Chapter 05

2333 Words
#ESN05: Let me escape Freya Kassandra Floresca ~•~ "Hi," I greeted in a low timid voice. Zephyr gave me a confused look yet he still tried to show a smile. "Hi... what are you doing here?"  "Gusto ko lang ibigay sa ‘yo." Nahihiyang inabot ko sa kanya ang hawak kong isang maliit na box. "What's that?" Zephyr asked, simply staring at the box of cupcakes I was holding. Ayaw ba niya? "Cupcakes, ako nag bake," mahinang tugon ko dahil nahihiya talaga ako na pinuntahan ko pa siya dito sa bahay niya. I even searched for his f*******: account, and it was easy to find his account because he's in Joash's friends list. I delivered him a message, asking about his home address. Mabilis niya naman akong nireplyan nung nagchat ako. And I figured out that he's living with the same village where Biann lives. Magkatapat-bahay nga lang sila kaya 'di na 'ko nahirapan na hanapin 'to. Biglang kumunot ang noo niya pero 'di niya rin naman naitago ang guhit ng ngiti sa labi niya. "Ikaw talaga nag bake n'yan?" Tinuro pa niya ang hawak kong maliit na box ng cupcakes. Bakit kaya hindi nalang niya kunin sa 'kin? Nakakangalay kayang bitbitin at iabot sa kanya. "Oo nga. Tanggapin mo na." I held the box tighter and pushed it to his tummy. He laughed at that as he quickly took the box from my hands. "Para sa 'kin talaga?" He raised a brow. "Pinagbake mo talaga ako ng cupcakes?" Nang aasar ba siya o ano?  "Pwede bang mag thank you ka nalang?" sagot ko pero tumawa lang ulit siya. "Para saan nga kasi 'yan?"  Ang kulit naman nito. Nahihiya na nga akong magsalita panay tanong pa... “Ayaw mo ba?” Tinaas ko ang tingin sa kanya at nagtagpo ang aming mga mata. “Gusto. Tinatanong ko lang kung para saan.” He seems really serious about waiting for an answer to his questions, kaya naman naglakas loob na akong bumuntong hininga at ibinaba ko na ang tingin sa lapag. "Gusto ko lang mag sorry, dahil nadamay ka pa sa kalokohan namin ni Biann kaninang umaga sa garden... peace offering na rin dahil sa katarayan na inaasta ko sa 'yo," I answered, still looking down on the ground. "Hey," I heard him mumbled as he held my chin up to look at him. "Bakit ka mahihiya sa ginagawa mo? Ako nga dapat yung mahiya kasi nag abala ka pa talaga." Wala akong nasagot kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko. I wasn't comfortable approaching other people. Ever since I was a kid, I've already got my circle of friends and we stayed together until now. We never had new or different circles. We're capable of having each other— but of course we know how to be sociable, especially when it comes to our studies or school events. Pero yung ganitong parang nakikipagkaibigan ako sa iba? It's too awkward for me. Hindi ako sanay. “Basta nahihiya ako,” sabi ko nalang. Natawa siya at bahagyang sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Ang fluffy ng hair niya… parang ang sarap hawakan at laruin. "Thanks, Freya.” He gave me a smile. “Gusto mo bang pumasok sa loob? Kain tayo ng cupcakes mo? Or do you want some drinks?" he politely asked. Agad akong umiling. Wala naman akong balak magtagal dito. "Hindi na, thank you sa offer pero kailangan ko na rin umuwi agad." I still have to prepare the cupcakes I made for my friends. "Okay, just wait me here. Itatabi ko lang muna 'tong cupcakes ta's kunin ko motor ko, hatid na kita pauwi—" "Hindi mo naman ako kailangan ihatid. I'll take a transit," I answered because I still don't trust him enough to drive me home. I still haven't considered him as my friend. I really just needed to give him the cupcakes as a peace offering. Tumango naman siya. "Well then at least let me walk you to the bus stop." "Nasa kanto lang, oh. Panoorin mo nalang akong umalis." "Seriously, Freya Kassandra?" He slightly frowned. Hindi ko naiwasang matawa kasi para siyang batang nagtatampo. Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan ko na siyang samahan akong maglakad at maghintay ng public transit. He thanked me again before I entered the bus. I was at home in less than ten minutes.  