CHAPTER 3: "Ang Mundo sa Mata ng Tatlo"
Saturday – 12:24 p.m.
Mt. Romelo Campsite
Mainit ang araw pero mahangin. Nasa tuktok na sila—surrounded by tall grass, trees, and a view that made everything else feel small. Mula sa itaas, lahat ng stress na iniwan nila sa Mirem State University felt distant, almost forgettable.
"Uy, picture muna tayo!" sigaw ni Nova habang inaabot ang phone niya kay Luna. "Kyle, tumayo ka sa gitna. Para kang nature goddess d'yan."
"Kalma ka lang. Hindi ako mascot," sagot ni Kyle, pero syempre, nag-pose pa rin.
Nag-pose silang tatlo—Nova sa kaliwa, Luna sa kanan. Sa likuran nila, sumasayaw ang mga puno sa ihip ng hangin at ang langit ay kulay washed-out na asul—parang watercolor.
Pagkatapos ng picture, humiga silang tatlo sa damuhan, ang araw ay diretso sa mukha nila. For once, tahimik ang buong mundo.
Nova Aguirre.
Siya ang constant ni Kyle. A realist with a soft heart. Tahimik kapag maingay ang paligid, pero kapag may sinabi, laging may bigat. Sa classroom, laging handa—may highlighters, post-its, at reviewers na parang thesis ang dating. Pero sa likod ng mataray niyang eyeliner at matalim na tingin, she was the most gentle soul Kyle knew.
"Kung hindi ako seryoso sa acads, hindi ako matutong magmahal," sabi ni Nova minsan. "Kasi parehong kailangan ng commitment."
Luna Salcedo.
Kyle's chaos twin. A walking contradiction. Maingay pero observant. Fashionista pero laging magulo ang notes. She thrived around people—orgs, events, kahit barangay beauty pageant, andoon siya. Siya ang unang tatawagan ni Kyle 'pag gusto niyang magpaka-wild, at siya rin ang unang aawat kapag lumalagpas na sa limit.
"Aminin mo," sabi ni Luna habang pinapakita ang selfie nila, "kahit may pinagdadaanan ka, ang ganda mo pa rin."
"Natural. Built different," sagot ni Kyle sabay kindat.
1:00 p.m. – Camp Lunch Prep
"Nova, ilabas mo na 'yung spam!" sigaw ni Luna habang niluluto ang noodles sa portable stove.
Napailing si Nova. "Hoy, hindi ako food supplier ha. Pero sige na nga, gutom na rin ako."
Habang nag-aasikaso ang dalawa, nakaupo si Kyle malapit sa tent, pinagmamasdan sila. Ramdam niya ang pagod sa ankle niya—hindi sugat, pero halatang worn out. May alikabok ang buhok niya galing sa trail.
Pero okay lang.
For a moment, life felt... whole.
Habang nag-aayos ng lunch, lumapit si Luna, this time with a more serious tone.
"Ky, nagkakaganito tayo palagi. 'Yung aalis, magbabakasyon, maglalakbay—tapos pagbabalik natin, 'yung mga iniwan natin, hindi pa rin tayo naiintindihan."
Napalunok si Kyle. "They don't have to."
"But don't you want to be understood?"
Hindi siya agad sumagot.
Tumingin siya sa phone niya—naka-lockscreen pa rin ang blurry, Shot ni Shane, walang expression—'yung typical na Shane face na para sa lahat... pero noon, para lang sa kanya.
Back at MSU – Student Council Office
"Governor?"
"Hmm?"
Si Rafa, ang ever-persistent student council rep, kumatok sa office door habang may hawak na activity forms.
"You okay po?" tanong niya, pilit na casual.
Hindi tumingin si Shane. "Yeah. Why?"
"Wala lang po... napansin ko lang, tahimik kayo ngayon."
"May problema ba?"
"Wala naman po... pero baka gusto niyo pong lumabas muna. Nag-outreach po 'yung Org Ninyo sa San Felipe Elementary."
"No. I'm fine here."
Nag-alinlangan si Rafa. "She'll be back soon, you know."
Tumaas ang kilay ni Shane. "Who?"
"Come on, Sir. Don't pretend."
Isinara ni Shane ang folder.
Tumingin siya sa bintana. Still expressionless.
Walang sagot.
2:17 p.m. – Campsite
Matapos ang lunch, humiga ulit silang tatlo sa damuhan.
"Tara, laro tayo," sabi ni Luna. "Walang cellphone. Just Q&A."
"Ikaw mag-umpisa," sagot ni Nova habang nililigpit ang thermos.
"Okay," ngumiti si Luna. "If you could tell one secret to your past self, what would it be?"
Si Kyle ang unang sumagot.
"Don't try to be someone your family will finally accept. Be the person you can live with."
Tahimik ang dalawa. Tumango si Nova.
"Kung ako, I'd tell myself... 'Grades don't define you. But they will still haunt you if you believe that's all you are.'"
Ngumiti si Luna, bahagyang mapait.
"I'd tell mine... 'Don't fall for someone who only loves your glow when it's convenient.'"
Nagtawanan silang tatlo kahit may halong sakit.
Gano'n sila. Gano'n ang trio nila.
They laughed. They cried. They roasted each other.
Because this trio?
They were more than friends.
They were each other's escape.
4:30 p.m. – Kyle's Journal Entry (never seen by anyone)
Today, I remembered why I hike.
It's not just to run away from the noise.
It's to remember who I was before the noise began.
Luna is chaos. Nova is peace. And I? I'm just a girl pretending I don't care when I care too much.
I care about Shane. I care about how he looks at me like I'm the only storm he can't control. I care about the way he clenches his jaw when he's worried but doesn't say a thing.
But if I stay still too long, I'll drown.
So I keep walking.
Even if the path ahead leads to something I'm not ready to face yet.
Sunday – 6:45 a.m.
Mt. Romelo, Last Day of Hike
Maagang gumising ang buong grupo. Malamig ang hangin—sapat para makalimot kahit panandalian sa init ng deadlines at expectations na naghihintay sa kanila pagbalik sa Mirem State University.
"Nova, may natira pa bang 3-in-1?" tanong ni Kyle habang inaalog ang basang buhok, kakaligo lang sa maliit na falls malapit sa campsite.
"Check sa front pocket ng bag ko," sagot ni Nova habang binabalik ang tent sa pouch.
Lumapit si Luna, tuyong-tuyo na ang buhok at suot ang oversized gray hoodie. "Uwi mode na?"
"Hmm. Back to reality," sagot ni Kyle. Pero may bahagi ng puso niya na ayaw pang bumalik.
7:22 a.m. – On the way down
Tahimik ang mga hakbang nila. Lahat pagod, pero may kakaibang peace sa mga mata nila. Habang bumababa ng bundok, napansin ni Kyle na hindi na siya bumibitaw sa hiking stick kahit simpleng trail lang. Ewan. May kaba siyang hindi maipaliwanag.
"Ky," bulong ni Luna, "nagtext si Shane kanina. Kamusta raw biyahe mo."
Napalingon si Kyle.
"Sinong sinabihan mong umalis tayo?" tanong niya, bahagyang iritado.
"Wala. Nag-post ka kasi sa spam IG mo... baka may nakakita. I swear hindi ako."
Hindi na siya sumagot.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, pilit binubura sa isip ang guilt na unti-unting gumagapang.
MSU CET Dean's Office – Sunday Afternoon
"Governor, this is the third time we've had a report involving Ms. De Guzman," sabi ni Dean Castillo habang binubuklat ang folder na may pangalan ni Kyle.
Tahimik lang na nakaupo si Shane sa harap ng desk, naka-cross arms, mata'y nakayuko.
"I understand, Sir," sagot niya, sa wakas.
"You're close to her, aren't you?"
Tumingala si Shane.
"I am."
"And you allow this behavior?"
"I don't. But Kyle is..." huminto siya, naghanap ng tamang salita, "...not broken. She just refuses to be bent."
Napabuntong-hininga ang Dean. "That girl will cost you your credibility."
Nag-clench si Shane ng panga. "She's worth more than that."
Naningkit ang mata ng Dean.
"Just don't let your personal involvement compromise your position, Fuentabella."
Tumayo si Shane. "I never do, Sir."
Sunday – 3:02 p.m.
MSU Dormitory, back from the trip
Pagdating ni Kyle sa dorm, saktong dumating din si Nova at humabol sa elevator. Pawisan, bitbit ang mga gamit, pero may ngiti sa labi.
"Back to hell," sabi ni Nova habang pinipindot ang button ng 4th floor.
Napailing si Kyle. "At least may good memories tayo."
"Sana 'yan na lang ang baunin natin palagi," sagot ni Nova.
Pagbukas ng pinto, nandoon na si Luna—naka-pambahay, may hawak na face mask at skincare pouch.
"Ky, tara, skincare night tayo. Para mawala guilt mo."
"Ang kulit mo," sagot ni Kyle habang tinatanggal ang sapatos.
"Admit it. May guilt ka."
"Siguro konti."
Tumaas ang kilay ni Luna. "Konti? Girl, Shane texted me asking if you were okay. Imagine what he texted you."
Umiling si Kyle. "Wala siyang sinabi."
Later that night – Shane's Dorm
Nasa gilid ng kama si Shane, hawak ang phone, nakatitig sa isang message.
From Kyle.
"I'm back."
Walang emoji. Walang dagdag.
Pero para sa kanya, sapat na iyon para kahit papaano... makahinga.
Nag-type siya ng saglit.
Did you get what you needed?
Then paused.
Hindi niya pinadala.
Kyle's Dorm Room – Same time
Nakahiga si Kyle sa kama, may earphones pero walang music. Puro white noise lang ng tahimik na kwarto at kalat ng sariling isip.
Tinitigan niya ang message na pinadala kay Shane. Simple lang. Walang drama.
Pero sa isip niya, ang dami pa niyang gustong sabihin.
"I'm back... but I don't know if I still belong."
"I'm back... but I still want to run."
"I'm back... but did you even miss me?"
Pero wala siyang naidagdag.
Umupo si Luna sa tabi niya, hawak ang facial roller.
"Alam mo, Ky, minsan, kahit ayaw mo ng commitment, hindi ibig sabihin wala kang pagmamahal."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kyle.
"Ang gulo n'yo ni Shane. Pero kita naman sa mata mo, sa galaw mo, sa mga kwento mo... mahal mo talaga siya."
Tahimik si Kyle. Hindi agad naka-react.
His words sank deep—simple, almost whispered—but they always disarmed her. They always did.
"Luna... what if I'm the kind of person who always leaves?"
"Then maybe," sagot ni Luna, "it's time you ask yourself why."