CHAPTER 2: "Tahimik na Paalam"
Friday – 4:52 p.m.
"Sure ka ba talaga dito?" tanong ni Nova habang pinapakita kay Kyle ang group chat ng hike participants. May itinerary, checklist, departure time—kumpleto lahat.
Tumango si Kyle. "Matagal ko nang kailangan 'to."
"Hindi mo talaga sasabihin kay Shane?"
"No."
"Girl..."
Tumingin siya kay Nova.
"I love him," sabi ni Kyle, mahina pero buo, "pero hindi ko pwedeng isuko lahat ng ginagawa ko just to make him feel safe. This is the only thing I do for me."
At doon na natapos ang usapan. Hindi na siya kinontra ni Nova.
Saturday – 5:10 a.m.
Tahimik ang paligid habang nakatambay sila sa tapat ng terminal. Bitbit ni Kyle ang maliit niyang backpack, suot ang windbreaker na medyo kupas na sa dami ng akyat na pinagdaanan.
Dumating si Luna, may hawak na mainit na kape. "O, uminom ka muna. Para sa nerves mo."
"Hindi ako kinakabahan," sagot ni Kyle.
"Di ba dapat ako pa ang nagsasabi niyan? I know you, Ky. 'Pag hindi mo pinapakita, mas nararamdaman mo."
Hindi siya sumagot. Kinuha lang niya ang kape at tumango.
Backtrack – Friday Afternoon, CET Building
"Ms. De Guzman, kung matalino ka talaga, sana may respeto ka rin sa proseso!" sigaw ni Engr. Dela Peña habang nasa harap ng buong klase.
Nakatayo si Kyle sa gitna ng room, habang si Gia at iba pang mga kaklase ay tahimik lang na nakatingin sa eksena.
"With all due respect, Ma'am, ang suggestion ko po ay base sa latest calibration standards ng IIEE—"
"Eh ako ang teacher mo rito, hindi ang libro!"
Nag-clench ang panga ni Kyle. "Pero ang field natin, Ma'am, hindi umaandar sa luma lang. Technology evolves."
Tahimik. Walang gumalaw. Walang umimik.
Alam niyang hindi 'yon nagustuhan ng prof.
Pagkatapos ng klase, habang naglalakad siya sa hallway, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya.
"Gusto mo ba talaga mapatalsik?" tanong ng pamilyar na boses.
Paglingon niya, nakita niya si Shane—nakasandal sa pader, may hawak na folder, suot pa rin ang ID ng Student Council.
"Huwag kang sumunod-sunod. Baka mapagtinginan tayo," sabi ni Kyle.
"Baka? O ayaw mo lang talaga?" balik ni Shane.
Huminto siya. "Shane..."
Napabuntong-hininga si Shane. "You stood up for what's right. Pero minsan, hindi mo kailangang patunayan na matalino ka. Alam ko naman eh."
"So you're saying I should stay quiet?" seryosong tanong ni Kyle.
"I'm saying... hindi lahat ng laban kailangang sagarin."
Tumalikod siya, hindi na nagsalita.
"Anong balita sa 'yong hike?" tanong ni Shane bigla.
Bahagyang kinabahan si Kyle.
"Ano?" tanong niya, kunwari clueless.
Naninipit ang tingin ni Shane. "Si Rafa. Maingay. Sabi may alis ang org ng IT bukas. You're on the list?"
Nag-fake ng tawa si Kyle. "Sino bang naglagay ng pangalan ko ro'n?"
Pero hindi na siya tinanong pa ni Shane. Hindi rin siya pinigilan.
Tinitigan lang siya ng matagal. Calm. Cold. Knowing.
"Kung aalis ka bukas..." mahinang sabi niya, "just be careful."
Dahan-dahang tumango si Kyle, at agad na tumalikod bago pa niya marinig ang susunod na sasabihin nito.
Present – Saturday, 5:50 a.m.
"Ready na ba ang lahat?" tanong ng organizer habang nagro-roll call sa tapat ng van. Ang araw ay nagsisimula pa lang sumikat.
Hinigpitan ni Kyle ang strap ng backpack niya.
Binulungan siya ni Nova, "He knows, doesn't he?"
"Maybe," mahinang sagot ni Kyle.
"Then bakit hindi ka niya pinigilan?"
Ngumiti siya nang malungkot.
"Because Shane isn't the type to stop me."
Back in his dorm room, same hour...
Shane sat on his bed, staring at his phone.
No messages. No notifications.
But he already knew.
He always knew.
Sa ilalim ng notes niya for their upcoming CET meeting, may isang reminder:
"Mt. Romelo – 6:00 a.m."
He clenched his fist.
Then stared at the photo inside his drawer—a girl with the same eyes as him, smiling wide on top of a mountain.
Saturday – 8:21 a.m.
Mt. Romelo Trailhead, Famy, Laguna
Mabato. Maalikabok. Mainit. Pero mahal pa rin ni Kyle ang bundok.
Hinigpitan niya ang strap ng bag habang binabaybay nila ang mas matarik na bahagi ng trail. Nauna na sina Luna at Nova, habang siya naman ay sandaling tumigil para huminga.
Hindi pa rin niya maintindihan kung anong klaseng kapayapaan ang naibibigay ng bundok sa kanya, pero sa tuwing andito siya... para siyang totoo. Buo. Walang kailangan patunayan. Walang kailangang itama. Walang kailangang iwasan. Tahimik na hindi humihingi ng paliwanag. Walang expectations. Just air and space—something she rarely got back in Mirem.
Pag tumingin siya sa paligid, puro berde.
Tahimik. Malayo sa gulo.
Walang Dean. Walang terror prof. Walang CET hallway na parang courtroom.
Walang Shane.
"Hoy, Kyle!" sigaw ni Luna mula sa itaas. "Ang bagal mo! Akala ko hiker ka?"
"Sorry naman, may moment ako rito!" sigaw ni Kyle pabalik.
Tumawa si Nova habang hinihintay siya sa gitna ng trail. "Kausap mo na naman 'yung mga puno?"
"Puno lang ang hindi judgmental."
Napatawa ang dalawa.
Muling sumabay si Kyle sa lakad nila. Pero sa likod ng katahimikan ng bundok... mas naging maingay ang loob niya.
9:07 a.m. – Campground Area
Nasa clearing na sila, nagpapahinga habang nagkakape gamit ang portable stove na dala ni Luna. Naka-upo si Kyle sa maliit na batong lamesa, nakatitig sa lumang litrato na palagi niyang dala—siya kasama ang tatlo niyang kuya
"'Yan ba 'yung sinasabi mong hiking bros mo?" tanong ni Nova habang sumisipsip ng 3-in-1.
"Yep. We used to hike a lot nung bata pa ako. Ako lang ang babae, kaya ako palaging inaalalayan."
"Cute naman," ani Luna. "What happened to them?"
Tumingin lang si Kyle sa kanya.
"They grew up. Got jobs. Moved abroad."
Sabay-sabay silang tumango. "Ahhh."
"Buti nalang matapang ka pa rin," dagdag ni Nova. "I mean, Shane's obviously not a fan of this trip."
Napilit na natawa si Kyle. "Let's not talk about Shane."
"But Kyle..." sabi ni Luna, dahan-dahan, "hindi mo ba naiisip minsan... what if may valid reason siya bakit hate niya 'to?"
"I'm not stupid, Luna. I know something's up." Tahimik ang paligid. "Pero ang problema, ayaw niyang sabihin."
"Ayaw o hindi pa handang sabihin?" tanong ni Nova.
Hindi siya sumagot. Pumikit lang si Kyle sandali, hinayaang ang hangin sa bundok ang magdala ng sagot.
Meanwhile, back at MSU Dorm – Shane's Room
Nasa sahig si Shane, nakasandal sa bedframe habang naka-on ang laptop sa harap niya. Dapat ay nagre-review siya ng latest student council activity reports para sa CET.
Pero wala siyang naiintindihan.
Hindi niya mapigilang tumingin sa framed photo sa desk—si Lily, ang kakambal niyang kapatid. Pareho sila ng mga mata. Pareho ng ngiti. Pareho ng dimple sa kaliwang pisngi.
"Kuya Shane, picture mo ako dito! Ang taas ng bundok! Tignan mo!"
Click.
"'Wag kang magulo, Lily. Umayos ka—baka madulas ka."
Blink.
Tumayo siya. Binuksan ang drawer.
Isang laminated news article. Medyo faded na ang tinta pero malinaw pa rin ang headline:
"College Student Dies in Hiking Accident – Ravine Fall Confirmed."
Mabilis niyang isinara ang drawer.
Back to Campground – 10:00 a.m.
"Guys," sabay sabit ni Kyle ng braso sa balikat nina Luna at Nova, "Tara picture?"
"Selfie queen strikes again," tawa ni Luna.
"Wala si Shane. Hindi niya ako mapipigilan." Kumindat siya.
Pagkatapos ng ilang kuha, tumingala si Kyle sa langit.
Heaven felt closer here.
"Do you think we choose our own future?" bigla niyang tanong.
Napakunot ang noo ni Nova. "Ha?"
"Like, do we really get to choose? Or... ginagawa lang nating best guess kung saan tayo dinala ng buhay?"
Tahimik silang dalawa. Hanggang sa nagsalita si Luna.
"Maybe we don't choose the future. Maybe we choose kung sino ang gusto nating makasama habang inaabot 'yon."
Napangiti si Kyle. Simple pero totoo.
Pero sa loob-loob niya... may tanong pa rin siyang bumabalot sa dibdib niya.
Hindi niya alam kung si Shane pa ba talaga ang gusto niyang makasama habang tumatakbo ang buhay niya—
O kung siya pa ba ang gusto ni Shane makasama habang inaayos nito ang sarili niyang mundo.