CHAPTER 3: Unexpected

1655 Words
AVERY: Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto kong wala ako sa aking silid. Napatingin ako sa katawan ko sa ilalim ng kumot at halos maloka ako nang makita kong wala akong saplot. Nagflashback sa aking isip ang nangyari kagabi. How could I do that with a stranger? May bloodstain din sa kumot indicating that I have given up my virginity to that man. "Jusme wala na talaga, naisuko ko na lahat!" Ginulo ko pa ang buhok ko dahil sa sobrang frustration ko. Nang makabawi ay dahan-dahan akong bumaba sa kama. Kailangan kong makaalis dito, ngayon ang unang araw ko sa trabaho hindi ako puwedeng malate! Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko. Hindi na ako nag-abala pang maligo o kahit maghilamos manlang. Nagmamadali kong isinuot ang damit ko at kaagad na tumakbo ako palabas ng condo unit ng estrangherong nakasama ko kagabi. Mabuti nalang at hindi ko ito nakasalubong dahil wala akong mukha na maihaharap sa kanya. Sobrang nahihiya ako sa aking ginawa. Nagmukha tuloy akong mababang-uri ng babae. Agad kong pinindot ang elevator dahil baka maabutan pa ako ng taong iyon pag nagtagal pa ako dito. Habang nakasakay ako sa elevator ay panay ang tingin ko sa cellphone ko. Alas sais na ng umaga, kailangan ko pang maligo at magbihis. Hindi puwedeng pumasok ako na ganito ang itsura ko. Sabi nga nila, first impression lasts forever kaya hindi puwedeng ganito ang maging first impression sa'kin ng Boss ko. Pagkabukas ng elevator ay dali-dali akong tumakbo palabas ng building. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao at tila naguguluhan kung bakit ako nagmamadali. Suwerte namang pagkalabas ko ay kaagad na may dumaan na taxi. Mabilis akong pumara at tila nabawasan ang pagkabahala ko nang tuluyan na akong nakasakay rito. "Sa Heights Condominium po kuya," wika ko sa Driver. Mabuti nalang talaga at natatandaan ko pa kung saan matatagpuan ang apartment ni Cindy. Hindi na muna kasi ako uuwi sa bahay dahil siguradong uulanin ako ng mga tanong ni Mommy at lalo pa akong malelate. Manghihiram lang muna ako ng damit sa bff ko, siguro naman ay may damit siya na kakasya sa'kin. After all halos magkapareho lang naman kami ng size. Jusme hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakipagsex ako sa lalaking hindi ko pa gano'n kakilala. Kapag nalaman talaga ito ni Mommy ay siguradong sasabonin ako non. Mapapatakip talaga ako ng tenga dahil magiging nonstop ang panenermon niya sa'kin. Lalo pa't gusto niyang makasal ako kay Landon, malaking problema kapag nalaman ng pamilya ni Landon na hindi na ako virgin. Sobrang importante kasi sa pamilya nila ang virginity. Pero sa isang banda, okay na rin 'yon. Ayaw ko din namang makasal sa kanya kaya siguro mas okay pag nalaman nilang hindi na ako birhen. Pero siguradong sasampalin ako ni Mommy nang malakas at maga talaga ang mukha ko kapag nangyari 'yon. "Andito na po tayo Ma'am." Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng building ng Heights Condominium. Infairness parang ang bilis lang, or baka masyado lang napahaba ang pagmumuni-muni ko. Inabot ko na ang bayad ko at nagmamadali akong bumaba. Tumakbo ako papasok ng building kaya ayon agaw atensiyon na naman ako. Medyo magulo pa ang buhok ko kaya wagas kung makapagbulongan ang mga taong nakakakita sa'kin. Pagkasakay ko sa elevator ay may nakasabay pa akong masama ang ugali. Panay ang tingin nito sa'kin mula ulo hanggang paa. Tagos pa sa kaluluwa ko ang tingin niya, grabe talaga! "Excuse me? May problema ka po ba sa'kin?" Hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko na tanungin siya. Naiirita na kasi ako. Kaming dalawa lang ang tao dito sa loob ng elevator kaya hindi niya puwedeng sabihin na hindi siya sa'kin nakatingin. And besides hindi ako bulag para hindi ko makita kung saan siya nakatingin. Inirapan lang ako nito, aba akala mo naman maganda! Excuse me, maputi lang siya pero 'yong mukha niya mas maganda pa 'yong paa ko. "Miss, alam ko naman na maganda ako at hindi mo maiwasang mainggit. Kaya lang ayaw ko nang tinititigan ako lalo na kapag nakakatakot ang mukha ng tumitingin sa'kin," sarcastic na wika ko sa kanya. Umasim ang mukha nito at parang ready na akong sugorin anytime. "How dare you talk to me in that tone!" Akmang sasampalin niya na ako pero nabitin sa ere ang kamay niya dahil agad ko itong hinawakan. "Subukan mong ilapat 'yang madumi mong kamay sa mukha ko, and I'll make sure na you'll spend ten lifetimes regretting it!" I warned her. Sumilay ang takot sa mga mata nito. Tsk! Tapang-tapangan lang pala ang peg niya eh! Marahas kong binitawan ang kamay niya nang bumukas ang elevator. Inirapan ko muna siya bago ako tuluyang lumabas. Akala niya ay siya lang ang marunong magtaray, well nagkamali siya ng binangga. Pagdating ko sa labas ng apartment ni Cindy ag agad kong pinindot ang doorbell. Makalipas ang ilang minuto ay binuksan na rin nito sa wakas ang pinto. Nakasuot na ito ng uniform niya at mukhang ready nang pumasok sa ospital. Nurse kasi siya at pareho kami ng ospital na papasukan para magtrabaho. "Oh my Gosh girl! What happened to you?" agad na tanong nito. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Save the questions later. Papasukin mo na muna ako, I need to go to work. Malelate na ako." Agad akong pumasok at hindi ko na hinintay pang sumagot si Cindy. Tulalang nakatingin lang ito sa'kin pagkatapos niyang maisara ang pinto. "I thought you said you have an emergency at home. Bakit pumunta ka rito nang hindi manlang nakabihis? Umuwi ka ba talaga sa inyo?" sunod-sunod na tanong nito. "It's a long story. I encountered my biological father last night." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Are you serious? Anong ginawa niya sa'yo? Tell me Avery!" Mababakas ang pag-aalala at pagkataranta sa mukha nito. "Relax, may nagligtas sa'kin. Hindi niya ako nasaktan," I assured her. "Mabuti naman," she sighed. "What happened next?" pang-uusisa pa nito. "Cind, I'll tell you everything later. For now, pahiramin mo na muna ako ng damit mo. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho. Remember that it's my first day of work today?" paalala ko sa kanya. "Oh My Gosh oo nga! Bilis maligo ka na! Ihahanda ko na ang damit mo." Agad niya akong itinulak papasok sa banyo para makaligo na ako. ***** "It's your first day of work tapos nalate ka pa ng 30 minutes!" Napapikit nalang ako dahil sa panenermon ni ate Gretch sa'kin. It's my first day of work at sermon agad ang inabot ko. "Kanina pa dumating si Sir Lucas! Nauna pa ang Boss natin na dumating kaysa sa'yo! I can't believe that I actually hired a lazy person like you! Kung hindi lang dahil kay Cindy ay tinanggal na kita agad ngayon palang!" sermon nito sa'kin. "I'm sorry Miss Gretch, nagkaroon lang po kasi ng emergency sa bahay. I promise hindi na po ito mauulit," paliwanag ko sa kanya. Pero hindi parin nawawala ang galit na ekspresiyon sa mukha nito. "You really have to make sure na hindi na talaga ito mangyayari. Dahil kung hindi, magpaalam ka na sa trabaho mo. Hindi ako papayag na ipahiya mo ako kay Sir Lucas! Ospital ito, wether you are a medical staff or not you should practice professionalism. Bawat minuto ay mahalaga dito!" Napalunok ako at feeling ko ay pinagpapawisan na ako nang malamig habang nakikinig ako sa mga sermon niya. She's supposed to orient me with my duties and responsibilities as an executive assistant pero mukhang sermon ang naging orientation ko sa kanya. "I promise hindi na po talaga ito mauulit." Kulang nalang ay magmakaawa ako sa kanya na paniwalaan niya ako. I really need this job, ito lang ang pag-asa ko para mapatunayan kay Mommy na kaya naming mabuhay kahit hindi kami dumepende sa yaman ng iba. We can achieve great things kapag nagsumikap kami. "Good. Since we no longer have time for your orientation ay dumiretso ka nalang sa executive floor. Kanina pa naghihintay sa'yo si Sir Lucas. And make sure na hindi ka papalpak. Here's the map." Inabot niya sa'kin ang sketch kung saan ko matatagpuan ang executive floor. "Thank you po." "Don't say thank you, just don't disappoint me and do your job well. Since you hold a very important position in V Logistics before, I'm pretty sure na alam mo na kung ano ang duties and responsibilities ng isang executive assistant," she told me. "Opo Miss Gretch, alam ko na po ang gagawin ko," paninigurado ko sa kanya. Ako kaya ang VP for Operations ng V Logistics before kaya easy lang sa'kin ang pagiging executive assistant. Pagdating ko sa executive floor ay abot-abot ang kaba ko habang naglalakad ako palapit sa opisina ng CEO. Pinagtitinginan pa ako ng ibang mga staffs na sa tingin ko ay naninibago sa'kin. "Ikaw ba ang bagong assistant ni Sir?" Nagulat ako nang may biglang lumapit sa'kin at nagtanong. Sa tantiya ko ay halos kasing-edad ko lang ang babaeng ito. Matangkad siya, morena at mukha namang mabait. "Oo," simpleng sagot ko medyo nahiya pa kasi ako. "Good luck! By the way I'm Yna," pagpapakilala niya sa'kin. "Thank you Yna. Ako nga pala si Avery." Nagshakehands kaming dalawa. It's nice to meet a friendly work mate at this point na parang gusto ko nalang tumakbo palabas dahil sa labis na kabang aking nararamdaman. "Sige na pumasok ka na sa office ni Sir." Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin siya ng isang matamis na ngiti. Kumatok muna ako sa pintuan ng opisina ng CEO. "Come in," wika ng isang pamilyar na boses. Parang narinig ko na ito somewhere. Pero ipinagsawalang- bahala ko nalang ang aking naiisip at pumasok nalang ako sa loob. "You're late," sambit nito sa cold na boses. Nakayuko ito at tila may binabasa na magazine. "I'm sorry..." Natulala ako nang dahan-dahan itong mag-angat ng tingin. Oh my Gosh! Siya ang lalaking naka one-night stand ko kagabi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD