MITSUHA LEIGH "Uyyy kausapin mo naman ako!" Napipikon akong napaharap sa likod ko dahil andoon si Kyle. Umalis na kami doon sa may Building at ewan ko ba sa isang to kung bakit sunod ng sunod saakin. "Pwede ba Kyle tigilan mo na ako" Malamig kong sabi sa kanya na ikinalungkot naman ng muka nya at parang iiyak na. Napairap naman ako sa kanya at tinalikuran sya. "Hindi gagana saakin yan kaya umalis kana" Pagpupumilit ko sa kanya at isa pa kailangan ko pang sabihin kay Daddy ang nalaman ko. Kailangan na naming kumilos tungkol sa mga pinag gagagawa nila. Ang ayoko sa lahat eh may pinapahirapan silang ibang tao lalo na ang mga Bata pa. Napakuyom nalang ako ng kamao. Hindi pa sila nadala sa pagkawala ni Heart talagang tuloy parin sila sa Human trafficking. "Ehh ayoko nga! Diba sabi

