NEZZIE JANE Sinabi ko kay Rusty ang natanggap kong tawag mula kay Verna kagabi. At kinumbinsi ko siyang sumama at pumayag naman ito. Hindi ko pa rin binabanggit sa kanya ang tungkol sa naging pag-uusap namin ng Ninong ko. At binibigyan niya ako ng dalawang araw para tuluyang hiwalayan ito. Ayokong sabihin sa kanya hangga't hindi ko pa nalalaman ang sasabihin ni Verna sa amin. Sana nga ay tungkol iyon doon. Sana rin ay tuluyan nang magbago ang isip nito at hayaan na kaming dalawa ni Rusty. 'Pag nagkataon din kasi ay wala rin itong aasahan kay Rusty sapagkat hindi naman siya mahal nito. Si Verna lang talaga ang nagpupumilit sa gusto nitong mangyare. Pinapairal na naman niya ang pagiging spoiled brat nito, na ang lahat ng gustuhin nito ay makukuha nito. Nahihibang na yata ito at pati kami ay

