NEZZIE JANE Nasa terminal pa rin ako ng bus. Tahimik lang akong nakikiramdam habang nakaupo sa may gilid para walang makapansin sa akin. Umiikot ang mga mata ko. Panay tingin ako sa paligid at baka may biglang sumulpot na mga tauhan ni Ninong na naghahanap sa akin. Posible kasing isa ang terminal sa puntahan ng mga ito para hanapin ako. Malamang din ay alam na nilang nakaalis na ako sa tinutuluyan ko. Wala pa ring tawag si Ivan na kanina ko pang hinihintay. Naiinip na ako at the same time ay natatakot. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Habang patagal nang patagal ako rito sa terminal ay pakiramdam ko ay nagiging mas delikado ang buhay ko. Nasa alanganin na akong sitwasyon. Wala dapat akong inaaksayang pagkakataon. Sayang ang tumatakbong oras. Last trip na rin ng bus ang nakapila. I

