Kabanata 5

2569 Words
Sa ilalim ng tulay, nagkukumpulan ang mga taong itinakwil ng mundo—mga batang wala pang bente anyos, mga matandang pagod na sa buhay, at mga magulang na may kasamang paslit na kumakalam ang sikmura. Isa si Dinah sa kanila. Malamig. Mula sa basang semento hanggang sa suot niyang manipis na hoodie na hindi na kayang pigilan ang ginaw. Isang linggo na siyang palaboy. Simula nang umalis na lamang sa puder ni Dr. Logan nnagpasya siyang huwag nang bumalik. Wala siyang balak manikluhod o magmakaawa. Hindi niya kailangan ang awa nito. “Dinah, ‘no?” Napatingin siya sa tatlong binatilyong nasa harapan niya. Kanina pa niya sila nakikitang nagmamasid sa kanya, at ngayong lumapit na sila, kitang-kita niya ang tusong ngiti sa kanilang mga labi. “Bakit ka napadpad dito?” tanong ng isa ang pinakamatangkad sa kanila. Sa suot nitong lumang itim na jacket, halata ang matitigas nitong braso, kahit payat ang pangangatawan. “Anong pakialam niyo?” sagot niya, pilit pinapanatili ang matigas na mukha. “Taray,” natatawang sabi ng isa pa, nakapamulsa. “Pero seryoso, gusto mo bang mabuhay sa lansangan?” Hindi siya sumagot. “Alam mo bang walang tatagal dito nang hindi marunong dumiskarte?” patuloy ng pangatlo, ang pinakabata sa kanila. “Kahit gusto mong maging mabait, hindi ka kakampihan ng gutom.” Napakuyom siya ng palad. Alam niyang totoo iyon. Sa ilang araw niyang nasa kalye, wala ni isang tumulong sa kanya. Sinubukan niyang mangalakal ng bote at lata, pero kulang ang kinita niya kahit pambili lang ng tinapay. “Kaya kung gusto mong mabuhay, sumama ka sa amin,” sabi ng matangkad. “May target na kami ngayong gabi.” “Anong ibig mong sabihin?” kinakabahan niyang tanong. “Simple lang,” anang nakapamulsa. “ Mag-iikot tayo sa may Divisoria. Maraming lasing, maraming abala sa pagbili ng kung ano-ano. Pipili tayo ng madaling target.” “Snatch, hold-up, depende sa sitwasyon,” dagdag ng matangkad. “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman namin pinapapatay ang first-timer.” Natawa ang mga ito. Malamig ang pawis na bumalong sa batok niya. Hindi siya kriminal. Hindi siya magnanakaw. Pero paano kung ito lang ang paraan para hindi siya magutom? Nakita siguro nila ang pag-aalinlangan niya, kaya muling nagsalita ang binatilyo ngunit tumanggi siya. “Ayaw ko maging masama. Maghahanap ako ng work! Matinong trabaho!” turan niya sabay tayo. “Matino daw?” Mas lalong nagtawanan ang mga ito. Hindi niya pinansin at naglakad na lamang nagbabakasali na may pag-asa pa ang katulad niyang inabandona. Pagdating niya sa unang kanto, nakita niya ang isang bakery na kakabukas pa lang. May isang matandang babae sa harap, nagwawalis ng sahig. Nilapitan niya ito. “Manang, naghahanap po ba kayo ng trabahador?” tanong niya, pilit pinapakalma ang boses. Sinipat siya ng matanda mula ulo hanggang paa, kita sa mukha nito ang pag-aalinlangan. “Ilang taon ka na?” “Labing-pito po.” “Kaya mo bang magbuhat ng sako-sakong harina? Trabaho ‘yon ng mga kalalakihan.” Napakurap si Dina. Hindi niya inasahan na ganoon kahirap ang kailangang gawin. Akala niya, maglilinis lang siya ng mesa o magtitinda ng tinapay. “Kung gusto mo, subukan mong buhatin ‘yan,” sabay turo ng matanda sa isang sako ng harina sa gilid ng tindahan. Hindi ito basta-bastang sako—halos singlaki ito ng katawan niya, at siguradong mabigat. Pero hindi siya puwedeng sumuko agad. Lumapit siya sa sako, yumuko, at sinubukang buhatin ito. Sa una, akala niya kaya niya. Pero nang subukan niyang iangat, halos hindi niya naigagalaw ang sako. Napangiwi siya sa bigat, at makalipas ang ilang segundo, napilitan siyang ibaba ito. Nagtawanan ang ilang trabahador na nakakita sa kanya. “Mas malaki pa ‘yang sako sa’yo, ne,” natatawang sabi ng isa. “Hindi ka bagay sa trabahong ‘to, hija,” sabad ng matanda, umiling-iling. “Pasensya ka na, pero hindi kita puwedeng kunin.” Napayuko siya, pilit nilulunok ang kahihiyan. Isa pang tindahan ang nilapitan niya—isang karinderya sa gilid ng kalsada. Nakita niya ang isang babaeng nagluluto habang abala sa paghahanda ng pagkain. “Manang, naghahanap po ba kayo ng katulong dito?” muling tanong niya. Muling sinipat siya ng babae. Pero sa pagkakataong ito, hindi man lang siya sinagot. Pinandilatan lang siya at tinaboy palayo. “Wala kaming kailangan dito. Baka mamaya, magnakaw ka lang.” Parang sinampal siya ng malakas na hangin. “Hindi po ako magnanakaw,” mahina niyang sagot, pero wala nang nakikinig sa kanya. Sinubukan pa niyang magtanong sa iba’t ibang tindahan—isang maliit na grocery, isang tindahan ng ukay-ukay, isang laundry shop. Pero lahat ng sagot ay pare-pareho: wala silang tiwala sa kanya. Dahil lang ba mukha siyang marungis? Dahil lang ba mukhang palaboy siya? Dahil lang ba wala siyang tirahan? Pagdating ng tanghali, naupo siya sa tabi ng isang poste, pinapanood ang mga taong may kanya-kanyang gawain. May mga empleyadong lumalabas ng opisina para magtanghalian, may mga delivery rider na abala sa pag-aabot ng order, at may mga batang papasok pa lang sa hapon sa eskwela. Muli niyang naramdaman ang kirot sa sikmura—hindi lang dahil sa gutom, kundi dahil sa kawalan ng pag-asa. Gusto niyang maging mabuting tao. Gusto niyang mamuhay nang marangal. Pero paano kung sa mundong ito, ang tanging paraan para mabuhay ay magnakaw? Sa puntong iyon, bumalik siya sa ilalim ng tulay, kung saan naghihintay sina Jomar at ang iba pang batang kalye. “Nakahanap ka ba ng trabaho?” tanong ni Paulo habang nginunguya ang isang tirang pandesal. Umiling siya sabay ng pagyuko. Napahiya kasi siya. Pero sa inaakala niyang mas lalo siyang pagtatawanan ng mga ito, nagkamali siya. Narinig niya ang tsenelas ni Jomar na humakbang palapit sa kanya saka tinaas ang baba niya. “Bakit pa kasi naghahanap ka pa ng trabaho? Wala namang tatanggap sa’yo,” turan nito. Uminit ang gilid ng kanyang mata, walang may gusto sa kanya kahit nga sarili niyang ama itinakwil na siya ibang tao pa kaya? sanay na siyang walang nagkakagusto sa kanya. “Pero hindi ko gusto ang ganitong buhay,” sagot niya, mahina pero matigas. “Hindi mo gusto?” Tumawa si Jomar. “Eh anong gagawin mo? Bumalik sa taonga yaw naman sa ‘yo?” Napakagat-labi siya. Na-ikuwento niya pala sa mga ito ang dahilan kung bakit siya napadpad dito sa teritoryo nila no’ng minsan ay tinanong siya dahil bagong salta siya sa tulay. “Hindi ka nababagay sa mundo nila, Dinah. Pero dito…” Itinuro pa nito ang ang paligid, kung saan nagkalat ang mga batang marurumi, ang ilang nakahandusay sa karton, at ang iba pang nasa gilid ng kalsada, naghihintay ng matitira mula sa mga kumakain sa fast food at mga basurang inaanod ng ilog. “Dito ka nababagay, At tanggap ka namin, Dinah. Ituring mo kaming pamilya dahil simula sa araw na ‘to magkakampi tayo.” Tanggap ka namin. Paulit-ulit na sumisigaw sa isip niya ang sinabing ‘yon ni Jomar. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may isang grupo ng tao na tanggap siya, hindi dahil sa kung ano siya dati, kundi dahil pare-pareho sila ng pinagdaanan. At sa mundong ito… kailangan niyang piliin ang paraan kung paano siya mabubuhay. Tanggap ka namin. Napangiti nang mapait ang dalagita, ang sarap palas a pakiramdam na may taong tanggap ka, hindi ‘yong tinatakwil ka. Lumandas na ang mga luha niya sabay ng pagtango. ***** Kinagabihan, tuloy ang plano ng grupo nila. Lima sila lahat at siya lang ang babae sa grupo. Mga kaedaran niya rin na katulad niya wala ng mga magulang. Naglalakad sila sa masikip na eskinita malapit sa Makati, sinasalo ng ilaw ng mga street lights ng marurungis nilang damit. Si