Pagdating ni Logan sa ospital, dumiretso siya sa pediatric ward kung saan naka-assign siya ngayon. Agad niyang sinuot ang white coat niya at kinuha ang clipboard ng mga pasyente niyang kailangang i-round.
Sa unang silid silid isang limang taong gulang na batang babae ang binisita niya. May lagnat ito at matamlay, kaya dahan-dahan niyang hinawakan ang noo nito.
“G—Gusto ko na pong umuwi?” mahinang boses ng batang babae.
“Kapag wala ka nang lagnat at malakas ka na ulit. Pero dapat ubusin mo muna ‘yong gamot mo, ha?”
Tumango ang bata, pero halatang wala itong gana. Sa tabi, nagsalita ang ina nito, halatang nag-aalala.
“Doc, hindi po siya masyadong kumakain. Kahit anong pilit namin kaunting subo lang.”
Saglit na nag-isip si Logan bago lumingon sa batang babae.
“Anong paborito mong pagkain?”
“Spaghetti,” mahina nitong sagot.
“Hmm… paano kung pagbalik ko mamayang hapon, may dalang spaghetti? Kakain ka ba?”
Medyo lumiwanag ang mukha ng bata. “Opo?”
“Sige, deal tayo diyan.” Napangiti si Logan.
Sunod niyang pinuntahan ang isang batang lalaki na na-confine dahil sa matinding ubo at hirap sa paghinga. Kinausap niya ang mga magulang nito tungkol sa kalagayan ng anak nila, at tiniyak niyang sinusunod ng nurses ang tamang dosage ng gamot.
Habang nagpapatuloy siya sa rounds, pansin niyang maraming bata ang may parehong problema matamlay, walang ganang kumain, o kaya’y malungkot. Hindi maiiwasan sa pediatric ward ang mabigat na atmosphere, lalo na kapag may mga batang matagal nang naka-confine.
Matapos ang rounds, bumalik siya sa station para i-update ang charts ng mga bata. Hindi rin nagtagal, tinawag siya sa emergency room may dinalang bata na may matinding allergic reaction. Agad siyang sumama sa team na nag-aasikaso tinitiyak na maibigay agad ang epinephrine at ma-stabilize ang pasyente.
Katulad sa nakasanayan, tanghali lang siya nakapagpahinga. Ganito talaga sa pampublikong ospital napakaraming pasyente at mas marami ngayon ang mga bata.
Maraming bata ang kinailangang alagaan, maraming charts ang kailangang tingnan. Napuno ang isip niya ng trabaho. Lunctime lang siiya nakapagpahinga.
May handaan sa lounge area ng mga doktor. Birthday ng isa sa mga senior doctors, kaya may masarap na pagkain. pancit, barbecue, fried chicken, at marami pang iba at ang pinakatampok sa lahat, ang lechon na kalalagagay lang sa lamesa at amoy na amoy pa ang malutong na balat.
Napaupo si Logan sa mesa kasama ang ibang doktor at interns. Kumuha siya ng pagkain, pero nang pagmasdan niya ang lechon sa harapan niya, bigla siyang natigilan.
Si Dinah.
Tila nga pyesta sa dami ng pagkain sa lamesa at talagang masasarap pero parang hindi siya makalunok-lunok. Ayaw man niyang isipin pero kusang nagsusumiksik sa utak niya ang dalagita. Kung nasaan kaya siya ngayon? nagpalaboy-laboy na naman siguro sa bangketa kasama ang mga homeless. Kumain na kaya ito?
Naisip niya kaninang umaga pagising siya, wala nga si Dinah. Sinunod nito ang sinabi niya na paggising niya sa umaga dapat wala na ito sa condo niya. Tas sa gabi maghihintay siya sa labas ng pinto kung kailan siya uuwi.
Wala rin bakas na kinainan ng dalagita dahil ang pagkain sa ref ay ganoon pa rin. Kahit nga ang ubas na ubas walang bawas kahit siguro isang piraso.
“Doc okay lang po kayo?” untag sa kanya ni Jason, isa sa mga intern.
“Y—Yeah.” Sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain. Nakikinig lamang siya sa mga usapan ng mga ito.
Pagkatapos niyang kumain ay binati niya muli si Dr. Mario at bumalik na siya sa station niya.
Muli, umikot na naman ang buhay niya sa pasikot-sikot sa ospital. Pero napapansin siya ng nurse na maya’t maya tumitingin sa oras.
Nang sumapit nga ang alas singko y media ay nag-out na siya. Papasok na rin ang kapalitan niya.
Dumiretso siya sa mall at nag-grocery marami siyang binili kabilang na ang personal needs ng dalagita. Pagkatapos nag-order na rin siya ng Jollibee dahil tiyak paborito ito ng mga bata.
Alas otso na siya nakarating sa building gawa ng matrapik talaga sa Manila. Pagkarating sa building kumuha siya ng cart sa lobby na eksaktong hawak ng guard at tinulungan siya mailagay doon ang mga pinamili niya hanggang nakapasok siya sa elevator.
Napabuntong hininga si Logan habang nakatayo sa loob ng elevator at medyo… hirap man aminin pero medyo na excite siya makita ang dalagita. Tiyak na magugustuhan nito ang mga pinamili niya lalo na ang Jollibee.
Subalit taliwas sa inaasahan ng doctor, walang Dinah ang naghihintay sa kanya sa unit niya. Nagpalinga-linga pa siya sa pasilyo pero wala talaga ang dalagita.
Pumasok na lang siya sa loob dala ang mga pinamili. Pagkatapos niyang ma-arrange ay sinipat niya ang relo sa bisig.
Napakunot ang noo niya, gabi na bakit wala pa ito?
Lumaba siya ng unit at dumiretso sa elevator hanggang sa parking lot at muling pinaharorot ang sasakyan.
Pinuntahan niya ang dalagita doon sa bangketa kung saan niya ito nakita kagabi. Pero wala roon ang dalagita. Nagtanong-tanong pa siya sa mga bata pero hindi nila kilala ang hinahanap niya.
Muli ay nagpalibot-libot siya sa lugar na ‘yon dahil doon. Itinabi niya ang sasakyan at lumabas tas nagpalinga-linga pero hindi niya talaga.
Napatingin siya muli sa relo niya,
“Tangina!”
Napasipa si Dr. Logan sa maliit na bato dahil alas nueybe na ng gabi. Pero hindi niya pa talaga makita ni anino ng dalagita.
Pumasok siya uli sa sasakyan at pinaharorot pabalik sa condo baka naroon na ito.
Hindi niya na na-ipark nang maayos ang sasakyan basta pumasok na siya agad sa elevator at nang bumukas tas pagtingin niya sa pinto, wala… wala nang Dina ang nangungulit sa kanya, ang nagmamakaawa.
“f**k!” napasabunot siya sa buhok at sa unang pagkakataon, bigla siyang nakaramdam ng awa at pag-aalala. Paano kung pinagtripan ito ng mga addict? Paano kung…
“Bullshit!” malakas na siyang napamura. Napatingin sa kanya ang sa kabilang unit na eksaktong lumabas. Palakad-lakad kasi siya sa hallway at tila natutuliro kakaisip kung saan napadpad ang dalagita.
Muli, lumabas na naman siya at sakay ng sasakyan. Sinuyod niya ang kalsada, tas lumabas muli doon sa dating lugar na nakita niya ito.
“Dinah? Dinah, baby girl, f**k!”
Nasampal niya ang sarili, muli si Francis na naman ang sinisi niya. Hindi pa nga siya nakakamove on kay Sofia heto at binigyan na naman siya ng panibagong problema. At mas malala pa ito ngayon, kahit anong gawin niya pagpakalma sa sarili iniisip niya talaga si Dinah. Sumasakit ang puso niya, sh!t kumuyom ang kamao niya at nasuntok ang sasakyan.
“f**k you, bastard! f**k you!" paulit-ulit niyang minumura si Francis.
Wala siyang dapat pakialam kay Dinah pero itong nararamdaman niya ay hindi lang basta kargo de konsensya, kundi…
May nararamdaman siyang sakit sa puso niyang hindi niya matumbok kung ano at para saan.