GOOD morning, doc! “Good morning.” “Good morning, Dr. Montenegro!” “Good morning.” Nagkatinginan ang dalawang nurse at ibang staff nang masigla ang ngiti ng doktor. Bukod pa roon ay bumabati pa ito sa mga bumabati rin sa kanya. “Good morning, doc.” Isa-isang bumabati ang mga nurse at interns habang naglalakad siya sa hallway ng ospital. Nakaputing coat, bagong paligo, at nakaayos pa ang buhok—malinis, maamo ang ngiti, pero sa loob-loob niya ay may mga imaheng ayaw pa ring mawala. Malawak ang ngiti niya abot hanggang teynga kaya naman napakunot ang iilan. Pagkarating sa harap ng elevator ay tiningnan ang sarili sa salamin. Mula kagabi, hindi siya masyadong nakatulog. Hindi dahil sa alak… kundi dahil sa halik. Dinah... Pagkabukas ng elevator ay nandoon ang dalawa pang doktor—s

