WOOKIE Day off ko ngayon sa Hotel Trevino. Lulan na ako ng sasakyan ko. Noong isang araw ko pa itong nakuha sa casa after ng ilang araw na naroon para ipaayos. Ngayon ko pa lang siya ulit gagamit ng malayo-layo. Balak kong pumunta sa restaurant ni Lorkan. Na-miss ko kasi ang mga luto nito kaya sasadyain ko siya para makikain. Hindi nito alam na pupuntahan ko siya ngayon. Wala akong pasabi dahil gusto kong gulatin ito. Lately kasi ay hindi ko na ito nakikita sa restaurant na pagma-may-ari nito sa hotel dahil sa naka-focus ito ngayon sa bagong resto nito na kakabukas lang. Niyaya ko si Kimmy para sumama sana pero tumanggi ito. Wala raw siya sa mood. Mukhang umatake na naman ang sumpong nito kaya nakabusangot na naman ang loko. At sigurado akong alam ko na kung anong dahilan niyon. Malaman

