Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Dinah. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, at saglit siyang naguluhan sa paligid. Hindi na mabaho. Wala na ang ingay ng mga lasing. Wala na ang makitid at madilim na eskinita.
Sa halip, naramdaman niya ang lambot ng kutson sa ilalim ng kanyang katawan, ang malamig na simoy ng aircon na dumadampi sa kanyang balat, at ang sariwang amoy ng linen. Napatingin siya sa suot niya, isang malinis na oversized shirt at isang cotton shorts. Malambot, bago, at halatang hindi galing sa ukay-ukay na sanay siyang suotin.
Mabilis siyang napabalikwas, nanlaki ang mga mata nang maalala ang nangyari kanina.
Napalingon siya sa paligid. Modernong kwarto. Malinis. May malaking glass window kung saan aninag ang sikat ng araw, at may wooden nightstand na may baso ng tubig. Sa tabi nito, may isang nakatiklop na towel at isang paper bag na may logo ng isang mamahaling clothing brand.
Bago pa niya lubos na maproseso ang lahat, bumukas ang pinto.
At doon, nakatayo si Dr. Logan Montenegro, nakaputing polo na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, at may hawak na tasa ng kape.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Hindi niya alam kung galit siya, takot, o mas gusto niyang magtago sa ilalim ng kumot.
Pero sa huli, isang tanong lang ang lumabas sa kanyang bibig.
“Bakit mo ako hinanap?”
Napakurap si Logan at marahang huminga. Tila saglit siyang nag-isip bago sumagot.
“Kasi gusto kong bumawi sa ‘yo at responsabilidad kita.”
Nanigas ang katawan ni Dinah. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa, mainis, o maniwala.
“Responsabilidad?” mapakla siyang tumawa.
“Akala ko ayaw mo sa ‘kin? Akala ko wala kang pakialam dahil anak ako ng tatay ko? Akala ko, mas mabuting mawala ako sa buhay mo?”
Bawat salita niya ay parang kutsilyong tumatama sa dibdib ni Logan.
Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, lumapit siya at marahang inilapag ang tasa ng kape sa nightstand. Umupo siya sa gilid ng kama, hindi inaalis ang tingin kay Dinah.
“Dinah…” malalim ang tinig niya. “Mali ako.”
Napasinghap siya. Hindi niya inaasahan ang sagot na iyon.
“Dapat noon pa kita hinanap.”
Natigilan ang dalagita. Pero hindi niya hinayaang bumaba ang depensa niya.
“Hindi mo kailangang bumawi. Ayokong narito.” Ibinagsak niya ang kumot at lumabas ng kama, pero bago pa siya makalayo, mabilis siyang hinawakan ni Logan sa braso.
“Dinah, please… Bigyan mo ako ng pagkakataong itama ‘yung mali.”
Kumakawala siya, pero ramdam niya ang init ng palad ng doktor sa kanyang balat at hindi niya maipaliwanag kung bakit nanginginig ang kanyang mga tuhod.
“Pamangkin pa rin kita kaya hindi kita kayang pabayaan.”
Doon ay kumunot na ang noo niya.
“Sabi mo hindi mo ako pamangkin kaya nga ‘diba galit na galit ka sa tatay ko pati ako—”
“I know. Hindi mo lang naiintindihan ang ginawa ng Papa mo. Nasabi ko lang ‘yon dahil sa galit ko sa kanya.”
Nilapag ni Logan ang tasa sa isang tabi at lumapit sa kanya pero umatras siya agad.
“Para maintindihan mo, sasabihin ko ang totoo. Ako ang dapat na asawa ni Sofia dahil kami ang magkasintahan since college. Umalis ako ng Pinas para mag-aral ng medisina pero pagbalik ko buntis na si Sofia at ang tatay mo ang ama. Kung ikaw ang sa kalagayan ko, ano ang mararamdaman mo?”
