MITSUHA LEIGH
Andito ako ngayon sa tapat ng malaking Gate ng REX University. Ngayon na andito na ako paniguradong maraming pupwedeng mangyari dito sa loob well I love Trouble naman so mag eenjoy ako dito*smirk*
Naglakad na ako papasok at rinig na rinig ko ang mga bulungan nila. Well naka pony kasi ako ng mataas at naglagay din ako ng Fake bangs at nakasalamin ako na malaki , Nerd kung tawagin pero wag nyo akong igaya sa pananamit nila.
Model ako masakit sa mata ko na makitang pangit na style at ternong damit kaya kahit ganito ang get up ko Fashionista parin ako.
Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad ng deretsyo at dahil nga talagang deretsyo lang ang lakad ko at hindi ako tumatabi ay may nakabunggo o tamang mas sabihin na binunggo nya ako.
"What the hell?! Bulag ka ba?!"
Sigaw na tanong nya saakin kaya dahan dahan kong syang nilingon na kina atras pa nya. Ganyan nga makuha ka sa tingin.
"Baka ikaw, nakita mo ng may soot akong malaking salamit tapos sasabihin mo bulag? Stupid"
Sabi ko sa kanya at naglakad na palayo sa kanya at mga kasama nya lima silang babae at wala akong pake. Deretsyo lang kasi talaga ang lakad ko at ang madaanan ko na ang tumatabi nasa gilid na naman ako tapos doon sila dadaan sa harap ko mismo? Tanga talaga.
Nakaramdam ako ng may sasabunot saakin pero agad kong hinawakan ang kamay nya at pinipilit ito.
"You know what? Ayoko sa mga taong tumitira habang nakatalikod ako"
Madiin kong sabi sa kanya at itinulak sya. Rinig na rinig ang pag daig nya at nilapitan sya ng mga kasama nya.
"Hala! Siguradong tatargitin yan ng Goddess Gang!"
"Oo nga! Kinalaban nya ang leader!"
Napalingon ako sa mga Chismoso na ikina atras nila at agad na umalis at tumingin din ako sa iba pero agad na ibinalik ang tingin sa ginagawa nila.
Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad na. Nagmamasid lang ako sa paligid habang naglakad ako papunta sa Dean Office alam ko naman kung saan Kaya walang problema.
Napahinto ako sa paglalakad ng may mapansin ako sa Pader dito sa Hallway. Parang may naririnig ako na kung ano. Humawak ako sa pader at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog na iyon.
Pero agad nawala ang attention ko ng may sumigaw.
"Tabi!"
Mabilis pa sa alaskwatro na sinalo ko ang baseball na tatama sa aking muka. Nakita ko na may tumatakbong lalaki sa gawi ko.
"Hey miss! Sorry sa nangyari!"
Nakangiting paumanhin ng lalaki saakin pero hindi ko sya pinansin at ibinigay nalang ang bola sa kanya at umalis na.
Ang ayoko sa lahat ay iniistorbo ako. Hindi ko na narinig pa yung tunog na iyon at tuluyan ng nawala. Ano kaya yon? Kailangan kong malaman kung ano yun.
Pag apak ko palang dito alam ko ng may kakaiba dito. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman dito ang tanong ano yun?
Dumeretso na ako sa Office at kumatok.
"Come in"
Rinig kong sabi mula sa loob kaya binuksan ko ang pinto at agad na sinalo ang paparating na Katana at ibinalik sa kanya at sinadya ko na patamaan ang gilid ng pisnge nya na ikinagulat nya.
"W-wow! Very impressive! Masuwerte ang University namin dahil ikaw ang kauna unahang Scholar na nakapasok dito and it seems handa ka para sa kahaharapin mo dito sa loob"
Manghang sabi ng matandang lalaki sa harap ko na hindi makapaniwala. Inilibot ko muna saglit ang mata ko sa loob bago nagsalita.
"Lumaki ako sa kalye na palaging may mga away kaya ganon"
Pag sisinungaling ko sa kanya. At pasimpleng tinignan ang dalawang CCTV na nasa Vase. At may nakita pa akong CCTV na nasa itaas at ramdam ko rin ang tutok ng camera sa may pintuan.
5 CCTV cameras in the office. Noted.
"I see mas mabuti na yon. Alam kong alam mong hindi simpleng paaralan to pero napili mo paring mag aral dito. May I know why?"