I automatically felt nervous when I found out I forgot to lock our gate. At ngayong nasa tapat na 'ko ng bahay namin, halos manlaki ang mata ko sa kaba nang maabutan kong bukas ang pinto ng bahay. Imposibleng nakauwi na si ate dahil mamaya pa ang dating nun. Did I left the door open? Ang alam ko’y gate lang ng bahay namin ang nakalimutan kong saraduhan. Instead of being afraid that there might be some culprit inside of our house, I bravely entered only to see Lyrichael sitting on our couch, holding a piece of cupcake. "Lyrichael Finley," banggit ko sa pangalan niya nang hindi niya napansin ang presensya ko. Busy kasi siya sa panonood ng T.V habang enjoy na enjoy sa isang piraso ng strawberry cupcake. Nilingon niya ako. "Freya Kassandra Floresca," sagot niya habang nakangisi, nagawa pang iwagayway ang hawak niyang cupcake. "Anong ginagawa mo dito at bakit kinakain mo na 'yang cupcakes?” I pouted. “Surprise ko sana 'yan sa inyo,” I added. Tumayo siya at lumapit sa 'kin. "Edi kunwari nasurprise ako." Inakbayan pa niya ako. Sasagot pa sana ako ngunit napalingon ako sa pinto ng kusina nang iluwa nito ang isa ko pang kaibigan na si Josh Ashton Mancenido. "Bakit kasi hindi ka nagsasara ng gate 'pag umaalis ka? Paano nalang kung pasukin ang bahay niyo ng masamang tao? Tapos hindi pa naka-lock ang pinto. Freya naman." Striktong saad niya habang kumakagat sa hawak niyang chocolate cupcake. "Andito ka rin?" Wala sa sarili kong tanong na ikinatawa niya. "Ay wala, Freya. Wala ako dito, kaluluwa ko 'tong nakikita mo," sagot nito. “Siraulo.” Natatawang binato ko siya ng unan na kinuha ko sa couch namin. Kailan pa siya natuto mamilosopo? Nahawa na nga ata siya kay Krypton. Sa halip na matamaan siya ng binato kong unan, hindi niya iyon natanggap dahil mabilis siyang nakailag. May ibang natamaan sa likuran niya na mukhang kagagaling lang rin sa kusina ng bahay namin. “Gago, sinong nagbato ng unan? Muntik ko na tuloy mabitawan 'tong hawak kong cupcake, hindi ko pa naman natitikman!" Krypton quickly frowned. "Pati ikaw, nandito?" gulat na tanong ko. Hindi naman kasi sila madalas bumisita rito kasi ayaw ni ate. "Sorry if we came here without informing you. Absent ka kasi kanina, nag alala kami baka kung anong nangyari sa 'yo rito.” Narinig ko ang mala-anghel na boses ni Biann mula sa taas. Napatingala ako at nang makita ko siya sa hagdan namin, nag peace sign siya. Siguradong pumunta siya sa kwarto ko para mag hanap ng pagkakalibangan. Napailing nalang ako sa kanilang lahat at hindi ko rin naiwasang mapangiti. "Itataboy ko sana kayo kasi may tinatago akong surpresa sa kusina…” Nakangiting napailing ako sa kanila. “Pero dahil lahat naman kayo’y may hawak na cupcake na paniguradong kinuha niyo lang sa kusina, sira na ang plano kong isurprise kayo.” "Hindi naman talaga sana namin 'yan papakialaman pero ang kulit kasi ni Krypton. Sigurado raw siyang para sa 'min 'to kaya pinilit na niya kaming kumuha at kumain. Gutom na rin kasi kami,” Joash said before he took a bite of his cupcake. "Ang sarap nga ng lasa! Grabe, sana marunong din akong mag bake." Biann pouted. "Let’s just hangout for an hour. And look! A pillow on the floor, pick it up—" Hindi naituloy ni Lyric ang sinasabi dahil hindi magpapaawat si Krypton Wylan Demetrial. "Binato 'yan sa 'kin ni Freya! Hindi ko naman siya inaano.” Binatukan ni Biann si Krypton dahil sa sinabi niya. "Mahirap bang pulutin nalang yung unan at ibalik sa couch?" Nanunuyang tugon ni Biann sa kanya. Pinigilan ko ang sarili na matawa dahil agad umamo ang mukha ni Krypton kay Biann. At dahil palagi naman tiklop at tikom si Krypton pagdating kay Biann, agad niyang pinulot ang unan at maayos na ibinalik sa couch. "Thanks, Freya. I thought you'll never try to bake again..." Lyric said when I sat beside him on the couch. "Kasi ayaw ng ate mo, 'di ba? But it tastes so good, can you still bake something like this again? For me?"  Bago pa man ako makasagot, sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang bigla itong bumukas at sumalubong si ate na salubong agad ang kilay. "Freya! Bakit amoy cupcake?! Sinabi ko naman sa 'yo na hindi ka marunong gumawa n'yan! Nagsasayang ka ng rekado!" She furiously walked towards me while glaring at me. Her hands were about to reach my hair, upang sabunutan ako pero agad humarang si Lyric sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwag do’n. Doon lang napagtanto ni ate na kasama ko dito sa bahay ang mga kaibigan ko kaya bahagyang umawang ang labi niya, habang isa-isa niyang pinagtapunan ng tingin ang mga kaibigan ko. "Anong ginagawa niyo rito?” Bumalik ang matalim niyang tingin sa ‘kin. “Freya, sinabi ko na sa 'yo na ayoko ng bisita! Lalong lalo na ‘yang mga kaibigan mo!” Hindi ako sumagot. Mas mabuti pang hindi magsalita dahil kung sasagot pa 'ko, lalo lang lalala ang sitwasyon. Kaya iyon ang ginawa ko. Nanahimik. "Hindi naman alam ni Freya na pupunta kami rito kaya h'wag mo siyang sigawan, pwede ba?" malditang saad ni Biann habang nakaangat ang kaliwang kilay. "Bakit ba mainit palagi ang ulo mo?" Inis na tanong naman ni Krypton. Napansin ko namang napabuntong hininga si Joash. "We will only leave if you promise not to harm Freya." "Umalis nalang kayo. Ngayon na," madiin na sagot ni ate sa kanila. Halatang halata na ang galit sa bawat pagbigkas niya ng salita. At dahil ayokong madamay pa ang mga kaibigan ko sa galit ni ate sa 'kin, isa-isa ko silang tinignan at tinanguan; senyas na kailangan na talaga nilang umalis at iwan ako rito. Pero hindi sila sumunod. Nanatili sila sa kanilang pwesto.  “Umalis na kayo,” sabi ko. I don't want them to leave because I don't want my sister to have a chance to hurt me physically again. Sanay man sa ginagawa niyang pananakit sa 'kin, natatakot at nangangamba pa rin ako lalo na't sariwa pa ang mga sugat at pasa ko. Pero ayoko rin na madamay ang mga kaibigan ko kaya mas mabuting umalis nalang sila. My sister clenched her fist tightly as she could, tila pati ang ugat nito sa kamay ay bakat na bakat na dahil sa madiin na pagkakakuyom nito. Dagdag pa ang nakakatakot niyang titig sa mga kaibigan ko at do’n na ako tuluyang natakot sa ideya na baka pati ang mga kaibigan ko'y saktan niya. "Umalis na kayo, please..." salita ko ulit pero walang nakinig. Maingat na hinaplos ni Lyric ang likuran ko. "Lumabas na kayo,” sabi niya sa kanila. “Ako na ang bahala kay Freya.” Tumango ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Lyric bago sila lumabas ng bahay. "At bakit ka nagpa-iwan dito?” Natatawang tanong ni ate sa kanya. “Gusto mong mapanood kung paano ko bugbugin si Freya? Gusto mo bang makita kung paano ko siya paiyakin at ihampas ng basta basta sa bawat sulok ng bahay na 'to? Alam mo bang may mga sariwang sugat at pasa pa ‘yan sa katawan? That b***h is my punching bag.” Her laugh loudened into a devilish one.  Lyric’s face automatically darkened after hearing her words. "Bakit ko gugustuhin makita kung pwede ko naman siyang ilayo nalang dito?" Lyric answered and he quickly pulled me out of that house without any hesitation. Hindi kami pinigilan ni ate makalabas kaya hinayaan ko na ang sarili ko na sumama kay Lyric. Ayoko rin naman maiwan do’n. My bruises are still fresh on my skin. Ayoko na munang dagdagan ang mga sugat at pasa sa balat ko. Hihintayin ko munang gumaling ito bago ko muling hayaan ang kapatid ko na saktan ako. Maybe it's fine to escape from my abusive sister just this once. Babalikan ko pa rin naman siya. Babalikan ko ang bahay na 'yon. Babalikan ko ang ate ko. Hinding hindi ko siya iiwan kahit anong kasalanan pa ang gawin niya sa 'kin. Malawak ang pang unawa ko sa kanya.  Agad akong niyakap ni Lyric nang makalayo na kami sa bahay. Huminto kami sa isang bus stop ng village namin.  "Totoo ba ang sinabi niya? Sinasaktan ka niya ng gano’n?" Kalmado ngunit pansin ko ang nagtatagong galit sa kanyang boses. Hindi ako nagsalita. Hindi ako magsasalita. "You can stay at our house, my parents will surely understand," he offered. Umiling ako. Bumitaw na rin 'ko sa yakap. "Ihatid mo nalang ako kina Biann. Doon nalang ako, baka kung ano pa ang isipin ng magulang mo kung sa inyo ako magpapalipas ng gabi." Dahan dahan siyang tumango sa sinabi ko. Hindi niya inalis ang tingin sa 'kin kaya tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ko, dahil sa bawat titig niyang halatang may awa at lungkot sa emosyon. Ayoko ng kinakaawaan. "Lyric... you're my best friend, right?" I asked and he quickly nodded. I faked a smile. "Promise me that you'll never tell our friends about what my sister told you. Ayokong mag alala sila. Ayokong magalit kayo kay ate dahil kapatid ko parin 'yon.” I sighed and added, “Mahal na mahal ko si ate... sana maintindihan mo 'yon." Hindi ako nakakuha ng sagot sa kanya. Binigyan lang niya ako ng isang mahigpit na yakap. Tuluyan na akong naiyak sa dibdib niya dahil sa yakap niya. It was a comforting warm hug. He even kissed the top of my head and whispered lots of comforting words while I just let my emotions burst out. ~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD