MITSUHA LEIGH
Andito kami ngayon sa office ni Daddy at hindi ko alam kung bakit nya ako pinapunta dito. Ayaw nya kasing pinapapunta ako dito lalo na kaming dalawa ni Heart.
Hayyy.
"Alam ko ang tungkol sa Organization mo"
Agad akong napatingin kay dad dahil sa sinabi nito saakin.
"How did you know"
Deretsyo kong sabi sa kanya kaya napabuntong hininga naman sya dahil sa naging sagot ko. I know kahit na isang taon na ang nakakaraan hindi parin sila sanay sa pagiging Cold ko.
Hindi ko na mabago ang sarili ko anong magagawa ko?
"Kelan kaba babalik sa dati Princess"
Malungkot na sabi nito saakin.
"Dad"
"Hon hayaan mo nalang ang princessa natin alam kong alam na nya ang ginagawa nya"
Nakangiting sabi saakin ni mommy at hinawakan ang braso ni dad.
"Thanks mom. Just trust me dad. Ako parin naman to nagbago man ako sa maraming bagay pero ako parin ang anak nyo"
Napabuntong hininga nalang muli ito dahil sa sagot ko.
"So how did you know"
Seryoso kong tanong sa kanya kaya bumalik sya sa pagiging seryoso nya.
"May rason kung bakit hindi ko kayo pinapapunta dito. Tumingin ka sa paligid mo princess"
Sa sinabi ni dad at doon ko lang naalala na hindi ko pala nilibot ang tingin ko sa loob dahil okupado ang utak ko tungkol sa sasabihin nya saakin.
Naggulat ako ng makita kong ang daming ibat ibang collection ng baril na nakasabit sa ding ding at meron ding ibat ibang uri ng espada at kung ano anong armas.
Lumapit ako sa mga iyon at hinawakan.
Don't tell me that they are also belong to the Organization?!
"Tama ka princess kabilang nga kami sa Organization isa kami sa Big three noon ang Isagami Clan pero nang dumating ka ay nawala rin kami pero kinikilala parin kami"
Agad akong napalingon sa kanya dahil kasali nga sila sa organization.
"You knew dad! You knew all along and you never told me about that! I tell you everything what I've heard that night but you just said na kalimutan ko yun! Why?!"
Iyak kong sabi sa kanya hindi ko akalain na pagkatapos ng mawala si Heart ay iiyak ako. Matapos lumabas ng matapang na ako eh meron parin palang kahinaan ang tulad ko.
Noong mga panahon na kamamatay palang ng kapatid ko ay sinabi ko kay dad ang narinig ko about sa organization pero sinabi nya lang saakin na kalimutan ko yun. Pero hindi gumawa ako ng paraan para magkaroon ng kaalaman.
Hindi biro ang pinagdaanan ko at ngayon malalaman ko na ang Magulang ko mismo ay nagtago saakin ng bagay na yun na possible na alam nila kung sino ang pumatay sa kapatid ko.
"Princess We're so sorry. Ayaw naming madamay ka dahil sa nangyari. Alam mo bang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkamatay ng kapatid mo?
Ako ang nagdala sa inyo sa kapahamakan at wala manlang akong nagawa para iligtas kayo"
Iyak na sabi ni dad at si Mom ay umiiyak narin. Kaya napatalikod nalang ako sa kanila.
"B*llsh*t!"
Sabi ko at Sinuntok ko ang lamesa na nasa harapan ko na ikinasigaw ni Momny at agad akong nilapitan. Nawasak ang lamesa dahil sa ginawa ko.
"L-leigh! Are you okay?!"
Alalang tanong saakin ni Mom kaya kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang luha ko at bumalik sa pagiging Cold.
"I'm okay mom"
Sabi ko at hinarap si Daddy.
"Why are you telling me about this right now"
"I'm telling you because we need to be one. Our Organization kailangan natin silang pagsamahin"
Napantig ang tenga ko dahil sa sinabi nya saakin.
"No dad hindi ako papayag. Isara nyo na ang Isagami Organization kung ayaw mo ako mismo ang magpapabagsak don"
Sabi ko sa kanya at lumakad na para lumabas pero napahinto ako dahil sa sinabi nya.
"Alam kong kilala mo na kung anong organisation ang pumatay sa kapatid mo at alam ko rin na may hindi magandang ginagawa ang organization na yun sa ngayon"
Napalingon ako sa kanya at bumalik palapit sa kanya. May ibinigay sya saaking Folder.
"Ibinigay yan saakin ng Kanang kamay mo pareho lang tayo ng nakalap na impormasyon Princess"
Agad kong binasa ang laman niyon at nalukot iyon dahil sa sobrang galit.
"Hindi magtatagal ay makikilala ka nila anak. Nalaman namin na nagsama sama na ang organization para alamin ang tungkol sa Organization mo at tungkol sa Misteryosong babae sa Gangster Field na kung tawagin nila ay Ang Gangster Queen"
Napalingon muli ako kay dad dahil sa sinabi nya. Alam kong hindi nila basta basta malalaman ang tungkol saakin dahil magaling ang mga tauhan ko pero dahil nga nagsasanib pwersa na sila ay talagang mahihirapan na akong magtago. Hindi narin ako magugulat dahil alam nila ang tungkol sa pagiging gangster ko. They are my parents after all kilalang kilala talaga nila ako.
"So whats the plan"
Sabi ko sa kanila
"Pag napagsama na ang dalawang organization ay kailangan mong mag aral sa isang University"
Agad naman akong napangunutan ng noo dahil sa sinabi nya alam nyang impossible yun dahil kilalang kilala ako sa buong mundo.
"Magpapanggap ka bilang ibang tao princess. Bakit ba kasi sa dinami dami ng pwede mong ipangalan sa Organization mo eh ang Apilyido pa natin paniguradong nakahalata na ang mga iyon lalo na ngayon na magsasama ang Yakuza at ang Isagami hindi sila titigil para patayin ka"
Napahilot nalang ako ng sintido dahil sa sinabi ni dad. Bakit ba hindi ko naisip na kilala nga pala ang apilyido namin! Kainis!
"At isa pa hindi ka lang basta mag aaral doon. Dahil andun ka para mag imbistiga"
Natanggal ko ang kamay ko sa sintido ko at napatingin sa kanya mukang alam kona kung saan ako mag aaral.
Sa REX University. Isa yung paaralan na puro mayayamang tao lang ang nakakapasok at isa pa ang hindi alam ng lahat ay ang mga Estudyante doon ay puro mga Gangsters.
Tama kayo dito sa Pilipinas ay mayroon ding Sariling Ranggo ang mga Gangsters.
"Nakatunog kami na mayroon daw kinalaman sa Organization na pumatay sa kapatid mo ang isa sa mga Estudyante doon. Hindi namin alam kung sino pero sigurado akong maimpluwensya iyon.
At isa pa ang eskwelahan na yun ay pag aari ng organization na yun paniguradong may makukuha kang sagot tungkol dun sa nasa dokumento"
Tumango nalang ako kay Daddy.
"Handa na ang Distinguish mo Princess ikaw na ang bahala sa look mo and Mag iingat ka. Maraming mata ang ibang organization ayaw namin na nadamay ka dito pero damay na damay kana dahil sa naging kilos mo nitong mga nakaraang taon"
Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi nya saakin.
"I'm sorry"
Sabi ko sa kanila hinawakan lang ako ni mommy sa muka at hinarap sa kanya.
"Its okay Leigh proud ako sayo dahil nagawa mong tumayo sa sarili mong mga paa sa batang edad palang pero wag ka ng manghihinayang na humingi ng tulong saamin ngayon dahil mahal na mahal ka namin."
Sabi ni mom kaya tumango nalang ako at niyakap sya sumama narin si Daddy.
"Mag iingat ka Princess ayaw na naming mawalan pa ng anak"
Sa tingin ko tuluyan ng mag babago ang buhay ko dahil sa mission kong ito. Hindi ko na hahayaan pang may iba pa silang mabiktima at mapatay at sisiguraduhin ko na pababagsakin ko sila.
Mag hintay lang kayo Hanzon Organization parating na ang Demonyong papatay sa inyo.