MITSUHA LEIGH "Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong sa kanya. "Aray! Wala manlang Hi , Hello? Di ka ba masayang makita ako?" Paawa effect pa nya saakin. Psh kala mo naman kina gwapo nya tsk. "Walang sasaya kung ikaw ang makikita" Deretsyo kong sabi sa kanya. "Aray ha! Sobra na yun Suha nakakatampo ka" Sabi nya na parang iiyak na kaya napairap nalang ako at nilagpasan silang dalawa ni Daddy at naglakad papunta kay mommy na nakaupo sa Bench dito. "Naaalala mo na ba sya Princess?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Daddy. Naaalala? Sino? "Ano bang sinasabi mo Daddy wala naman akong nakakalimutang tao ah" Kalmado kong sabi sa kanya. "Tito wag nyo na pong pilitin ayos lang po saakin ang mahalaga kasama ko na sya" Napatingin naman ako kay Kyle dahil sa s

