CHAPTER 1: Avery's Sufferings

1568 Words
AVERY: "AVERY!" Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama dahil sa malakas na sigaw ni Mommy mula sa labas ng aking silid. Kinakalampag niya ang pintuan. Napakamot ako sa ulo ko habang naglalakad ako palapit sa pinto. Pagkabukas ko ay isang malakas na sampal agad ang natanggap ko mula kay Mom. "Mom?" gulat na tanong ko sa kanya. Napahawak pa ako sa mukha ko na sinampal niya. Sobrang hapdi nito dahil sa lakas ng pagsampal niya. "You useless thing!" galit na sigaw niya sa'kin. "I can't believe that I actually gave birth to a useless daughter!" Napapikit ako nang mariin. As usual galit na naman ito sa'kin. Simula nang palayasin kami ni Daddy sa mansyon ay lagi na itong galit sa akin. Hindi kagaya dati na sobrang maalaga at mapagmahal niya. Marahil ay narealise niya na wala na akong silbi sa kanya dahil hindi ako isang tunay na Villashne. "Mom ano na naman ba ang problema mo?" Pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. "Problema ko? Ikaw at 'yang katangahan mo! I have done my best para ipakasal ka kay Landon, tapos malalaman ko lang na nireject mo ang proposal niya? Are you that stupid?" Dinuro-duro pa ako ni Mommy habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa'kin. "Mom! Let's stop using other people para lang magkapera tayo. Tama na!" I've had enough of all her schemes. Nong una ay pinaniwala niya si Dad na siya ang Daddy ko para lang pakasalan siya nito at para makuha niya ang kayamanan ng mga Villashne. But she failed dahil nalaman ni Daddy ang totoo kaya ngayon ay pinipilit niya naman akong magpakasal kay Landon Walker dahil alam niyang mayaman ang pamilya nito. "You idiot! Anong gusto mong gawin ko? Magtiis sa kahirapan? Can't you see what's happening right now? Without your Dad's support nabankrupt ang kompanya ko!" sigaw niya sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para lang magising sa katotohanan si Mommy. "Mom I'm tired! All these years sinunod kita! Nagalit ako kay Claire dahil sabi mo muntik ng sirain ng Mommy niya ang pamilya natin. At ako lang ang dapat na magmana ng lahat ng kayamanan ni Daddy because I am his legal daughter! But it turned out that everything you wanted me to believe was fake! Si Claire lang ang anak ni Dad habang ako, ay isa lang palang sampid at malaking kasinungalingan!" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang nakaharap ako kay Mommy. "Tired? You're tired? Wake up Avery! Tama ka, hindi ka tunay na anak ng Daddy mo! Pero hindi ako papayag na palitan niya ang apelyedo mo! You are a Villashne and you must keep that in mind!" Marahas na hinila ni Mommy ang buhok ko. "Mom! Nasasaktan ako! Bitawan mo 'ko!" I pleaded. Hindi naman ganito si Mommy dati, ni hindi nga niya ako makurot manlang. But now she's hurting me. "Masasaktan ka talaga kapag pinairal mo 'yang katigasan ng ulo mo! Listen Avery Margaux Villashne, gagawin mo kung anong gusto ko dahil ako ang Mommy mo! Papakasalan mo si Landon sa ayaw at sa gusto mo! Huwag ka nang mag-inarte! Tingnan mo si Claire! Nakapangasawa ng bilyonaryo kaya dapat lang na bilyonaryo din ang mapapangasawa mo!" Itinulak ako ni Mommy kaya sumobsob ako sa sahig. I'm hurt, not physically but emotionally. Oo mahapdi ang kamay at tuhod ko na nagasgas dahil sa pagtulak sa'kin ni Mom, pero mas masakit parin na marinig sa mismong Mommy ko ang mga katagang iyon. She's comparing me to Claire, pero mahal ni Claire si Liam at mahal din siya nito. She's living a happy life because she married the man she loves hindi dahil sa pera nito. 'Yon ang gusto kong mangyari. I want to marry someone na mahal ako at mahal ko rin. Ayaw ko nang masaktan pa, I don't want to be blinded by my Mom's ambitions. I don't want to live in greed. Napahagulgol ako ng iyak nang maramdaman kong umalis na si mommy. Pinagdikit ko ang mga tuhod ko at walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. What am I going to do para mahalin ako ni Mommy bilang anak niya at hindi bilang instrumento para magkapera siya? ****** Namamaga ang mga mata ko nang lumabas ako sa bahay na inuupahan namin ni Mommy. Tanghali na at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na lumabas. Iyak lang kasi ako nang iyak kanina dahil sobrang nasaktan talaga ako sa ginawa ni Mom sa'kin. Cindy sent me a message saying na nasa labas na raw siya at naghihintay sa'kin. "Oh My God Avery! Bakit namamaga ang mga mata mo?" natatarantang tanong ni Cindy sa'kin nang makalapit na ako sa kanya. She's the only friend I have now. Ang ibang mga kaibigan ko kasi ay nandiri sa'kin matapos