Napaawang ang labi ng dalagita sa pagtatapat ni Logan.
“Malaki ka na, Dinah. Sa susunod na buwan dese otso kana, kaya alam kong naiintindihan mo ang mga ganitong bagay.” Pagpapatuloy ni Logan.
“Kaya ba ganoon na lang ang galit mo sa akin kasi nakikita mo ang Papa ko sa akin?”
“Yeah.”
“Sorry po, ako na ang humihingi ng pasensya para sa ginawa ng ama ko. Ngayon ay mas naliwanagan ako mas nagkaroon ng dahilan na hindi ako dapat narito—”
“No. Dinah just listen. Kung ano man ang nagawa ng tatay mo ay labas ka do’n. Tsaka…”
Napalunok si Dr. Logan habang nakatitig sa dalagita na wala talagang kaalam-alam sa mga nangyayari.
“You’re my niece. Hindi kita kayang pabayaan sa kalsada, magkadugo tayo Dinah.”
“M—Magkadugo tayo?” pag-uulit ni Dinah.
“Yes.” Sagot ni Logan sabay iwas ng tingin. Hindi siya sanay magsinungaling ‘yong last na nagsinungaling siya ay high school pa siya. Ngayon na lang ulit kaya baka mahalata ng dalagita na nagsisinungaling lang siya pero mas mabuti na ito kaysa naman ang umalis na naman si Dinah.
“Uncle…”
Nagulat si Logan nang bigla siyang niyakap ni Dinah. Umiyak ito nang umiyak at wala siyang nagawa kundi ang yakapin ang dalagita at hinagod-hagod ang likod nito.
“Wala na po si Nanay namatay siyang hindi ko manlang nadala sa magandang ospital. Si Papa kasi bibihira lang magpadala sa amin kaya namatay na lang si Nanay.”
Hindi malaman ni Logan ang isasagot. Hindi niya alam kung sinong Nanay ang tinutukoy nito kung ‘yon bang Mama ni Dinah o lola niyang nag-alaga sa kanya.
Hinayaan niyang umiyak ito nang umiyak hanggang tumahan at nagpunas ng mukha.
Pero muli nitong sinumbong ang huling pagkikita nilang mag-ama no’ng araw na bumili ng manggang hilaw si Francis. Muling umiyak si Dinah habang sinasalaysay nito ang pagmamakaawa nito sa ama na kunin na.
“Hindi po ako tanggap ni auntie Sofia at si Papa mas pinili niya po ‘yon kaysa sa akin na sarili niyang anak.”
“Hayaan mo… mula ngayon hindi kana magpapalaboy-laboy sa kalsada. Gusto kong mag-aral sa pasukan tamang-tama sa susunod na araw mag-enroll ka.”
“Talaga po, uncle?” bulalas ni Dinah. Napangiti si Logan nang makita kung gaano kasaya ang mukha ng dalagita.
“Oo. Ako ang magpapa-aral sa ‘yo. Anong course ang gusto mo?”
“Sigurado ho ba kayo?” hindi makapaniwala si Dinah.
“Yes. Basta siguraduhin mong mag-aaral ka nang mabuti. Ano ang course na gusto mo?”
“Nursing po, uncle!” bulalas agad ng dalagita.
“Nursing? That’s amazing.”
He was genuinely happy with her choice. Being in the medical field himself, it felt good knowing that Dinah was choosing the same path. Maybe, in some way, this was where she was meant to be.
Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis si Logan ngunit may sinulat itong mga rules sa papel at dinikit sa ref. Kinuha niya ‘yon at binasa bigla siyang napakagat sa labi, napaupo sa lamesa, at paulit-ulit na binabasa ang sampung numero na kailangan niyang sundin kapalit ng pagpapa-aral at pagpapatira sa kanya ng tiyohin. Subalit sa pinakahuling numero ay nanlaki ang mga mata niya. Isang oras siyang nakaupo at nagnilay-nilay.