Chapter 10

961 Words
[LUIS' POV] "Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa 'kin ni Fredison. "Okay na ako. Hindi na ako nakakaramdam ng kirot sa katawan ko." sagot ko kay Fredison. "Hindi na ako makakapayag pa na saktan ka nila ulit bro. Simula ngayon ay bodyguard mo na ako. Po-protektahan kita sa nang-aapi sa'yo. Hinding-hindi kita hahayaan pang maapi ka nila muli." seryosong sabi sa 'kin ni Fredison. Na-touch naman ako sa sinabi niya. Ang bait mo talaga Fredison. Mukhang nagkaka-crush na ako sa kanya. Crush lang ha. Babae pa rin ang gusto ko. Hindi naman siguro masamang magka-crush sa isang lalaki. Crush is paghanga. "Ang bait mo talaga Fredison. Kesa kay Billy na ubod ng sungit. Kailangan pang putulin ang sugay niya." sabi ko kay Fredison. "Hahaha! Pagpasensiyahan mo na siya. Kahit masungit 'yan mabait pa rin 'yan. Siya nga ang sumagip sa pang-aapi sa 'yo kanina." sabi sa 'kin ni Fredison na ikinatigil ko. Siya ang sumagip sa akin? Parang gusto kong maglundag-lundag sa tuwa. Waaaaaa! Bakit parang ang saya kong nalaman kong niligtas ako ni Billy kanina? [FREDISON'S POV] "Are you okay?" tanong ko kay Luis. Kanina pa kasi siya tulala. "Okay lang ako." nakangiting sagot niya sa 'kin. Ang cute naman niyang ngumiti kahit may konting sugat siya sa kanyang bibig. Hindi ko mapigilang ma-in love sa kanya. Oo, na-i-in love na ako kay Luis kahit lalaki siya. Hindi siya mahirap mahalin dahil mabait siya, lalaking maganda siya, at higit sa lahat ay naiiba siya sa mga babaeng nakilala ko. I saw something special to him that really captured my heart na wala sa iba. Para siyang babae sa paningin ko. Nandito na kami ngayon sa school. "OMG! Girls look. Kasama ng dukhang Luis na 'yan ang Prince Fredison natin." "Oo nga. How dare him na kasama niya ang Prince Fredison natin." "Dukha na nga, malandi pa." "Truth. Siguro ginayuma niya ang Prince Fredison natin." Ang mga narinig ko mula sa mga lalaking paminta. Grabe sila makapaghusga kay Luis. Kami naman ang lumapit sa kanya and he is a good friend. I find him interesting unlike them na puro kaartehan lang ang alam. Mukha silang mga lalaki pero daig pa nila ang pagiging babae. Inakbayan ko si Luis. "OMG! Inakbayan ni Prince Fredison ang dukhang Luis na 'yan." "Noooooooooooo! Katapusan na ba ng mundo?" "Alam na ba ni Prince Fredison na bading 'yang dukhang Luis na 'yan?" "Humanda sa 'tin 'yang dukhang 'yan." Subukan lang nilang galawin si Luis. Ako ang makakalaban nila kapag mangyari 'yun. Hindi deserve ni Luis ang malait nang ganito. [LUIS' POV] Grabe! Ang sama naman ng tingin sa akin ang grupo ng mga kalalakihan na halatang silahis. Porket may kasama akong artista ay nanghuhusga na agad sila sa akin nang masama. Kainis! "Don't mind them. They are just jealous." bulong ni Fredison na nakaakbay pa rin sa 'kin. f**k! Kinikilig na ako rito nang bonggang-bongga. Nagiging bading na ako. Bigla namang nag-bell. It's means start na ng flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na kami sa room. Oo nga pala, classmate namin si Prince Sy. Yung ka-loveteam ni Billy. To be honest, I hate him. Parang ang arte niya kasi. Halatang silahis din 'to. Tama nga si Keith sa hinala niya kay Prince. Biglang dumating ang Instructor namin. Nagkaroon kami ng long quiz at nakakuha ako ng 46 out of 50 na score. Ako ang highest samantala ang lowest naman ay si Prince Sy na nakakuha lamang ng 3 out of 50. Mukhang hindi siya nag-aaral eh. Pagkatapos ng klase ay pumunta kami ni Kate sa cafeteria. Hindi na ako sumabay pa sa tatlong hunks sa lunch dahil kasama nila si Prince Sy. Ayoko siyang makasabay. Baka tarayan lang niya ako. Kitang-kita ko kung paano landiin ni Prince ang tatlong hunks. Nakakainis! Biglang tumayo si Fredison at kinuha ang lunch niya tapos lumipat siya sa seat namin. "Dito muna ako ha. Hindi ako makakakain ng maayos dahil kay Prince." naiinis na sabi ni Fredison. Tinignan ko naman si Prince. At ayun, sinusubuan niya si James. Ang landi talaga. Si James naman ay nagpasubo. Pero halatang pilit. Yung para bang pinagbantaan siya kung hindi siya sumunod. "f**k!" biglang napatayo si Billy. Nagbulung-bulungan naman yung mga tao. "Where are you going babe?" tanong ni Prince with her sexy voice. Slut! "COULD YOU f*****g PLEASE DON'T CALL ME BABE?" biglang sigaw ni Billy at nagmadaling lumabas ng cafeteria. [BILLY'S POV] Shit! Nakakainis talaga si Prince. Hindi na niya kami tinatantanan. Dikit siya ng dikit sa 'ming tatlo at halos hubaran na niya kami sa isip niya. Nakakasuka! Kahit kailan ay hindi ako papatol sa silahis. Pumunta ako sa isang bar na exclusive lamang for celebrities para mawala ang init ng ulo ko. Dahil sa bar na 'to ay nagkakaroon ako ng freedom mula sa showbiz, and also other celebs. "Are you okay brad?" tanong sa 'kin ng kaibigan kong artista rin na si Kent. "Yah brad. Kumusta na pala kayo ng asawa mo?" tanong ko kay Kent. Ang tinutukoy ko ay yung asawa niyang si Harley. "Ayun, hindi kami okay ngayon dahil sa nagiging leading lady ko sa teleserye at pelikula. Nagseselos." sagot sa 'kin ni Kent sabay inom ng wine na hawak niya. Sa bagay, selosa kasi ang asawa niya. "Hiwalayan mo na kasi." pagbibiro ko. "f**k you bro! Mahal na mahal ko ang asawa ko." sabi sa 'kin ni Kent. "Kung mahal mo talaga siya. Fight for her. Show the world that you love her." advice ko sa kanya. "I can't, ayoko siyang masaktan dahil sa mga fans namin ni Elisa." - Kent "Pahamak talaga minsan ang showbiz. Well pinili natin 'to eh kaya panindigan na lang natin." I said. "Cheers?" sabay angat ang shot glass. "Cheers." - Kent At nag-toast kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD