NEZZIE JANE Kinabukasan. Kadarating lang ni Ninong Mayor sa opisina nito. Pagkaupong-kaupo nito sa mesa nito ay saka naman ako pumasok dala ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan. "Good morning po, Ninong," bati ko rito. 'Pag kaming dalawa lang ang magkaharap ay "Ninong" ang tawag ko sa kanya pero 'pag may ibang tao kaming kasama o nasa labas kami ay "Mayor" naman ang tawag ko bilang pag-galang na rin. Ayoko kasing ipangalandakan na ninong ko siya. Ayoko rin kasing malaman ng iba na may koneksyon kaming dalawa. Mabuti na ang wala silang alam. Pero kahit gano'n man ay empleyado pa rin ang turing sa akin ni Ninong. Walang inaanak-anak. Walang ninong-ninong pagdating dito sa munisipyo at maging sa trabaho ko. Walang special treatment kumbaga. Gano'n din naman ako sa kanya. Boss

