AVERY:
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa sa mga oras na ito. Of all people bakit siya pa ang naging Boss ko?
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang tatalon na ang puso ko palabas ng aking dibdib sa bilis ng t***k nito.
Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata.
"It's your first day as my assistant pero na late ka na agad," walang emosiyong sambit niya sa'kin.
"I'm sorry Sir, something came up and I...."
"You were probably busy with some other stuffs. You have to prioritize your work, sleep early and don't wander around at night para hindi ka malate ng gising," pagputol niya sa dapat sana'y sasabihin ko. Ayaw ko na talaga! Parang pinapatamaan niya ako sa sinabi niya. Nagmukha tuloy akong masamang babae, hindi naman kasi ako palagala tuwing gabi. Nagkataon lang talaga 'yon.
"Sir, hindi naman po sa ganun." Tumaas ang kilay nito dahil sa sinabi ko. Ayaw ko nalang talagang magpaliwanag mukhang wala siya sa mood para makinig.
"I don't want to hear fake excuses!" wika niya, bumalik ito sa pagbabasa ng magazine.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita, "I'm really sorry Sir. Hindi na po mauulit, I swear," pangako ko sa kanya.
"That's good. I heard nagtrabaho ka dati sa V Logistics," he told me habang nakatingin parin sa binabasa niya.
"Yes sir."
"So you know Mr. Carlisle Villashne?" Saka palang ito muling nag-angat ng tingin nang banggitin niya ang pangalan ni Dad.
"He was my Dad." Naalala ko na naman lahat ng sinabi sa'kin ni Dad na masakit. Kung paano niya kami pinalayas ni Mommy pagkatapos niyang malaman ang totoo.
"Was?" Curious na tumingin ito sa'kin.
"Past tense po. Akala ko po dati siya talaga ang Dad ko pero nagkamali po ako. Alam ko pong wala na itong kinalaman sa trabaho ko, pero dahil tinanong niyo po kaya sasabihin ko. I was once the eldest daughter of the Villashnes pero ngayon ay isa na lamang akong sampid sa pamilya nila," malungkot na sagot ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita, nanatiling nakatitig lang siya sa'kin kaya nagiging uneasy ako.
"Lahat tayo ay may kanya-kanyang nakaraan na naging malaking parte ng ating kasalukuyan." Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong nakaramdam na may lungkot siyang dinadala. Maaaring magkatulad kami na may masakit na nakaraan.
"Tama po kayo diyan Sir. Madami po akong nagawang pagkakamali lalong-lalo na po sa kapatid ko. I failed to protect her, instead ako pa minsan ang nagpapahamak sa kanya. Gustohin ko mang humingi ng tawad sa kanya ay huli na ang lahat." Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at parang hindi ako naiilang na magshare sa kanya tungkol sa past ko.
Seryosong tumingin sa'kin si Sir.
"Malawak ang pang-unawa ng kapatid mo, I'm sure she will forgive you." Sa tono ng pananalita niya ay parang kilalang-kilala na niya si Claire.
"You sound like you know my sister very well," natatawang sambit ko sa kanya.
"I do know her. Claire was the most amazing woman I've ever met. She's one of a kind." Napansin kong kumikislap ang kanyang mga mata habang dinidescribe niya ang kapatid ko. May past kaya silang dalawa?
"Naiinggit ako sa'yo Sir kasi nakilala mo ang kapatid ko. Kung may chance lang sana na magkasama kami ulit ay babawi ako sa kanya."
Ngumiti si Sir sa'kin, "Everyone deserves second chances. That's what she told me before."
Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ganito sila kaclose ni Claire, and I feel like they have a very special connection.
"I just hope I deserve that second chance too," malungkot na sagot ko. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad palapit sa'kin.
"I'm Lucas Caldwell." Inilahad niya sa'kin ang kamay niya.
Lucas Caldwell? Napatingin ako sa table niya, 'yon talaga ang totoo niyang pangalan. Caldwell din ang napangasawa ni Claire.
"Kaano-ano mo ang asawa ni Claire?"
He chuckled, at sobrang sexy niya pakinggan.
"I'm his cousin. Cousin in-law ko si Claire." I feel like there's more between them. Sa pagkislap palang ng kanyang mga mata kanina habang binabanggit niya ang pangalan ni Claire ay alam ko na agad na espesiyal sa kanya ang kapatid ko.
"I'm Avery Villashne, nice to meet you Sir Lucas." Nakipagkamay ako sa kanya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko nang maglapat ang aming kamay.
******
Abala ako sa pag-eencode ng mga importanteng documents dito sa table ko sa labas ng opisina ni Sir Lucas. Ito kasi ang unang assignment niya sa'kin. At halos maduling na ako sa dami nitong itinatype ko. Namamanhid na ang kamay ko at malapit ng maglunch break pero hindi parin ako nangangalahati sa kailangan kong iencode.
"Jusme, ang hirap pala talagang maging assistant. Dati akala ko mas mahirap ang trabaho ko kaysa sa assistant ko pero ngayon na nararanasan ko na, ang hirap pala talaga," naisambit ko nalang habang nagtatype ako.
"Huy! Anong binubulong-bulong mo diyan!" Napaigtad ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.
"Cindy? What are you doing here?" pabulong na tanong ko sa kanya. Baka kasi makita siya ni Sir Lucas, maaaward pa ako nito dahil baka isipin niyang nagchichismisan lang kami.
"Girl, may chika ako sa'yo." Napabuntong hininga nalang ako. Ganun ba kahalaga ang ichichika niya at hindi siya makapaghintay hanggang matapos ang trabaho namin?
"Anong ichichika mo? Bilisan mo lang at baka biglang lumabas ang Boss ko." Tumingin-tingin pa ako sa paligid baka kasi may nakatingin sa'min at isumbong ako kay Sir Lucas. Unang araw ko palang ngayon, nalate pa ako kanina baka matanggal na talaga ako kapag nahuli akong nakikipagtsismisan.
"May nalaman ako. Inilipat kasi ako sa Out-patient Department kanina. At alam mo ba kung ano'ng nasagap ko?" Napataas ako ng kilay dahil sa tanong niya. Jusme akala ko ba may chika siya, ba't niya ako tinatanong?
"Ano?" naiiling na sagot ko.
"Ang kapatid mo pala ang dating Director ng OPD," pagbabalita niya.
"Tapos may nalaman pa ako, magkasama daw sila ni Sir Lucas ng anim na taon sa America at doon daw ipinagpatuloy ng kapatid mo ang pag-aaral niya. Pagbalik nila ay isa na siyang Doktor at ginawa siya agad na Director ng OPD ni Sir Lucas."
Napaisip ako dahil sa sinabi niya. So hindi nga ako nagkamali, may malalim ngang pinagsamahan sina Sir Lucas at Claire.
"Ano pang nalaman mo?" Jusme, kanina lang ay takot akong mahuli pero parang naging interesado ako sa chismis niya.
"Tapos, nakulong daw si Sir Lucas dahil kinidnap niya ang panganay na anak nina Claire at ni Liam na pinsan ni Sir Lucas. Parang ginawa niya raw hostage 'yong bata tapos muntik pa raw makunan si Claire. Pero bago 'yon nakulong muna si Sir Lucas dahil muntik na nitong patayin ang Lolo niya." Medyo magulo ang pagbabalita niya pero kahit papaano ay na gets ko naman. Basta kasi talaga chismis ay matalas ang isip ko.
"Ha? Totoo ba 'yan?" Parang ang labo naman yatang nagawa iyon ni Sir Lucas. Mukha naman siyang mabait.
"Oo nga! Totoo 'yon maniwala ka sa'kin."
"What are you talking about?" Gulat na napalingon kami ni Cindy. Sumalubong sa'min ang galit na galit na si Miss Gretch. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa'min.
"Hehe, ate Gretch." Napakamot pa ng kanyang ulo si Cindy.
"Cindy, you're not supposed to be here sa executive floor! Nurse ka and your duty is not here! Talagang nag-effort ka pang pumunta dito para makipagchismisan." Tumingin naman sa'kin si Miss Gretch.
"At ikaw naman, late ka na nga nag-aaksaya ka pa ng oras!"
Nagtinginan nalang kami ni Cindy, pareho kaming kinakabahan.
"I'm sorry Miss Gretch," paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko. This day is definitely the worst day of my life.
"And one more thing, labas sa trabaho niyo ang pag-usapan ang personal na buhay ng Boss natin. Kung ano man ang nangyari sa kanya sa past huwag niyo nang pilit na halungkatin dahil walang magandang maidudulot 'yan sa inyo. Huwag niyo akong ipahiya please lang!" wika niya bago tuluyang umalis.
"Ikaw kasi!" Siniko ko si Cindy. Nananahimik lang ako dito kanina habang ginagawa ko ang trabaho ko pero bigla siyang dumating para makipagmarites. Napagalitan tuloy ako. Triple kill na ako sa araw na ito, konti nalang ang natitira kong life. Ayaw ko nang sagarin at baka tuluyan na talaga akong matanggal.
"Sorry naman. Malapit na naman maglunch break eh," nakangusong sagot niya.
"Alam mo pala na malapit na maglunch break, eh di sana ay hinintay mo nalang hanggang maglunch. Hindi na sana tayo napagalitan," sermon ko sa kanya.
"Sorry na." Napanguso pa ito na parang bata.
"Ililibre nalang kita ng lunch."
"Susuholan mo talaga ako girl?" Natatawang tumingin ako sa kanya.
"Nasusuhulan ka naman kasi!" Biro niya sabay hampas sa braso ko.
"Gagi!" Natawa narin tuloy ako.
"Miss Villashne!" Wala sa sariling napatayo ako dahil sa malakas na sigaw ni Sir Lucas. Wala na talaga, savage na ang labas ko nito.
"Yes sir?" Natatarantang tanong ko. Paglingon ko kay Cindy ay nagtatakbo na ito palabas. Gaga talaga ang babae na iyon, iniwan akong mag-isa!
"Are you done with your task?" Seryosong tumitig sa'kin si Sir. Napatingin naman ako sa ginagawa ko na hindi parin tapos hanggang ngayon. Napalunok nalang ako at hindi ko na alam kung anong isasagot ko. Natatakot ako sa tingin niya.