[LUIS' POV]
Inalayan ako ng gwapong lalaking ito sa pagtayo.
"Thanks." sabi ko sa gwapong lalaki. Ang gentleman naman niya kahit sa lalaki.
"Ako nga pala si Fredison Mirko, bro." pagpapakilala nung gwapong lalake. Ang ganda ng name niya. Bagay sa gwapo niyang mukha.
"Luis Perez, pre." pagpapakilala ko naman kay Fredison.
Nag-shakehands kami ni Fredison.
"Mga kaibigan ko nga pala. Sina James Charles at Billy Williams." pagpapakilala sa 'kin ni Fredison sa dalawa niyang kaibigan. Pogi rin sila.
"Hello sa 'yo Luis." bati sa 'kin ng cute na lalaki.
Yung isa mukhang masungit.
"Ako nga pala si James Charles, pre." pagpapakilala ng cute na lalaki at nagulat ako nang mag-chest bomb siya sa 'kin. Muntik na nga akong matumba pero buti na lang at nasalo ako ni Fredison.
"You look good." dagdag pa ni James sabay wink sa 'kin. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"Wag kang didikit sa kanya dahil bully yan." bulong sa 'kin ni Fredison.
"Gago ka bro! Huwag mo naman akong sirain sa kanya." sabay batok ni James kay Fredison.
"Tsk. Umupo na nga tayo. Nagsasayang lang kayo ng oras dahil sa lalaking yan." sabi ng masungit na lalaki.
"Tara, tabi tayo bro." nakangiting sabi sa 'kin ni Fredison. Nakita ko namang masama ang tingin sa 'kin ng mga classmate ko. Anong ginawa ko at ganyan sila makatingin sa 'kin?
"Don't mind them." bulong sa 'kin ni Fredison. Tumango na lang ako at umupo sa tabi niya.
"Good morning class."
Dumating na ang Prof namin. Beki siya. Nagpakilala samin yung Prof at siya rin yung adviser namin. Nagpakilala kami isa-isa sa harapan. Buti nga at hindi ako na-bully. Wala naman kaming ginawa masyado dahil first day pa lang naman ng school. Mabilis rin nag-dismissed yung klase.
***
"Luis. May i-o-offer ako sayong work. Sigurado akong matutuwa ka." sabi sa 'kin ni Kuya Tisoy sabay abot ng isang bondpaper. Binasa ko yung nakasulat sa bondpaper.
"Woah! 5k a day plus tirahan. Kaso hindi ko naman kaya 'tong trabahong 'to dahil may klase ako. Hindi ko sila maaasikaso sa boarding house nila. At saka para lang 'to sa mga babae." sabi ko kay Kuya Tisoy. Ang tinutukoy na trabaho dito ay ang pagiging maid. Sayang naman 'to dahil malaki ang sweldo.
"No worries dahil sa DGUP rin sila pumapasok. At saka hindi lang naman pambabae ang trabaho na yan kundi panlalaki rin." sabi sa 'kin ni Kuya Tisoy. Nabuhayan naman ako sa sinabi niya.
"Mukhang wala na pala akong magiging problema nito. Sige, tatanggapin ko 'to." sabi ko kay Kuya Tisoy. Kailangan ko talaga 'to. Wala na akong pakialam pa kung pambabae 'to basta't desente ang trabaho ko.
"Nandyan yung address sa ibaba." sabi sakin ni Kuya Tisoy.
"Okay. Thanks Kuya Tisoy." pagpapasalamat ko kay Kuya Tisoy.
***
- SA ISANG BOARDING HOUSE -
Grabe naman ang pila rito. At bakit maraming babae ang nagpapaganda? Parang nahiya tuloy ako dahil ako lang ang lalaki rito. Nagtakip nga ako ng mukha eh gamit ang sombrero.
"Sis, okay na ba ang ayos ko?" tanong ng isang babae.
"Ang ganda mo Sis. I'm sure maha-hire ka na." sagot ng babaeng kasama niya.
Huh? Required bang magpaganda para ma-hire sa trabaho? Pero lalaki ako. Nawalan tuloy ako ng pag-asa.
"Waaaaaaaaaa! Hindi ako natanggap." may nakita akong isang babaeng umiiyak. Napano yun?
***
- AFTER 1 HOUR -
"Next."
Ako na pala ang sunod.
Tinanggal ko muna ang suot kong sombrero at pumasok na ako sa isang boarding house. Pagpasok ko pa lang ay nagulat ako nang makita ko sina Fredison, James at yung lalaking masungit na hindi ko na matandaan ang pangalan.
"Luis?" gulat na sabi ni Fredison.
"Ano ang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba kami?" masungit na tanong sa 'kin ng lalaki.
"Anong sinusundan? Nandito po ako para mag-apply ng trabaho bilang maid." sagot ko sa lalaking masungit.
"Ikaw? Papasok bilang maid? Nahihibang ka na ba? Babae lang ang pwedeng maging maid." yung lalaking masungit.
"Porket lalaki ako ay bawal na akong maging maid. Kaya kong gawin lahat ang gawaing bahay kahit gwapong lalaki ako." inis kong sabi sa kanya.
"Gano'n ba?" nakangiting tugon sa 'kin ni James.
Tumango ako.
"Kung gano'n. You're hired." sabi sa 'kin ni Fredison.
"WHAT???" hindi makapaniwalang sabi ng lalaking masungit.
"Tanggap ka na sa trabaho bro." sabi naman sa 'kin ni James.
"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?" sigaw ng lalaking masungit.
"Chill pre. Dalawa kaming sumang-ayon. Isa ka lang. And having a male maid is maybe a good idea." sabi ni Fredison sa lalaking masungit.
"s**t!" biglang tumayo yung lalaking masungit at nag-walkout.
Ang sungit talaga niya.