KYLE Naglilibot lang ako sa paligid ng Endless Town para malaman kung ano ang nagyari dito. Malaki talagang katanungan saakin kung ano ang nagyayari dito. Napatigil ako ng makita ko ang mga Dark Magicians. "Principe Kyle!" Agad na kumulo ang dugo ko dahil sa tinawag nila saakin. "Kailan man ay hindi ko gugustuhin na maging Principe nyo! Anong ginagawa gawa nyo dito manggugulo nanaman kayo sa Enldess Town!" Sabi ko sa kanila ang kaso ay kumunot ang noo nila dahil sa sinabi ko. Totoo isa akong Principe sa Dark kingdom anak ako ng pinakanakang masama dito pero kailan man ay hindi ko sya kinilalang ama! "Endless Town? Ilang taon ng wala ang Endless Town! Pinatay na namin sila!" Napaatras ako dahil sa sinabi nila saakin. Hindi totoo yun diba?! "A-anong sinasabi nyo?! Wag kayong ma

