Sa kalagitnaan nang madilim na mukha ni Logan ay lumapit ang tauhan at agad pinaalam sa Don ang dumating na bisita. “Sir, dumating na po si Ma’am Sofia. Kasama po niya po si Madam.” Agad na nanlamig ang katawan ni Dinah sa narinig. Parang biglang huminto ang oras sa paligid niya nang marinig ang pangalang iyon. Si Sofia. Kaagad niyang nilingon si Logan at nag-iba rin ang ekspresyon ni Logan bahagyang nanigas ang panga at lumalim ang titig, pero walang sinabi. “Is Francis with them?” cold na boses ng doktor. “Wala po, sir. Silang mag-ina lang.” Sagot ng tauhan. “Logan, salubungin mo sila. Sabihin mong susunod ako,” utos ng Don, sabay kumpas ng kamay. Tahimik na tumango si Logan, pero bago pa ito tuluyang makalayo, sumulyap ito sa kanya. May kung anong gustong sabihin sa tingin ni