Napairap nalang ako sa isip ko dahil ang dami nyang tanong pwede naman na sabihin nalang nya saakin ang schedule ko para tapos na tsk.
"Mapapadali ang pagtatrabaho ko sa Future dahil iba ang dalang hatak pag dito ako nag aral. Matalino naman ako so bakit hindi ko pakinabangan"
Sabi ko na ikinatawa nya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah. Baliw.
"Wow! A very confident lady I'm so lucky to meet you! By the way welcome to REX University Queeny Joles!"
Sabi nya at iniabot na saakin ang scheduled ko tumango nalang ako at umalis na.
" Yeah thats right welcome the Queen on your base"
Napangisi nalang ako sa naisip kong yun. Nagkamali ka ng pinapasok na Scholar Dean. Masasabi kong napakadali mong maloko well ito na ang simula ng ikababagsak nyo.
Pumunta na ako sa una kong klase at agad na naupo sa pinakang dulo. Wala akong pake kung ako ang pinaguusapan nila. Yumuko nalang ako para isipin nilang tulog ako pero ang totoo nakikiramdam lang ako sa mga taong naririto.
Karamihan sa kanila ay Chismoso at Chismosa dahil ako agad ang topic nila. So ganon kabilis kung kumalat ang balita dito huh.
May ilan din na masyadong GGSS sa kanilang mga sarili at puro ka landian ang pinaguusapan tsk mga di na virgin.
Hanggang sa tumahimik na ang room at naramdaman ko ang isang presensya mukang anjan na ang Prof so talagang maganda ang turo dito dahil ginagalang sila ng mga Estudyante pero ibahin nyo ako.
Bastos ako eh.
"Hanggat maaga pa ayokong magalit so Gisingin nyo na yang tulog na yan"
Narinig kong sabi ng teacher pero wala manlang nagtangkang gisingin ako takot lang nila sa prof namin. Kaya ako na ang kusang nag angat ng tingin at sumandal sa upuan at dumekwatro at nag cross arms.
Nakita kong tumaas ang sulok ng labi nito. Ganyan nga kainisan mo ako haha.
Babae ang Prof namin ngayon at kitang kita ang kamalditahan nya. Umirap nalang ito at sinawalang bahala ako.
Tumayo ang ka block mates ko at binati sya pero ako ay nakaupo lang at nakamasid sa kanila. Hindi rin nakaligtas saakin ang tigin ng Prof namin na sa sobrang talim kung nakakapatay lang yun ay paniguradong tigok na ako.
Pero hindi ko yun pinansin at deretsong nakatingin sa kanya.
"So it seems na may bago dito care to share about your self?"
Sabi nya habang nakatingin saakin tinignan ko lang din sya at ng ilang sandali lang ay sa labas na ng bintana ako tumingin. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko at pag pamewang nya saakin at inis na inis na.
Strike three hahaha isa nalang bibigay na yan.
Pero muli ay hindi ako pinansin ng Prof at nagturo nalang pero dahil nga nakakaantok sya magturo ng math eh natulog nalang ako. Maya maya ay may naramdaman akong tatamang patalim saakin kaya agad kong kinuha ang notebook sa ibabaw ng table ko at iniharang iyon kahit nakayuko pa ako.
Narinig ko ang pagsinghap nila at nag angat ako ng tingin at tinignan ng masama ang babaeng gurong yun.
Wala pang isang segundo ay tumayo ako at asa tabi na nya ako na ikinagulat ng lahat dahil sa sobrang bilis ko.
Hawak ko ang danger na maliit na binato nya at pinalandas iyon sa pisngi nya at sinadya kong idiin iyon para magkasugat. Dinrowingan ko ng simpleng crown ang pisngi nya. Hindi naman ako nahirapan dahil matulis naman yun. Nakita ko ang pagpikit nya at ramdam ko ang panginginig nya. Ganyan nga matakot ka.
"Ayokong iniistorbo ang tulog ko nakuha mo?"
Sabi ko at dahan dahan naman syang tumango. Napatingin ako sa block mates ko at nakanganga ang mga ito. Binalibag ko ang danger at naglakad palabas pero bago ako makaalis ay nagsalita muna ako.
"Nga pala tandaan nyo ang pangalan ko and that is QUEENy"