NEZZIE JANE Nadako ang tingin ko sa lalaking may hawak ng cell phone ko na papalapit sa akin. Infairness naman dito sobrang galing nito. Napahanga niya ako sa pinakita nito. Parang hindi man lang itong nahirapan sa kanyang ginawa. Napatumba niya ito ng walang kahirap-hirap at nakuha niya ang cell phone ko ng hindi man lang ito pinagpapawisan. Effortless at napaka-swabe na mga galawan nito. Nakaka-bilib. Dagdagan pang ang gwapo rin nito. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling kong titigan ito. Parang pamilyar kasi ang itsura nito. Parang may kahawig ito na isang korean oppa sa kdramang pinapanood at sinusubaybayan ko. Hindi ko alam kung anong trabaho nito. Nakasuot ito ng coat and tie. Napaka-disente nitong tignan. Namumukod tangi ito sa lahat ng taong andirito ngayon. Parang hindi ito nab

