Nagmamadaling pumasok si Logan sa presinto kung saan nakadestino ang matalik niyang kaibigang pulis, si SPO3 Marquez.
“Logan, ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ka ba dapat nagpapahinga?” tanong nito nang makita siya.
“Bro, kailangan ko ng tulong mo. Gusto kong i-report ang pagkawala ni Dinah.” Walang patumpik-tumpik na sinabi ng doktor.
“Dinah? Sinong Dinah?” napakunot noong tanong ni Marquez.
“Dinah Apao. Her full name is Dinah Gasang Apao. She's the daughter of Francis Gasang.” Sagot ni Logan.
“Francis? ‘yong tarantado—”
“Oo! Anak niya, tulungan mo ako.”
“Teyka, eh ‘diba mortal mong kaaway ang gagong ‘yon so bakit mo hinahanap ang anak niya at kung makapag-report ka diyan parang ikaw pa ang tatay—”
“Just do your job, Marquez, for f**k's sake!" sinuntok pa ni Logan ang lamesa kaya napatingin sa kanila ang ibang kapulisan.
Pinaupo siya ni Marquez at sinimulan niyang isalaysay ang nangyari saka tinipa ni Marquez ang impormasyon sa computer.
“Sakto, may report kaninang umaga. May raid kaming ginawa sa isang drug den sa Tondo. Karamihan sa mga nahuli, mga menor de edad ay mga ginagamit na runner at tulak.”
Nanlamig ang katawan ni Logan. “f**k! isa ba siya sa mga nahuli?”
Umiling si Marquez. “Hindi namin siya naabutan. Pero may nakatakas na ilang bata bago pa kami makarating. May posibilidad na isa siya.”
Napahawak si Logan sa sentido. Hindi niya gusto ang direksyong tinatahak ng sitwasyong ito.
“May nakakilala ba sa kanya?” tanong niya matapos ang ilang sandaling pananahimik.
Napatingin si Marquez sa isang dalagitang nakaupo sa gilid ng opisina. Payat ito, may maduming damit, at may mahabang peklat sa pisngi habang may posas. Inaasikaso pa ng pulis ang pagkakilanlan sa dalagita kung wala itong kamag-anak ipapasok nila sa DSWD.
“Siya. Siya ang nagsabing kilala niya ang isang Dinah na nakatakas bago pa namin sila mahuli. May mga grupo ito na talagang sakit ng namin sa ulo dito dahil bihasa ang mga ‘yon hindi mahuli-huli.”
Lumapit si Logan sa dalagita.
“Anong pangalan mo?”
“Lenlen po,” sagot nito, halatang kinakabahan.
“Kilalang-kilala mo ba si Dinah?” tumango ito.
“Kasamahan nila Jomar.”
“Jomar?”
“Yung jowa niya. No’ng huling nakita ko sila, magkasama sila sa eskinita. Kasama ‘yung ibang bata.”
Halos hindi makapagsalita si Logan. Jowa? Paanong nagkaroon ng jowa si Dina sa ganitong klaseng buhay?
“Pwede mo ba akong dalhin sa kanila?”
Umiling ang dalagita kaya naman naglabas ng pera si Logan. Limang libo ang laman ng wallet niya.
“Ibibigay ko ‘to sa ‘yo at tutulungan pa kitang makauwi sa inyo. Dalhin mo lang ako sa tinitirhan ni Dinah.”
Napalunok ang dalagita sa perang hawak niya.
“Sige po, pero… ingat tayo. Delikado ro’n.”
Tumango si Logan at agad sinabi kay Marquez. Sinamahan rin siya ni Marquez patungo sa makipot na daan.
Tinatahak nila ang daan sa makikitid na eskinita papunta sa lugar na tinutukoy nito. Sa unang hakbang pa lang niya sa lugar, agad niyang naamoy ang halo-halong amoy ng panis na pagkain, ihi, at usok ng sigarilyo.
Ang eskinita ay makipot sapat lang ang lapad para sa dalawang taong magkatabi. Sa magkabilang gilid nito ay barung-barong na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy, lumang yero, at karton. May mga lumang damit na nakasampay sa mga alambre, nangingitim sa alikabok.
Sa isang gilid, may mga batang marurumi, walang tsinelas, at may tagpi-tagping damit na naglalaro sa tabi ng estero. Ang tubig nito ay kulay itim, mabaho, at punung-puno ng lumulutang na basurang plastic, sirang laruan, at patay na daga.
Sa kabila naman, may mga lalaking nakaupo sa harap ng isang maliit na tindahan, nag-iinuman at nagyoyosi kahit maliwanag pa ang araw. Tumitig ang mga ito kay Logan, tila nagtataka kung ano ang ginagawa ng isang tulad niya sa lugar na iyon.
Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kanyang cellphone.
“Tangina! sino ‘yang mukhang mayaman na ‘yan?” dinig niyang sinabi ng isa sa mga nag-iinuman.
“Lenlen, sigurado ka ba sa pupuntahan natin?” bulong ni Logan.
“Opo, Sir. Malapit na tayo.”
Ilang hakbang pa, at tumapat sila sa isang maliit na barung-barong sa sulok, mas sira kaysa sa iba. Sa bintanang walang salamin, may munting siwang kung saan aninag ang loob.
“Baka may extra ka pa na pera diyan bibili ako ng downy para naman bumango ‘tong mga damit ninyo!” Ang boses agad ni Dinah ang narinig niya mula sa loob.
Malalaki ang hakbang niya, pinigilan pa siya ni Marquez pero hindi siya natinag gusto niyang makita agad ang dalagita kaya sumilip siya.
Napansin niyang may limang lalaking nakaupo sa isang luma at sirang papag, nagkakalat ng baraha sa isang mababang mesa habang hawak-hawak ang kanilang mga baso ng alak.
“Hoy, tira na ‘yan! Huwag kang swapang sa pustahan, gago!” sigaw ng isang lalaking may tattoo sa braso.
“Tangina neto, kung ayaw mo matalo, ‘wag ka magsugal,” sagot naman ng isa habang umiinom mula sa boteng hawak niya.
Mabigat ang hangin sa loob ng barung-barong. Bukod sa amoy ng alak, sigarilyo, at pawis, ramdam ni Logan ang tensyon sa loob ng maliit na espasyo. Nakatambak ang mga pinagkainan sa gilid, at sa sahig ay may mga lukot na sachet ng kung anong droga.
At doon, sa isang sulok, nakita niya ang dalagita.
Nakayuko ito habang nagbabanlaw ng mga damit ng mga lalaking iyon tas isasampay sa isang lumang hanger na nakasabit sa pako sa dingding. Ang ilan sa mga damit ay amoy sigarilyo, ang iba naman ay halatang hindi pa nalalabhan nang maayos.
Napansin niyang nanginginig ang kamay ng dalagita habang pinipilit nitong ayusin ang pagkakasampay.
“Bilisan mo diyan, Dinah at magsaing kana!” sigaw ng isa sa mga lalaki, hindi man lang lumilingon.
“Tangina, ang bagal mo, e!
Nagtagis ang bagang ni Logan. Hindi niya akalaing babagsak sa ganitong klaseng lugar si Dinah.
Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang humakbang at malakas na itinulak ang pintuang gawa sa lumang plywood.
Nagulat ang lahat. Tumayo ang ilang kalalakihan, ang iba naman ay napaatras.
“Ano ‘to?! Sino ka?!” sigaw ng lalaking may peklat sa pisngi.
Hinawi ni Logan ang tingin niya at agad na tumama ang mga mata niya kay Dinah.
“Dina,” mahina niyang tawag.
Napaatras ang dalagita, tila hindi makapaniwala na nandito siya ngayon.
“A—Anong ginagawa mo dito?” nanginginig ang boses ni Dinah, at kitang-kita sa mata nito ang gulat pero mas matimbang ang inis.
“Ano bang pakialam mo rito, ha?!” sigaw ng isa sa mga lalaki, lumapit kay Logan na tila handang lumaban.
Pero hindi natinag si Logan. Isang tingin pa lang, ramdam na ng lahat ang awtoridad sa presensya niya. Hindi siya isang ordinaryong estranghero isang doktor siya, isang Montenegro. Hindi siya papatol sa gulo, pero hindi rin siya uurong.
“Dinah, halika rito, uuwi na tayo!” seryosong sabi ni Logan, iniabot ang kamay niya.
Ngunit imbes na lumapit ay mas lalong umatras ang dalagita. Kitang-kita ni Logan ang sakit sa mga mata ng inosente nitong mukha.
Paano ay bumalik sa dalagita ang gabing pinapalayas siya nito, ang masasakit nitong salita ay tila nagsusumiksik sa utak niya.
“B—Bakit ka pa nag-akasaya ng oras na hanapin ako? ‘diba ayaw mo nga sa akin dahil anak ako ng tatay ko, umalis kana! hindi ko kayo kailangan, hindi kita kailangan!”
Panunumbat sa kanya ng dalagita.
“What the heck, bro?” si Marquez na hindi makapaniwala sa ginawa niya.
“Pinalayas mo pala, eh. Tapos ngayon hahanap-hanapin mo.” Asik pa ni Marquez.
“Shut up!” turan niya sa kaibigan.
Lalapit sana si Logan pero pinigilan na talaga siya ni Marquez. Inutusan nito ang mga kapulisan na pasokin ang barong-barong.
“Sira ka ba? basta ka lang lulusob diyan paano kung may mga armas ang mga ‘yan ‘di nauna ka pang namatay!” turan ni Marquez. Hindi na naisip ‘yon ni Logan dahil gusto niya lang makuha si Dinah.
Sa tulong mga pulis, nahuli ang mga binatilyo kasama na ang ilang drugs. Pinusasan sila at sapilitan pinalabas.
“Dinah, Dinah, ‘wag kang sasama diyan palalayasin ka na naman niyan!” turan ni Paul sa kanya. Mabuti pala at umalis si Jomar kanina kaya hindi kasama sa paghuli ng mga pulis.
“Dinah umuwi—”
“Ayoko nga, bitawan mo ako!” nagpupumiglas si Dinah.
“Sasama ka sa kanya o isasama ka namin sa presohan? Mas mahirap ang buhay mo do’n!” pananakot ni Marquez kay Dinah kaya natahimik ito at tumingin kay Logan.
Ngunit nanindigan si Dinah mas gusto nitong sumama sa grupo kaysa ang sumama sa kanya kaya sa inis ni Logan ay sapilitan niyang pinaposasan si Dina at mas lalo itong nagalit sa kanya. Saka niya binuhat ang dalagita na walang ligtas dahil nakagapos ang mga kamay.
Dinala niya ito sa sasakyan pinasok sa kotse at nang hindi pa rin matigil sa kakasigaw si Dina kinuha niya ang injection at inayos saka ituturok sa dalagita pero hindi niya basta magawa dahil sa malikot ito. Hinawakan siya ni Logan nang mahigpit habang iniipit niya ang hita para hindi ito makagalaw. Hanggang sa naturok niya at sa hinay-hinay lumamlam ang mga mata ng dalagita dahil sa gamit na pampatulog.
“f**k!” napasandal sa upuan si Logan nang huminahon na ang dalagita. Saka niya tinawag si Marquez at nagpatulong na tanggalin na ang posas ni Dinah.
Nagpasalamat siya sa kaibigan at agad niyang pinaharorot ang sasakyan pabalik sa condo.