[THIRD PERSON'S POV]
"Kumusta na ang anak ko?" tanong ni Mr. De Guzman sa kanyang private investigator.
"Base po sa imbestigasyon ko Mr. De Guzman, marami pong nambubully sa kanya dito sa DGUP. At nalaman ko ring nag-apply siya bilang isang maid sa tatlong sikat na estudyante rito." sagot ng private investigator sabay abot ng isang papel kay Mr. De Guzman.
"Nandyan po ang address kung saan nakatira ang anak niyo." sabi ng private investigator.
"Okay, you may leave." sabi ni Mr. De Guzman sa private investigator. Umalis na ang private investigator.
Pagkaalis ng private investigator ay may kinuha siyang litrato sa drawer at tinignan niya ito na puno ng emosyon.
"Patawarin mo sana ako anak dahil sa iniwan ko kayo ng ina mo." sabi ni Mr. De Guzman habang tinitignan ang isang litrato ng isang babaeng may kargang batang lalaki.
"Hindi ko kayo naipagtanggol sa mga magulang ko. Pero mahal na mahal ko kayo."
Hinalikan ni Mr. De Guzman ang litrato ng kanyang mag-ina.
"Balang araw, magkikita rin tayo anak. Pero hindi pa ito ang tamang oras para magkita tayo." sabi ni Mr. De Guzman. Natatakot pa rin siya hanggang ngayon kung ano ang magiging reaksyon ng anak niya kapag makita siya nito. At malaman na siya ang ama nito na umiwan sa kaniyang ina.
[BILLY'S POV]
Damn it! Naiinis ako sa maid na yun. Hindi ko nga alam kung bakit ako naiinis sa kanya. Basta, ayokong lalaki ang maid namin.
"Brad, ayos ka lang?" tanong sa 'kin ni James.
"Anong masasabi mo sa bago nating maid?" tanong ko kay James.
"Bakit mo naman natanong?" tanong naman sakin ni James.
"Wala, basta sagutin mo na lang." sabi ko kay James.
"He's handsome, hot and sexy. He will be good on bed." nakangising sagot sa 'kin ni James. Binigyan ko naman siya ng death glare. Umaarangkada na naman ang pagiging pilyo niya.
"Woah! Pre, chill ka lang. Joke lang yun." bawi ni James sa sinagot niya sa 'kin. "Pero sa totoo lang ay magandang ideya na lalaki ang kasambahay natin ngayon. Masyadong obsess sa 'tin ang mga na-hire natin dati dahil mga babae sila." dagdag pa niya.
May punto si James. Mga hina-hire naming mga kasambahay ay puro babae at obsess sa 'ming tatlo. Yung isa nga ay muntik na akong gayumahin. Buti na lang at nahuli ito ni Fredison.
Maybe pagbigyan ko muna 'tong lalaking maid na 'to. Pero magiging masungit pa rin ako sa kanya.
[LUIS' POV]
- NEXT DAY (LUNCH BREAK) -
Nandito ako ngayon sa ilalim ng malaking puno dito sa school. Mag-lu-lunch ako ngayon. Hindi ko kasi gustong kumain sa cafeteria. Kahapon nga sa cafeteria ako kumain at ang resulta ay pinagtripan ako ng mga lalaking estudyante.
"Hello pre. Can I join with you in your lunch?"
May biglang nagsalita sa gilid ko. Sasagot na sana ako kaya lang umupo na agad siya sa tabi ko.
"Hi! I'm Keithson by the way. Keith na lang ang itawag mo sa 'kin. And you are?" pagpapakilala niya sa sarili niya.
"Luis pre." tipid kong pagpapakilala sa sarili ko. Mukhang mabait naman siya.
"Nice to meet you pre. Ang pogi mo pala sa malapitan." masayang sabi sa 'kin ni Keith. Bolero pala 'to.
"Anong pogi ka diyan bro? Tignan mo nga 'tong itsura ko. Pangit ang hairstyle, may suot na malaking salamin, may suot na oversized uniform." pagtatama ko sa sinabi niya.
"Mag-ayos ka kasi. Di bale, kapag may oras tayo ay dadalhin kita sa mall. Pupunta tayo sa salon para magpapogi." nakangiting sabi sa 'kin ni Keith.
"Wag na pre. Nakakahiya naman." pagtanggi ko kay Keith. Oo nga, nakakahiya sa kanya. At isa pa ay wala naman akong hilig sa pagpapapogi.
"Bawal kang tumanggi pre dahil bestfriend na kita ngayon." sabi ni Keith sabay akbay sa 'kin. Napangiti naman ako dahil do'n. Grabe, ang bait naman niya. Siya lang ang naglakas-loob na kaibiganin ako.
"So friends bro?" sabi ni Keith sabay lahad ng isang kamay niya sa 'kin.
"Friends." sabi ko naman sa kanya at hinawakan ko ang nakalahad niyang kamay tapos nag-shakehands kami. Wow! Nakakatuwa naman dahil may new friend na ako.