MITSUHA LEIGH Nawala ang attention ko dahil sa nalaman ko kasi naramdaman ko nanaman yung malakas na aura na yun. Napatingin ako kila Tito at Tita at agad din lumabas para sundan iyon. Saka ko na muna iisipin yung tungkol sa kanila gusto kong malaman kung ano bang meron dun sa malakas na aura na yun. Napatakbo ako papunta sa labas at pilit na sinusundan iyon. Napahinto ako ng maramdaman kong sobrang lapit na. Hinanap ko sa paligid ang pinanggagalingan. Hanggang sa kakalakad ko eh muntik na akong matapilok. Kaya sa inis ko ay tinignan ko iyon at nanlaki ang mata ko ng makitang bungo iyon! Napaatras ako dahil paano nag ka bungo dito?! Agad kong ginamit ang ang Air power ko at hinawi ko ang buhangin doon sa bungo. At ganon nalang ang gulat ko ng makita kong tabi tabing bungo ang mero