nilang malaman ang tunay kong pagkatao. They hated me lalo na nong malaman nilang isang hamak na driver lang ang tunay kong ama. Totoo nga ang sabi nila na hindi lahat ng kaibigan mo ay kayang manatili sa'yo kapag walang-wala ka na. Some will just stay with you kasi alam nilang may pera ka at mapapakinabangan ka nila, and will eventually leave you when you have nothing left but yourself. "I'm having a headache," pagdadahilan ko. I can't tell her na sinaktan na naman ako ni Mom. "Seriously?" Hinawakan nito ang kamay ko at mas lalo itong nataranta nang makita niya ang gasgas sa palad ko. "What happened to this?" Napabuntong hininga nalang ako. I'm lucky enough na nakasuot ako ng pantalon ngayon dahil baka mas lalo itong nataranta kapag nakita niya ang mas malaking sugat sa tuhod ko. "Nadapa lang ako." Tumaas ang kilay nito dahil sa sagot ko. "Tita Adeline did this to you right?" "It was an accident. Hindi sinasadya ni Mommy na maitulak ako," pagsisinungaling ko sa kanya. "Stop pretending Avery! Alam ko na hindi aksidente ang nangyari! Grabe na talaga si Tita Adeline! Sobrang sama niya!" Galit na tumingin si Cindy sa bahay namin. "Cind, you know she's still my mom. Nahihirapan lang siya sa mga nangyayari," pagpapakalma ko sa kanya. Masyado kasi itong maldita, baka bigla nalang niyang sugorin si Mom sa loob ng bahay. "Still, hindi ka parin niya dapat sinasaktan! Anak ka niya, hindi tau-tauhan lang!" "I know pero dapat ko parin siyang unawain dahil Mommy ko siya. Ang dapat ko nalang gawin ngayon ay patunayan sa kanya na kaya naming mabuhay at magkaroon ng pera sa pamamagitan ng pagsisikap." Napabuntong hininga nalang si Cindy dahil sa sinabi ko. I know she's trying to understand me, at sobrang naaawa siya sa'kin. Siguro ito na ang karma ko sa lahat ng nagawa ko kay Claire. Hindi ako naging mabuting ate sa kanya. ***** "Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin sa East Medical Center?" tanong ni Cindy habang nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa East Medical Center dahil kakausapin namin ang pinsan niya na Head ng HR Department doon. Naghahanap daw kasi ng secretary ang CEO nila kaya ako ang ipapasok niya. Malaking tulong na rin iyon sa'kin dahil walang kompanya ang gustong tumanggap sa'kin matapos malaman ng buong business community ang ginawang panloloko ni Mom kay Daddy. They all think na kagaya ako ni Mom na hindi mapagkakatiwalaan. "Let's have a drink somewhere," sagot ko. I need to unwind, kahit ngayong gabi lang ay gusto kong makalimot sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay ko. "Hayst tama ka. Kailangan mong mag unwind, and besides we need to celebrate." Nagtatakang tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Celebrate? What are we going to celebrate?" "Hay naku girl, your employment of course! 100 percent sure ako na mahahire ka. Pinsan ko kaya 'yon, and I told her na kailangan ka talaga niyang ihire and besides matalino ka naman. Kayang-kaya mo ang kahit anong trabaho na ipapagawa sa'yo," confident na sagot ni Cindy. Natawa nalang tuloy ako. Pagdating namin sa HR Office ng East Medical Center ay agad kaming sinalubong ng pinsan ni Cindy. "Siya ba ang friend mo?" tanong nito kay Cindy habang sinusuri ako gamit ang kanyang mga mata. "Yes ate Gretch! Just hire her, and I promise hindi ka mapapahiya sa Boss mo," pagsisigurado ni Cindy. "I promise na hindi ka po mapapahiya sa'kin. Gagawin ko po nang maayos ang trabaho ko," pangako ko sa kanya sabay ngiti. "Give me your resume." Agad kong inabot sa kanya ang hinihingi niya. "So, you graduated Suma Cumlaude and you have a degree in business administration. Am I right?" tanong nito sa'kin habang binabasa ang resume ko. "Opo, and I was once a Vice President for Operations sa V Logistics," paliwanag ko sa kanya. "I see, ang taas ng ranggo mo before. Okay lang ba sa'yo na magiging secretary ka nalang ng CEO namin?" tanong nito sa'kin. "Opo! Okay lang po sa'kin," agad na sagot ko. Kung kinaya dati ni Claire na magtrabaho bilang isang simpleng designer, kakayanin ko rin ngayong maging secretary. When it comes to courage ay magkapantay kami ni Claire. "That's good. But be careful, bagong laya lang sa kulungan ang Boss natin at medyo mahigpit siya sa pagpapalakad lalo pa't ilang taon din siyang nawala dito," wika nito na nagpakabog sa dibdib ko. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Jusme, bagong laya lang sa kulungan ang magiging Boss ko? What if mukhang Gangster 'yon? Parang gusto ko tuloy umatras, but I really need this job.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD