CHAPTER 2: Kissing The Stranger Who Saved Me

1563 Words
AVERY: "So what can you say about my cousin? Maaasahan ba?" tanong ni Cindy sa'min habang nasa biyahe kami papunta sa Bar. "She's a great help to me. Thank you Cind," pagpapasalamat ko sa kanya. Sa totoo lang, kung hindi niya ako tinulungan ay baka nahihirapan parin akong maghanap ng trabaho hanggang ngayon. "You're welcome, basta huwag kang matakot don sa sinabi ng pinsan ko. Kahit naman galing sa kulungan ang amo mo ay hindi ka naman non sasaktan. Trust me," wika nito sa'kin. She's right, kahit pa galing sa kulungan ang magiging Boss ko ay hindi parin ako dapat matakot. Gagawin ko lang nang maayos ang trabaho ko para hindi niya ako mapagalitan. "You're right," sagot ko nalang. "Anong plano mo? Uuwi ka parin ba sa inyo? Kumuha ka nalang ng apartment." Napaisip ako sa sinabi niya. Gusto kong bumukod kay Mom dahil hindi naman maganda ang epekto kapag magkasama kami. Lagi niya lang akong sinasaktan at pinapagalitan. I still want to help my Mom financially pero ayaw kong tumira kasama siya. Gusto kong makawala mula sa kontrol niya. "Wala pa akong pera para makabili ako ng apartment," malungkot na sagot ko sa kanya. Magsisimula palang ako sa trabaho bukas, at taon pa ang bibilangin bago ako magkaroon ng sarili kong apartment. "You don't have to buy. I can let you stay in my apartment. Besides nalulungkot din naman ako do'n kasi mag-isa lang ako," offer niya. Pero nakakahiya naman, tinulungan niya na akong maghanap ng trabaho tapos makikitira pa ako sa kanya. Baka isipin ng parents niya na inaabuso ko 'yong pagiging magkaibigan namin. "Hindi na, okay na ako sa bahay na nirerentahan namin ni Mom," I lied. Sa totoo lang ay gusto ko na talagang umalis don kaya lang wala akong choice. "Stop pretending, kilala kita. At huwag mong isipin na nakakahiya, you know I always treat you like my own sister kaya okay lang sa'kin na tumira ka na muna sa'kin habang hindi ka pa nakakaipon ng pambili mo ng sarili mong apartment." "Thank you Cind." Kung wala siya ay hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin. Baka nabaliw na ako kakaisip sa mga problema ko at sa pangongontrol ni Mommy sa'kin. "Don't say thank you. I'm trying to be a hero here," biro niya na ikinatawa ko. She really knows how to lighten the mood. Kanina lang ay parang maiiyak na ako pero bigla niya akong napatawa. **** Pagdating namin sa bar ay nauna nang pumasok si Cindy sa loob. Nakalimutan ko kasi ang cellphone ko sa kotse niya kaya kailangan ko itong balikan. Baka kasi biglang tumawag si Mommy at mapagalitan na naman ako kapag hindi ko sinagot agad. Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay napansin kong may nakasunod sa'kin. Binilisan ko ang paglalakad ko kahit parang kinakalabog ang puso ko sa kaba. Tahimik pa naman ang paligid kaya mas lalo akong kinakabahan. Hindi ako lumingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang mabilis. Baka kasi matakot lang ako lalo kapag lumingon ako at makita ko ang mukha ng taong sumusunod sa'kin. Natatanaw ko na ang sasakyan ni Cindy pero ramdam ko parin ang mga hakbang ng taong papalapit sa'kin. Jusme ba't ko pa kasi nakalimutan ang cellphone ko at doon ko lang naalala nong papasok na kami sa Bar? Tatakbo na sana ako pero biglang may humawak sa braso ko. "Whhhhhhh bitawan mo 'ko!" I screamed at the top of my lungs. "Anak ako 'to," sambit ng lalaking humawak sa kamay ko. Tumitig ako sa kanya. 'Adik ba 'to? Ba't niya ako tinatawag na anak eh hindi ko naman siya kilala?' tanong ko sa aking isipan. "Are you drunk? Or you're just stupid? Pa'no kita magiging Daddy eh hindi nga kita kilala?" inis na tanong ko sa kanya habang pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya. "I am your father! Ako ang totoo mong ama Avery! Naging magkarelasyon kami ng Mommy mo!" pagpupumilit niya. "Ako ang dating family driver ng pamilya nila!" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. So he's the useless father of mine? "I don't care kung sino ka man. Just let go of me!" Marahas na binawi ko sa kanya ang aking braso. What's the use of telling me that I'm his daughter, kung hindi niya manlang nagawang pigilan si Mommy noon na magpakasal kay Daddy Carlisle? At kung hindi manlang niya ginampanan ang pagiging ama niya sa'kin? Hindi sana nagkaganito ang lahat kung hindi siya naduwag! "You are my daughter!" Biglang tumingin ito sa'kin nang masama. "Hindi na ako tinatawagan ng Mommy mo kaya kinailangan pa kitang hanapin! Asa'n na ang perang hinihingi ko sa kanya?" Natawa ako dahil sa sinabi niya. Pera? Anong akala niya sa'min ni Mommy gatasan niya lang? Ang kapal din naman talaga ng mukha niya! "Wala ka nang mahihita sa'min ni Mommy. You know why?" Matapang na tumingin ako sa kanya. "Dahil hindi na kami parte ng pamilya Villashne! Kung hindi ka ba naman kasi walang kuwenta bakit mo hihingan ng pera ang mag-ina mo na inabanduna mo na? Nang dahil sa ginawa mo ay nalaman tuloy ni Daddy na hindi niya ako anak. Kaya kahit maglupasay ka pa diyan ay wala ka nang mahihitang pera sa Mommy ko. Dahil kahit kami walang-wala na!" "MGA WALANG SILBI!" Akmang sasapakin niya na ako dahil sa galit niya nang biglang may pumigil sa kamay niya. Tumambad sa'kin ang isang lalaking may makakapal na kilay, magagandang mga mata at kulay brown na buhok. "Sino ka? Huwag kang makialam! Anak ko ang kausap ko!" Galit na humarap ang walang kuwenta kong ama sa lalaking nagligtas sa'kin mula sa sapak niya. "Don't try to fool me! Hindi maganda ang intensyon mo sa kanya. I already called the security at kapag hindi ka pa umalis ay ipapakaladkad kita sa kanila!" pagbabanta nito. Halatang nataranta ang biological father ko. Tsk! Takot din naman palang makaladkad ng mga security guards. "Hindi pa tayo tapos Avery!" pagbabanta niya sa'kin bago siya tumakbo papalayo. "Thank you for saving me," pagpapasalamat ko sa taong nagligtas sa'kin. "I don't accept a simple thank you," sagot nito. Aba ang choosy naman ng lalaking ito. "Eh anong gusto mo?" pagtataray ko sa kanya. Aba pasalamat siya dahil iniligtas niya ako dahil kung hindi ay baka talagang nasipa ko na siya. Nagthathank you na nga ako ayaw pa niya. "Drink with me." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot nito. "Drink with you? Ngayon lang nga kita nakilala eh tapos aayain mo agad akong uminom? Baka kung ano pang gawin mo sa'kin. And besides hinihintay ako ng kaibigan ko sa loob ng bar," sagot ko sa kanya. "I saved you. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para magtiwala kang wala akong gagawing masama sa'yo?" May point naman siya. Niligtas niya nga ako kaya siguro mapagkakatiwalaan naman siya. "Okay, I'll go with you." Mukha naman siyang mabuting tao, and besides malungkot ang mga mata nito. Baka naghahanap lang 'to ng makakausap gaya ko. "Let's go to my place," wika nito. Hindi manlang ito ngumiti. Aba dapat na maging masaya siya dahil sasama ako sa kanya. "Wait lang kukunin ko lang ang cellphone ko," pagpapaalam ko sa kanya. Itetext ko nalang si Cindy na may emergency sa bahay kaya hindi ko siya masasamahang uminom. Nakakahiya naman kasi sa taong ito kung hindi ko siya sasamahan. And besides feeling ko pareho kaming may pinagdadaanan. ****** Pagdating namin sa condo niya ay namangha ako sa loob nito. Ang ganda ng disenyo at mukhang mamahalin ang mga kagamitan. "Nice place," naisambit ko habang iginagala ko ang aking tingin sa paligid. "Thank you." Naglakad ito palapit sa bar counter niya at kumuha ng alak. Iba rin talaga pag yayamanin dahil may sariling bar counter ang bahay. Namiss ko tuloy ang mansyon ni Dad. "I want strong liquor," request ko sa kanya. Gusto ko 'yong alak na isang lagok ko palang wala na agad ang mga problema ko. Hindi ito sumagot, bagkos ay nakita kong pinalitan nito ang alak na hawak niya. Naupo ako sa couch habang hinihintay ko siya. Maya-maya pa ay naupo na rin ito sa tabi ko. Nagsalin siya ng alak sa dalawang baso na dala niya. Inabot niya sa'kin ang isa na agad ko namang ininom. Ramdam ko ang paghagod ng alak sa lalamunan ko. "Easy," natatawang sambit nito. Sa wakas ay nakita ko rin itong ngumiti. Parang nagliliwanag ang mga mata niya kapag ngumingiti siya. I was completely lost, namalayan ko nalang ang aking sarili na unti-unting inilalapit ang aking mukha sa kanya. Natakot pa ako kanina na baka may gawin siyang masama sa'kin, but it turned out na mukhang ako ang may hindi magandang naiisip. Nagtataka itong tumingin sa'kin, pero ang hindi niya alam ay mas nagtataka ako sa ginagawa ko. Ngayon ko lang siya nakilala pero bakit parang gusto ko na agad siyang halikan? Grabe ang tindi naman ng alak na iyon. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, agad ko siyang hinalikan. Nong una ay hindi ito tumutugon sa mga halik ko pero 'di nagtagal ay naramdaman kong unti-unti na ring gumagalaw ang mga labi nito. Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa maramdaman ko nalang na yumakap siya sakin at dahan-dahan niya akong ihiniga sa couch. Tila nawala na ako sa katinuan dahil sa mga halik niya. Agad kong inalis ang butones ng polo niya habang hindi parin naghihiwalay ang aming mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD