***Luth POV*** PASULYAP sulyap ako kay Ser Elian at pasimpleng nakikinig sa malambing na pakikipag-usap nya sa phone habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan namin. For sure, babae ang kausap nya. "Sure. I'm free tonight, sweetie.. yeah.." Napataas ang kilay ko at napaismid nang bahagya pang tumawa si Ser Elian na parang natutuwa sa kausap. Ang tono pa ng kanyang boses ay malambing na magaspang na parang paos—na parang nang aakit. "Let's meet later at my restaurant.. Likewise, sweetie.. Uhuh.. can’t wait to see you.." Umikot ang mata ko. Mukhang inheat na naman today si among pogi at may date sya. Tss! Sanaol may date. Ngunit habang naririnig ko ang pakikipag-flirt ni Ser Elian sa kausap ay parang kumikirot ang dibdib ko at pumapait ang panlasa ko. Medyo naiinis din ako dah

