NEZZIE JANE Nagluluto ako ng ulam ko nang maalala kong naubos na pala ang toyo. Wala na akong gagamitin. Napilitan akong patayin muna ang electric stove at itigil ang pagluluto ko. Importante pa naman iyon sa niluluto kong Adobo. Wala akong choice kundi ang lumabas ng tinutuluyan ko para bumili sa tindahan. Agad akong pumasok ng kwarto para magpalit at mag-ayos. Isinuot ko muli ang disguise kong wig at saka naglagay na rin ng pekeng nunal. Hindi ko na kasi iyon sinusuot dahil andito lang naman ako sa loob. Wala namang sisilip sa akin rito. Ito ang unang pagkakataon na lalabas ako simula ng tumuloy ako rito kaya kailangan kong suotin ulit iyon. Mahirap na at baka makilala ako. Hindi ko rin alam na baka andiyan na sa labas ang mga naghahanap sa akin na mga tauhan ni Ninong. Nang masiguron

