"W-who are you?"
Tanong ng MC sa kanya. Pero naglakad lang ang babae palabas , bago sya umalis ay nagsalita muna sya.
"I'm your worst nightmare"
Nakangisi nyang sabi at tuluyan ng lumabas ng Gangster Field. Naiwang tahimik ang Field dahil sa sinabi nito sa kanila.
Kumalat ang nangyari sa Gangster Field sa sobrang bilis kumalat ng balita ay pati sa ibang bansa na mayroon ding mga Gangster ay alam na alam na nila ang tungkol doon.
May ilan pa ngang nagsabi na sayang daw at wala sila doon. Maraming gustong makilala kung sino ang babaeng iyon. Sa Gangster World ay Required na mag soot ng Mask para narin sa ikatatago ng kanilang pagkatao pero dahil nga mayroong mga organization ay madaling malalaman nila ang tunay na katauhan ng isang gangster.
Pero sa kaso nung babaeng misteryoso ay ni isang impormasyon ay wala manlang silang makuha pero may isang tanging balita ang nakalap nila iyon ay ang nangungunang Organization ngayon na Yakuza ay mas lalong lumakas at lumaki na ang pagitan nito sa pangalawang organization.
MITSUHA LEIGH
"Give me the documents when I got there"
Sabi ko sa cellphone ko at ibinaba na iyon. Sumandal ako sa Upuan ng Private Plane ko at pumikit.
Iniisip ko ang mga nangyari kanina sa Gangster Field. Tama kayo ako yung babae dun.
I'm Mitsuha Leigh Yakuza 17 years old. Ako rin ang syang gumawa ng Yakuza Organization at ako ang pinakang batang Business women sa industriya.
Proud ako sa mga na achieve ko dahil kagustuhan ko iyon. Pero hindi alam ng Parents ko ang tungkol sa Organization kong tinayo at ang pagiging gangster ko. Sinadya ko yun para hindi sila madamay sa gulong pinasok ko.
Tinatanong nyo ba kung bakit ako nagtayo ng organization?
Napakuyom ako ng kamao ng maalala ko ang dahilan.
*Flashback*
Masaya si Mitsuha habang nakikipaglaro ito sa nakababatang kapatid. Hindi naman talaga Cold ang dalaga dahil pinuno sya ng pagmamahal ng pamilya nya.
Lalo na ng dumating ang nakababata nyang kapatid sa buhay nila ay mas sumaya pa sila. Laging napupuno ng tawanan ang kanilang bahay dahil nga kay Mitsuha at kay Heart iyon ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid.
May reason kung bakit heart ang pangalan ng kapatid nya iyon ay dahil mahina ang puso nito.
Masiyahing bata si Heart 5 years old pa lamang ito at close na close sila ni Mitsuha laging dinodrawing ni Heart ang kinuwento sa kanila ng kanilang ina ng matagpuan nito si Mitsuha sa Labas ng pintuan ng bahay nila.
Apon lamang si Mitsuha pero hindi iyon naging hadlang para hindi sya mahalin ng sobra ng kanyang mga tumayong magulang. Kaya wala na syang mahihiling pa.
Pero nagbago ang lahat ng mangyari ang isang pangyayaring hindi nito akalain na mangyayari sa kanila.
Naiwan sa bahay Sina Mitsuha at Heart dahil nasa business Trip ang kanilang mga magulang kaya sya muna ang nagbabantay sa kanyang kapatid.
Marami din ang mga katulong nila at mga Body Guard dahil Kilala ang kanyang mga magulang sa Business industry at para sa seguridad narin nila.
Nasa Garden ang mag kapatid at nag dodrawing lang si Heart ng mapatayo si Mitsuha dahil nakarinig sya ng mga putok ng baril.
Umiyak na ang kapatid nya dahil sa takot.
"A-ate Leigh bakit may barilan huhuhu"
"Sshhh don't cry Baby come here! Lets go inside!"
Agad na inakay ni Mitsuha si Heart papasok sa bahay pero napaatras sila ng may mga humarang sa kanilang lalaki.
"S-sino kayo?!"
Lakas na loob na sabi ng dalaga sa kanila.
"Mitsuha Leigh isang sikat na Modelo sa buong mundo at anak ng Isa sa pinakang kilalang tao sa mundo sa tingin mo anong kailangan namin sayo?"
Nakangising sabi ng isang lalaki kaya kinabahan na si Mitsuha napatingin sya sa mga Body Guard at tumba na ang mga ito. Agad na itinago nya sa likod nya ang kapatid nito na hindi na matigil sa kakaiyak dahil sa takot.
"Baby stay here wag kang aalis jan!"
Agad na sabi nya at sinipa ang baril na nakatutok sa kanya at hinawakan ang kamay ng lalaki at pinilipit iyon. Sinipa nya rin sa isa pang lalaking babarilin sana sya at yumuko ng muntik na syang masapak ng isa.
Pero napaluhod sya ng mag humampas sa kanya ng matigas na bagay sa may batok nya at sa tingin nya ay baril iyon. Marunong makipaglaban ang dalaga dahil Sinanay sya ng Kanyang Ama para sa kaligtasan narin nya.
"A-ate"
Nahihirapang napalingon sya sa kapatid nya ng makita nyang may dalawang lalaking may hawak na sa bata at kitang kita nya kung paano nahirapang huminga ito.
"H-heart... B-bitawan nyo sya!"
Sabi nito at pilit na tumayo , kahit nahihilo ay itinulak nya ang dalawang lalaking may hawak sa kapatid nya.
Pero napatigil sya ng makarinig sya ng putok ng baril at naramdaman nya ang pagsakit ng balikat nya.
"A-ate!!"
Sigaw ng kapatid nito pero tuluyan na syang napabagsak sa sahig. Kitang kita nya ang pagluhod din ng kapatid nya habang hawak ang dibdib nito at mas nauna ng mahiga sa kanya sa sahig habang nakapikit.
"H-heart!"
Sigaw nya at sinubukang abutin ang kapatid ng may sumipa sa kanya kaya napadaing sya.
"Hoy! Siraulo ka! Sya ang gusto ni Boss malalagot ka sa Organization!"
Narinig nyang sabi ng mga ito.
"Kunin mo na yan!"
Naramdaman nyang mayhumawak sa kanya sisigaw na sana sya pero hindi nya magawa dahil sa sobrang panghihina. Pero nabitawan sya ng mga ito ng makarinig sila ng sunod sunod na putok ng baril.
"Sh*t anjan na sila! Kailangan na nating umalis! Malalagot tayo kay boss nahuli tayo!"
Iyan ang huling narinig ni Mitsuha bago sya mawalan ng malay pero ang tanging nasa isip nya lang ay ang kanyang nakababatang kapatid.
~~~
Nagising ang dalaga sa kanyang kwarto at naramdaman ang pagsakit ng kanyang balikat pero hindi nya iyon ininda at naglakad pababa.
Sa hagdan palang ay naririnig na nya ang ilang usapan ng mga tao at napansin nyang maliwanag sa baba at maraming tao kaya nag taka ito.
Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Mitsuha ng may makita syang ka baong sa pinakang dulo sa gilid ng hagdan.
Napahawak sya sa mesa na nasa may hagdan dahil sa panghihina na naging sanhi ng pagkabagsak ng base doon kaya napatingin ang lahat sa kanya.
Makikita ang pagkaawa sa mata ng mga taong naroroon dahil alam nilang lahat na mahal na mahal ni Mitsuha ang kanyang nakababatang kapatid na syang ngayon ay nakaburol na.
Nagsimulang tumulo ang luha ng dalaga at agad syang nilapitan ng kanyang mga magulang at tinulungang tumayo.
"M-mom si h-heart?"
Agad na tanong ng dalaga nagkatinginan ang dalawa at tumingin sa kabaong nasa harapan kaya pati si Mitsuha ay napatingin doon.
"N-no.... H-hindi..."
Sabi nito sa sarili nya at sinimulang maglakad pero hinawakan muli sya ng kanyang ama.
"Princess you should rest-"
Pero hindi na nito natuloy ang sasabihin ng umiiyak na nag salita si Mitsuha.
"No! Dad! Hindi si Heart yan! Hindi nya tayo iiwan!"
Sabi ng dalaga at agad na naglakad papunta sa kabaong kahit hirap na hirap ay pinilit nyang humakbang. Nakasunod lang ang tingin sa kanya ng ibang tao at mayroon ding mga Camera.
Si Mitsuha ay isang Isakat na Modelo at Artista at sya ay unti unti naring sumisikat sa Industriya ng business. Kaya kilalang kilala ang kanilang pamilaya at hindi lingid sa lahat ang kalagayan ng kanyang kapatid.
Ng makarating sya sa kabaong ay agad itong sumigaw at nagiiyak.
"No! No! Heart wake up! Ate is Here! Sabi mo hindi mo kami iiwan diba?! Wake up!"
Iyak na sabi nito at niyakap ang kabaong nito ang iba ay umiiyak narin dahil sa kanilang nakikita. Agad syang niyakap ng kanilang mga magulang.
"Leigh stop it" iyak na sabi ng kanyang ina.
"M-mom! Si heart! Hindi sya yan diba?! Hindi nya tayo iiwan!"
Iyak na sabi nito sa ina na para bang gusto nyang marinig na hindi totoo iyong mga nakita nya. Pero napayuko lang ang ina nya.
"Iniwan na nya tayo"
Iyak na sabi ng ina nya at hindi narin mapigilan na mapahagulgol kaya tuluyang napaupo sa sahig si Mitsuha at nag iiyak niyakap sya ng kanyang ina at niyakap silang dalawa ng kanyang ama.
*End of flashback*
Pinahid ko ang luha na tumulo sa mata ko ng maalala ko ang nangyari isang taon na ang nakakaraan.
Matapos ang pangyayaring iyon ay talagang nagsumikap ako sa Business industry at humanap ng paraan para malaman ang Organization na binanggit ng lalaki at doon nalaman ko na ang mga Organization ay humahawak ng mga Gangsters at assassin's.
Ginawa ko ang lahat para magsanay mag isa at gumawa ng sarili kong Organization na syang ikinatagumpay ko.
And this made me who I'm now. A Cold Hearted women. Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila saamin ng kapatid ko.
Tumayo na ako at lumabas dahil nakalapag na ang eroplano pero paglabas ko kasama ang body guards ay agad na sumalubong ang mga Press saakin.
Sh*t! Bakit ba nakalimutan ko sila! Kaya nagmadali kaming lumabas at hindi sinagot ang mga tanong nila. Simula kasi ng mamatay si Heart ay sa Europe na ako tumira. Alam nila ang nangyari sa pamilya ko kaya ganoon.
Hindi parin naman ako tumigil sa pagmomodel pero sa Pag aartista ay tumigil na ako. Pero talagang kilala nila akong lahat lalo na ako ang pinakang batang successful sa Business industry.
Mabilis lang kaming nakarating sa Mansion namin at napahinga ako ng malalim dahil halos isang taon ko ring hindi nakita ang bahay na ito. Napapikit ako ng maalala ang mga masasayang ala ala namin dito pero umiling nalang ako para maisawalang bahala yon.
Agad akong sinalubong ng mga Maids at body guard na naroroon. Nag bow ang lahat saakin.
"Welcome home young lady"
Sabi nila saakin. Sasabihan ko na sana sila na wag yumuko dahil pamilya ko rin silang lahat pero agad kong narinig ang sigaw ni Mommy mula sa hagdan.
"Leigh anak! Nakauwi kana!"
Agad akong niyakap ni mommy at sinuklian ko naman iyon dahil miss ko narin sya. Pinupuntahan naman nila ako sa Europe pero umaalis din sila agad.
"Welcome home princess"
Nakangiting sabi ni Daddy saakin at niyakap din ako.
"We need to talk Princess in Private"
Maya mayang sabi saakin ni dad. Seryoso sya kaya tumango ako sa kanya.
Bakit parang may pakiramdam akong may hindi magandang mangyayari?