Dina ay nakasuot ng oversized na hoodie, ang buhok nakapusod, at ang mga mata nakatuon sa paligid. Ang sanay sa divisoria pero dito sila napadpad sa Makati dahil si Rolan na kaibigan nila Jomar ay may koneksyon sa isang security sa nasabing bar makakapasok sila nang walang kahirap-hirap at dito sa bar na ‘to narito ang mga ginto dahil mga customer dito ay mayayaman. Ang plano ay simple: magmamasid muna sila ng target. Sa tapat ng isang bar, may isang lalaking lasing na lasing, paika-ikang naglalakad papunta sa sasakyan niya. May hawak itong cellphone at mukhang may ibinubunot sa bulsa siguradong pitaka. Si Jomar, ang pinakamatangkad sa kanila, ang lumapit muna. Pormal itong humarang sa lalaki, kunwari’y nagtatanong ng direksyon. Samantala, ang isa pang kasama nilang si Paulo, pumwesto sa likuran ng lalaki, habang si Dina naman ay nasa di kalayuan, nanonood at nag-aabang. “Wala akong pera!” sigaw ng lasing, halatang nabadtrip sa pagharang ni Jomar. “Hindi namin kailangan ng pera mo, boss,” sagot ni Paulo, pasimpleng dumidikit na sa gilid nito. “Direksyon lang.” Sa isang iglap, mabilis na hinablot ni Paulo ang cellphone ng lalaki mula sa kamay nito saka hinagis at mabilis niya itong nasalo mula sa ere. “PUTANGINA MO!” sigaw ng lasing, na nagising bigla sa kalasingan. Pero bago pa ito makasigaw ulit, si Jomar naman ang mabilis na sumapak sa tiyan ng lalaki, dahilan para mapaluhod ito sa kalsada. “Takbo, Dinah!” sigaw ni Jomar. Nagulat siya, pero hindi na nagdalawang-isip. Kasabay nila, tumakbo siya palayo, kasabay ng mabilis na t***k ng puso niya. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang matinding takot, ang pagkakabanggit ng pangalan niya sa isang bagay na hindi niya kailanman inisip na gagawin niya. Nagpatuloy sila sa pagtakbo hanggang sa makarating sila sa isang lumang bahay sa gilid ng ilog. Dito, sa isang abandonadong gusali, nakatambay ang ibang kasama nila. “Bilis mo, ah,” natatawang sabi ni Paulo habang pinupunas ang pawis sa noo. “Hindi ko naman ginawa ‘yong aktwal na pagnanakaw,” sagot ni Dina, na hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya. “Eh ano naman? Importante, hindi ka nahuli,” natatawang sagot ni Jomar. “Mahalaga sa lansangan ang bilis. At tapang.” Segunda ni Rolan. Sa isang tabi, iniabot ni Paulo ang cellphone sa isang lalaking nasa edad bente singko na marahil, mukhang lider ng grupo. Kinuha nito ang cellphone, sinipat sandali, bago ibinulsa. “Tama lang ‘to,” sabi nito. “Mauubos natin ‘to sa bentahan. Magagamit pangkain bukas.” Napatingin si Dina sa mga kasamang batang kalye ang iba, mas bata pa sa kanya, mukhang ilang taon nang nabubuhay sa ganitong sistema. “Maaga pa, subukan natin magdelihinsya uli. Pero target natin ngayon pera na!” turan ni Rolan. Napalunok si Dinah sabay tingin kay Jomar. Nakatingin rin pala ito sa kanya. “Ano, kaya?” tanong ni Jomar. “Kaya!” kumpyansa niyang sagot kahit kabado bente. ***** Sa isang madilim na eskinita malapit sa isang mamahaling bar sa Makati pa rin, nakatago sa dilim ang limang anino mga kabataang sanay sa buhay ng lansangan. Dina, kasama sina Jomar, Paulo, at dalawa pang miyembro ng grupo, ay nakaupo sa gilid ng kalsada, kunwaring nag-aabang lang ng masasakyan. Ang totoo, may inaabangan silang biktima. “Tangina, wala pa rin tayong makuhang matinong target,” iritadong bulong ni Jomar “Kailangan natin ng malaking pera. Hindi na uubra ’yung kakarampot na kinukuha natin sa palengke,” dagdag ni Paulo, na abala sa pag-iinit ng kamay. Hindi nagsalita si Dina. Sa loob ng mahigit isang linggo nilang magkasama, natutunan niyang hindi sumagot kapag hindi tinatanong. Lalo na kung hindi niya gusto ang pinag-uusapan. Pero gutom na siya. At alam niyang ito na lang ang natitirang paraan para mabuhay siya sa lansangan. “’Yan! ’Yan ang target natin,” biglang bulong ni Jomar, bahagyang itinuro ng nguso ang isang lalaking palabas mula sa bar. Matangkad. Malinis ang tindig. Naka-black leather jacket at dark jeans, mukhang kakalabas lang mula sa inuman mukhang lasing. May hawak na susi ng sasakyan sa isang kamay habang abala sa pagtingin ng cellphone sa kabila. Mukhang mayaman. Mukhang madaling biktimahin. “Mabilis lang ’to,” utos ni Jomar. “Paulo, ikaw sa relo. Ako sa wallet. Dina, tagabantay ka. Bantayan mo kung may parak.” Wala siyang nagawa kundi tumango. Mabilis na gumalaw si Jomar at Paulo. Sa isang iglap, sumulpot sila sa harapan ng lalaki. “Huwag kang gagalaw,” matigas na utos ni Paulo, sabay labas ng patalim mula sa bulsa. Itinutok niya iyon sa tagiliran ng lalaki. Napatigil ito, kita sa mukha ang gulat. “Wala akong dala,” mahinahong sagot ng lalaki. “Kung gusto niyo ng pera, kunin niyo—” Hindi na ito natapos magsalita nang biglang hablutin ni Jomar ang mamahaling relo mula sa pulso nito. Sabay, mabilis niyang kinalkal ang bulsa nito at hinugot ang wallet. Si Dina, na nakatayo sa gilid bilang tagamasid, nakaramdam ng matinding kaba. Ilang segundo pa lang ang lumilipas pero pakiramdam niya, napakabagal ng oras. Kailangan nilang makaalis agad. “Tangina, may ATM to! Baka may malaking laman!” bulalas ni Jomar, tuwang-tuwa habang binubuksan ang wallet. Doon na nagsimulang kumilos ang lalaki. Sa isang mabilis na galaw, dinakma nito ang braso ni Jomar at pinilipit nabitawan nito ang patalim. Na-corner nito si Jomar at nahulog ang wallet. Mabilis na pinulot ni Paulo ngunit nasipa ito ng lalaki kaya napadaing sa tiyan si Paulo. “Gago!” bulalas ni Jomar dahil naisahan sila. Biglang iniwan ni Paulo si Jomar hindi na nagawang manlaban sa lalaki. “Tara na, malilintikan tayo!” sigaw ni Paulo habang paika-ika. Si Rolan naman ay nakuha pa rin ang relo at mabilis na tumakbo. “Sandali, sandali, si Jomar?” nataranta si Dinah dahil iniwan ng mga kasama si Jomar. “Hayaan mo na siya, tumakbo kana!” sigaw ni Paulo. Pero hindi niya magawang umalis na alam niyang may maiiwan. Tumakbo siya palapit kila Jomar. “Tumakas kana, Dinah! Takbo!!!” sigaw ni Jomar kahit corner ito ng lalaki. Subalit parehas na nagulat ang dalawa nang makilala ang isa’t isa. Sa liwanag ng ilaw mula sa bar, doon niya nakita nang malinaw ang mukha ng lalaki. Si Dr. Logan! Nanlamig siya. Parang may nagyelo sa loob niya. Parang biglang bumagal ang takbo ng oras. “Dinah?” anas ni Logan, kita sa mukha ang gulat at hindi makapaniwala. Nagkatinginan sila. Siya naman ngayon ang hindi makakilos. “Dina, ikaw ba ’yan?” muling tanong ng doktor, at tila nawalan ng lakas kaya nakawala si Jomar at ‘yon ang pagkakataon ni Jomar nasuntok niya ang doktor kaya muntikan itong matumba pero nakaya pa rin nitong i-balanse ang sarili kahit pa bakas ang kalasingan sa mukha. Para siyang nabingi. Para siyang hindi makahinga. Dapat tumakbo siya. Dapat tumakas siya. Pero hindi niya magawang gumalaw. “Sino ’yang gagong ’yan? Kilala mo?” galit na tanong ni Jomar nang mapansin ang pag-aalinlangan niya. Hindi siya sumagot. Hindi niya alam ang isasagot. Biglang dinampot ni Jomar ang wallet ni Dr. Logan sabay na hawak sa kamay niya. “Dinah! Dinah, hintay—” Mabilis siyang hinila ni Jomar. Naririnig pa niya ang malakas na t***k ng puso niya, bumuhos ang ulan, at ang sigaw ni Logan na pilit siyang tinatawag. Gusto niyang bumitaw sa kamay ni Jomar, gusto niyang balikan si Dr. Logan subalit naalala niya na ayaw nga pala sa kanya ng uncle niya. Ilang beses siyang pinalayas, trinato na kalaban at pinagsalitaan ng masasakit tagos hanggang buto kaya hindi na siya babalik. Dito na lang siya sa grupo ni Jomar kung saan tanggap ang buong pagkatao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD