CHAPTER 1: "Secret Kept, Love Felt"
"Bakit mo pa kasi ako sinundan?" tanong ni Kyle habang pilit niyang binubuksan ang padlock ng motorbike niya sa gilid ng parking area ng Mirem State University.
"Because I'm your boyfriend. Gan'un talaga 'yon," malamig pero diretso ang sagot ni Shane habang nakatayo sa likod niya, may bitbit na helmet, at chill lang gaya ng usual niya.
Napabuntong-hininga si Kyle, hinampas ng konti 'yung padlock out of frustration.
"Hindi mo naman kailangang magpakita pa," she muttered, still not looking at him.
"Hindi ko rin kailangan magpaliwanag kung bakit ako nandito," sagot ni Shane, calm as ever.
Napalingon si Kyle, agad siyang sinulyapan ng matalim. "Tama. Kasi hindi ka rin marunong magpaliwanag kahit kailan."
Nagkatinginan sila for a second. Walang gusto magpatalo.
Tinaas ni Shane ang kilay, hindi natitinag. "Ano bang issue mo ngayon?"
Sa wakas, nabuksan na ni Kyle ang padlock at agad siyang sumampa sa bike. "Wala."
"Then bakit ka nagtataray?"
"I'm always like this."
"Exactly," sagot ni Shane habang lumapit pa sa kanya para siya na ang magsuot ng helmet sa ulo ni Kyle. "Kaya nga kita mahal."
Simple lang ang pagkakasabi niya. Halos ibulong. Pero sapat para mapahinto si Kyle.
Nag-freeze siya for a moment. Hindi dahil sa mismong sinabi, kundi sa kung gaano ka-casual iyon para sa kanya. Parang ang dali lang. Pero sa kanya, parang may sumabog na fireworks sa loob.
"Kyle," dagdag ni Shane habang sinisigurado niyang nakatali ng maayos ang strap ng helmet. "'Wag ka nang mag-cut next time, please lang."
Napairap si Kyle. "Psh, hindi ako nag-cut. Nag-explore lang ako ng identity ko sa Crisanta Park kasama sina Luna at Nova. Very academic."
Napangisi si Shane. "Saka ka mag-explore kapag hindi ka na pinapatawag sa office ng Dean."
"Sus, hindi naman ako palagi—"
"Tatlong beses in two weeks?"
"Coincidence lang 'yon."
Napatawa si Shane, soft and amused. "Tara na. Hatid na kita."
Hindi na lang siya sumagot, pero sumunod naman si Kyle. Ayaw niya aminin, pero she liked riding with Shane. Kahit pa cold at sobrang composed siya sa harap ng lahat, kapag silang dalawa lang... iba si Shane. Mainit. Tahimik pero sincere.
Habang nasa likod siya ng motor niya, napaisip na naman si Kyle. Tungkol sa kanilang dalawa.
Kasi to be honest, sobrang weird talaga.
Si Shane—Governor ng CET. Golden boy. Responsible. Marespeto. Parang poster boy ng isang perfect student.
Tapos siya?
Si Kyle na laging may issue sa attendance, kilala sa pagiging rebelde, pabago-bago ng hair color, at laging nasa watchlist ng guidance office.
No one would believe they're together.
At kaya nga walang nakakaalam.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Shane habang nakahinto sila sa stoplight.
"Wala. Iniisip ko lang kung bakit ako pumayag maging jowa mo," sagot ni Kyle.
"Tsk. Kung ako sa'yo, tanungin mo sarili mo bakit ako pumayag sa'yo," balik ni Shane, deadpan pero may ngiti sa boses.
"Epal mo," bulong ni Kyle, pero ngumiti rin siya under the helmet.
Bumalik si Shane ng konti para hawakan ang kamay niya at marahang pinisil ito.
"Pero mahal pa rin kita," bulong niya.
Pagkahatid sa kanya sa tapat ng dorms, napasandal si Kyle sa pader habang pinapanood paalis si Shane. Hindi pa siya nakakahinga ng maayos. Parang ang bigat ng dibdib niya kahit wala namang nangyaring away.
Binuksan niya ang phone niya, staring at her wallpaper—isang blurry photo ni Shane na half-asleep sa student council room. He hated that photo. Pero siya? She adored it.
Napabuntong-hininga ulit si Kyle.
She hated this feeling.
Yung parang may gustong sabihin si Shane pero hindi masabi.
Yung parang may itinatago.
Yung parang may kulang pero hindi niya alam kung ano.
Later that night, habang nakahiga siya sa dorm bed niya, staring at the ceiling, bigla niyang naalala 'yung sinabi ni Shane kanina.
"Kaya nga kita mahal."
Sobrang simple. Pero ramdam niya.
Hindi kasi palasabi si Shane ng gano'n. Kaya kapag sinasabi niya... tumatama. Sa puso. Diretso.
Napakagat si Kyle sa labi.
Walang nakakaalam tungkol sa kanila. Pero that doesn't make it any less real.
In fact, it's the realest thing she has right now.
Nag-vibrate ang phone niya.
Luna 🧿: Tara inom. May dala si Nova.
Napangiti siya saglit.
Pero imbes na mag-reply, tinalikuran niya ang phone at muling tumitig sa kisame.
For the first time, hindi niya gustong lumabas.
Gusto niya lang mag-isip. Tungkol sa kanila. Tungkol kay Shane.
Tungkol sa kung bakit ganito ka-complicated ang lahat.
"Hindi mo pa rin siya sinasagot?" tanong ni Luna habang naglalagay ng powder sa noo ni Kyle. Nasa loob sila ng shared dorm room, at as usual, si Luna pa rin ang tagapagtago ng lahat ng sekreto nila.
Kyle closed her eyes. "Sinong 'siya'?"
Luna scoffed. "Si Shane, obviously."
"Tinatamad lang akong makipag-usap. Tsaka... wala naman kaming dapat pag-usapan," sagot ni Kyle, halos bulong.
"Eh bakit hindi niyo pa rin sinasabi sa kahit sino na kayo?"
"I'm protecting him."
"From what?"
"From me."
8:03 a.m., Room 402 – Electronics Lecture
"Ms. De Guzman. Again?"
Napalingon si Kyle mula sa pinagsusulatan niya sa notebook. Naka-ankla ang braso niya sa desk, hawak ang lapis habang kalmado siyang tumingin sa harap.
"Yes, Ma'am?" sagot niya, casual pero malinaw.
Tumayo si Engr. Dela Peña, ang terror prof nila sa Electronics—ang favorite subject ng lahat... with sarcasm, of course.
"Didn't I say we were doing the derivation in standard format? You're using matrix notation."
Kyle looked up, calm but firm. "Ma'am, the method I used is still correct. I just showed the shortcut used by IEEE for diagonal systems. It's based on the same theory."
Ramdam niya ang tension sa classroom. Lahat tahimik. Even Gia, na laging tagasagip ng klase mula sa awkward moments, chose to stay silent.
Naningkit ang mata ni Engr. Dela Peña.
"And since when did this classroom become yours to teach?"
Still composed, Kyle answered, "I wasn't trying to teach, Ma'am. I was just solving the problem faster."
"Faster isn't always better," ani ng prof, halos may ngitngit sa tono.
"But neither is outdated."
Boom.
Gasps filled the room.
Hindi niya sinadya. Pero to be honest? She stood by it.
30 minutes later – Office of Student Discipline
"Ms. De Guzman," sambit ng dean habang binabasa ang incident report. "This is your... fifth time here this semester."
"Actually, pang-apat po," sagot ni Kyle, halos nakangiti pa.
Tiningnan siya ng Dean over his glasses.
"Fourth. Still."
Nag-shrug lang siya. "Wala naman po akong ginawang masama."
"Sagot-sagot sa professor, hindi ba disrespect 'yon?"
"Hindi po ako sumagot. Nagpaliwanag lang ako. At hindi po ako mali."
Tahimik ang paligid. Even Rafa, ang ever-present student council rep na para nang intern sa opisina ng dean, napatingin sa kanya. Minsan nga, mukha na siyang student mayor ng buong MSU.
"Minsan kasi," dagdag ni Kyle, "kapag babae nagsabi ng tama, ang dating—mayabang. Pero kung lalaki 'yon, matalino."
Napakurap ang Dean.
Nag-chuckle si Rafa, awkwardly. "Uhh... may point siya, Sir."
"Shut up, Mr. Manalansan."
Later that day – CET Building Hallway
Habang naglalakad si Kyle papunta sa lab, sumabay sa kanya si Gia.
"You okay?" tanong ni Gia.
Tumango si Kyle. "Used to it."
"Grabe ka rin kasi minsan," natatawang sagot ni Gia. "Pero to be honest? You were right kanina. I didn't even know that shortcut."
"Thanks," sagot ni Kyle. "Wala lang talagang energy makipagtalo sa prof na allergic sa innovation."
Paglingon niya, napansin niyang nasa dulo ng hallway si Shane. Pinagmamasdan lang siya nito. Nasa tabi rin niya si Rafa, bulong nang bulong, halatang may sinasabi na naman.
Napatingin din si Gia.
"Shane?" bulong niya. "Bakit siya—wait..."
Kyle blinked. "What?"
"Wala. Wala. Curious lang."
Ramdam na ni Kyle ang mga mata ng paligid. Lahat dahan-dahan nang nag-a-assume. Shane's presence, her reputation, his subtle protectiveness—lahat 'yon may meaning para sa mga observant.
Pero alam niyang ayaw rin ni Shane na i-announce sila.
Hindi dahil nahihiya siya.
Hindi rin dahil ayaw niya.
He was content.
Sapat na sa kanya na silang dalawa lang ang may alam.
Walang pressure. Walang posts. Walang label.
Pero tuwing may gulo si Kyle, hindi mapigilan ni Shane ang lumapit.
And that's what's dangerous.
Not the relationship.
But the way he makes it obvious... without even meaning to.
That night
Nag-text si Nova.
Nova 🤍: Tuloy ba Mt. Romelo this weekend?
Kyle: Yes. G na.
This time, Kyle didn't tell Shane.
She needed this hike.
Kahit hindi alam ni Shane kung bakit...
Hindi rin niya alam ang tunay na dahilan kung bakit galit na galit ito sa hiking.
But she was about to find out—
Sooner than she thought.