boyfriend 'yang Prince na yan. Boyfriend dahil silahis ito. Hindi ko nga lang alam ang name. Hindi kasi ako laging updated sa showbiz. Alam niyo na, study first. "That pervert." Napatingin ako sa nagsalita. Si Keith pala. Ang sama ng tingin niya kay Prince. "Bakit ang sama ng tingin mo kay Prince?" tanong ko kay Keith. "Nothing. Hindi ko lang siya gusto. Mukhang mayabang at manyak." sagot sa 'kin ni Keith. "OMG! Bagay talaga sina Prince Billy at Prince despite na pareho silang lalaki." sabi ni Girl No. 1. "Oo nga at may chemistry sila. Parang intersado tuloy akong manood ng movie nila." sabi naman ni Girl No. 2. "Right and he's handsome unlike yung lalaking kasama nila. Luis yata ang name." pagsang-ayon ni Girl No. 3. Wait! Ako ba ang tinutukoy ni Girl No. 3? "Right. It's Luis. Yung bading na dukha." sabi ni Girl No. 2 kay Girl No. 3. What the? Anong sinabi nila? Ako? Bading na dukha? Hindi ako bading! Susugurin ko na sana yung tatlong babae kaya lang ay naunahan ako ni Keith. *pak* *pak* *pak* O____O Nagulat ako sa nakita ko. Binatukan kasi ni Keith isa-isa ang tatlong babae. Kitang-kita ko ang galit na mukha niya. "You don't have rights to talk my bestfriend like that." matigas na sabi ni Keith sa tatlong babae. Maraming tao ang nakatingin sa eksena. Pati na rin yung tatlong hunks at si Prince. "You asshole." galit na sabi ni Girl No. 1 at tinulak si Keith. Sumugod din ako para tulungan si Keith. Pero may biglang humila sa magkabilang braso ko. Pinagtutulungan ako ng dalawang babae. "Hey stop that! Wala kayong karapatang saktan si Luis!" narinig ko bigla ang boses ni Billy. Nakaramdam ako bigla ng hilo. ALL WENT BLANK *** Nagising ako na puro puti ang paligid. Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng kirot sa katawan ko. "Bro, magpahinga ka muna." napatingin ako sa nagsalita at nakita ko sina Keith, Fredison at James. "Tama ang kaibigan mo. Pahinga ka lang muna." sabi sa 'kin ni Fredison. Teka, asan si Billy? [BILLY'S POV] "Wait handsome." malanding sabi ni Prince pero hindi ko yun pinansin. Papunta ako ngayon sa gymnasium para puntahan ang mga babaeng nanakit kay Luis. "Sandali lang." hingal na sabi ni Prince. Isa sa kinaiinisan ko pang tao. Isa siyang spoiled brat na silahis na patay na patay sa 'kin. Kadiri! Nang makarating ako sa gymnasium ay hinanap ko yung mga babae kanina at hindi nga ako nagkamali. Nandun sila. "KYAAAAAAAA! SI PRINCE BILLY. KASAMA NI PRINCE. TARA MAGPA-PICTURE TAYO." sigaw ng isang babae. Biglang nagsitakbuhan ang mga tao palapit samin. Not again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD