Chapter Five

1321 Words
MITSUHA LEIGH  Nag ditch na ako sa ibang klase ko dahil sa trip ko lang Second year collage na ako magkaiba ba sa Edad ko? I'm 17 , Advance kasi ako kaya alam kona ang lahat ng iyon kaya hindi narin ako pumasok at isa pa may kahinahinala akong napapansin dito. Andito ako ngayon sa itaas ng puno kanina pa ako dito at makailang beses ko ng napapansin na kada dalawang oras ay may gurong dadaan dito at iisang lugar lang ang pinupuntahan. Sinubukan kong sumunod matapos ang ilang minutong pagdaan ng isang guro pero pagpunta ko doon sa Hall way ay wala ng ibang kwarto doon. Tanging mahabang hall way lang. Alam kong may Kung ano sa Gilid na parte ng University na to at aalalim ko kung ano iyon. Bumaba na ako sa puno at naglakad papunta sa Canteen dahil kumakalam na ang sikmura ko. Mukang tanghali na dahil narin sa taas ng sinag ng araw. Agad akong nakadating sa Canteen at nakatingin saakin ang mga tao pero hinayaan ko lang sila alam kong maganda ako pero wag naman nilang ipahalata tsk. Nag order na ako at naglakad para makahanap ng mauupuan pero may humarang sa daan ko. Tinignan ko lang sila ng blangkong tingin. "Move" Kalmado kong sabi sa kanila. Hanggat maaari ay ayoko munang makaharap tong mga feelengerang gangster na to dahil nagugutom ako. Baka mapatay ko pa sila. "Hah! Ang lakas ng loob mong utusan ako?!" Sabi nya saakin pero hindi ko sya sinagot at dahil ayaw nyang umalis edi ako nalang para wala ng gulo. Pero dahil nga mahilig mag backstabbing ang babaeng to eh hahawakan nanaman nya sana ang buhok ko ng unahan ko na ang kamay nya dahil hinablot ko yun. Nasa kabilang kamay ko yung tray ko at inilayo ko mahirap ng madamay yun. "Diba sinabihan na kitang ayoko sa mga taong kinakalaban ako habang nakatalikod. Hindi mo gugustuhin ang mangyayari" Sabi ko sa kanya at yung huling parte ay ibinulong ko lang sa kanya ramdam ko pa ang pag ka tense nya kaya napangisi ko. *Blag* Sa isang iglap ay narinig sa canteen ang pagkatapon ng pagkain ko. Naiwan ang kamay ko sa ere na hawak ang tray kanina at ngayon ay wala na. Napapikit ako at pilit kinalma ang sarili ko. "Hahaha! Ano iiyak ka na ba ng dahil lang sa pagkain?!" Tawa nitong mga Grupo ng babaeng ito na nakaharap ko kanina. Kilala ko sila! Sila ang Goddess Gang pwe! Rank 3 dito sa Pilipinas. Pero puro paganda at pananakot lang naman ang alam nila eh! Naramdaman ko na tinulak tulak nung leader nila ang sentido ko. Kalma Mitsuha simpleng bagay lang yan. "Akala mo ba matatakot kami sayo? Ikaw ang matakot saamin dahil simula na to ng Hell day mo!" Sabi nya at maya maya ay inikutan na nila akong lima habang naka crossarms pa ang mga ito. "Alam nyo bang Scholar ang babaeng to? Swerte ba? Haha sya ang kauna unahang scholar dito sa REX at sa tingin nyo ba anong silbe ng scholar dito?" Sabi nila saakin at nanonood lang ang ibang Estudyante. Ako naman ay tumayo lang at tinignan sila. "Pahirapan! Walang mahirap na dapat makapasok dito!" Pahirapan? Tsk baka kayo pa ang mahirapan. "Sabihin mo anong ginawa mo para makapasok lang dito? Binenta ang katawan m-" Wala pang isang segundo ay agad kong sinipa sa muka ang babaeng nagsasalita na yon. Na syang ikinatulog nya nakita ko pang nanglaki ang mata nung mga kasama nya dahil sa ginawa ko. Pero agad akong napaiwas ng sasabunutan dapat ako nung leader nila at hinawakan ko ang buhok nya at hinila iyon na ikinadaing nya. Nasa ganon kaming sitwasyon ng may mag salita. "Anong nangyayari dito?" Napatingin kami sa isang grupo ng mga lalaki may badboy look ang mga ito at may mga hikaw din sa Tenga. "Babe! Huhu she's hurting me!" Sabi nung babaeng hawak ko ang buhok na ikinangisi ko, babe? Baboy lang tsk. Agad kong pabalang na binitawan ang buhok nya at tumakbo ito sa lalaking yun. Pero lumapit saakin ang lalaki at tinitigan ako ng malapitan. Hindi naman ako nagpatinag at tinignan lang sya ng deretsyo sa mata. "Ikaw. Ang tapang mo ah ikaw yung scholar diba? Alam mo bang kaya ka naming patumbahin kahit nasa labas ka" Napairap ako dahil sa sinabi nya eh kung unahan ko na kaya sila? Pero muli ay naituon namin ang attention sa isang taong humawak sa balikat ng lalaking nasa harap ko at inilayo ito sa muka ko. "May problema ba dito Mr.Jackson?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at hindi ako pwedeng magkamali sya yung lalaki kanina yung muntik na akong matamaan ng bola ng pang baseball. Biglang may sumakit saakin kaya agad na akong umalis doon at isa pa hayaan ko na silang magpatayan dun. ---- Mabilis lang na lumipas ang maghapon at eto ako ngayon naglalakad na pauwi. Nasabi ko na ba sa inyo na parte ng pagpapanggap ko eh ang pagtira ko sa isang simpleng bahay lang? Syempre ang alam nila Scholar ako paniguradong magtataka yun pag sa malaking bahay ako umuwi at isa pa wala dapat na may makakaalam ng secreto ko kaya  quite lang ako. Padilim narin ako ng umalis sa University para hindi nila ako mapansin kaya eto ako magisa nalang ngayon. Nakaramdam ako ng mga mabibilis na kumilos papunta saakin. Hindi ko pinahalatang napapansin sila at chill lang na naglakad. Ng malapit na sila ay kunwari ay may kinakalkal ako sa bag ko pero ang totoo ay kinuha ko lang ang katana ko doon sa loob at agad na pinatama doon sa dalawang patalon talon sa mga puno. Nakita kong bumagsak agad ang mga ito pero napamura ako ng may dumating pang mga lima. Pinalibutan nila ako kaya agad kong tinapon ang bag ko sa kung saan. Mga assassin's. "Nag kamali ata kayo ng kinalaban" Nakangisi kong sabi sa kanila pero hindi sila sumagot ano pa bang aasahan ko mga assassin's yan di yan mag sasalita. Agad silang sumugod saakin kaya agad akong tumakbo doon sa poste at umikot pa masinipa ang isa sinigurado kong malakas yun para tumba agad. Agad akong napayuko ng may katana na isasaksak saakin kaya hinawakan ko ang paa nya at pinatid sya. Agad akong humarap sa harapan ko nya may tatama saaking Samurai. Pero pinigilan ko lang ang pagtama nito saakin gamit ang dalawang kamay ko. Nakita kong nanlaki ang mata nya at napaatras saakin. Naramdaman ko ang paghapdi ng kamay ko. Tsk kaya paborito ko ang samurai matulis na matulis talaga. Agad akong pinaikot ang samurai kaya nabitawan nya iyon. Nagsama sama silang apat at naghanda para kalabanin ako kaya inihanda ko rin ang sarili ko. Pinunit ko ang ang damit ko at pinaikot ko yun sa isang kamay ko para kahit papaano magtigil sa pagdugo yung isa kong kamay. Agad nila akong sinugod sabay sabay kaya kinontra ko ang mga sipa at suntok nila. Napatalon ako ng muntik na akong tamaan ng isa. Nakita ko ang samurai sa sahig kaya pinulot ko iyon at muling humarap sa kanila pero nagulat ako ng may tumulong saakin na lalaki. Hindi ko nalang sya pinansin at hinayaan na tulungan akong lumaban. Agad kong napatay ang dalawa dahil bihasa ko ang Samurai kahit anong angulo ay mapapatay ko sya. Saktong pagtingin ko sa lalaking tumulong saakin ay tapos narin sya. Ngumiti ito saakin at nilapitan ako. Habang ako eh tinitignan lang sya habang papalapit sakin. Pinunit nya ang pangibabang t-shirt nya at kinuha ang kamay ko at tinalian iyon. "Nag kita ulit tayo" Nakangiti nyang sabi saakin pero hindi ako nagsalita. Taimtim ko lang syang tinitignan habang tinatalian ang kamay ko. Tama nagkita ulit kami. Sya yung lalaki kanina sa canteen at yung muntik na akong tamaan ng bola ng Baseball. "Ako nga pala si Kyle. Sorry pala dun kaninang umaga" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD