***Luth POV*** "HETO mga kuya, mag meryenda muna kayo," untag ko sa mga lalaking naglinis ng aircon ng buong bahay. Inabot sila ng kulang-kulang apat na oras at ngayon ay nagliligpit na ng kanilang mga gamit. Nilapag ko ang tray na bitbit sa table na nasa porch. Fresh orange juice iyon na ako mismo ang gumawa saka overloaded sandwich na tinuro sa akin ni Ser Elian. "Salamat, miss. Akala ko hindi mo kami pamemeryendahin, e," nakangising turan ng lalaking mukhang kambing. "Hindi ko talaga kayo pagmemeryendahin kung hindi maganda ang serbisyo nyo," nakangising sabi ko. "Ito talaga, o.. sama ng ugali. Mabuti na lang maganda ka," nakangusong wika ng lalaki at dumampot na ng isang sandwich sabay kagat. "Oo nga, kanina pa bugbog ang reputasyon namin sayo, a. Pinagkamalan mo kaming magna

