bc

Wild For Her (Book 2 Of 30DOFLWMNS)

book_age18+
136
FOLLOW
1K
READ
HE
friends to lovers
heir/heiress
sweet
bxg
campus
model
wild
like
intro-logo
Blurb

Labis-labis ang kasiyahan ni Aiana dahil natupad na ang palagi niyang dinarasal sa itaas na sana ay muli na niyang makapiling si Claidy na akala niya ay patay na.

Kinasal sila at sa limang taon na pagsasama nila, lungkot at panlalamig ang naramdaman niya. Akala pa naman niya ay kapag nakasama na niyang muli ang kaniyang sinisintang si Claidy ay babalik na ulit ang dating mainit nilang pagmamahalan, pero iba ang nangyari. Hindi ito sweet sa kaniya at ayaw din nitong makipag-s*x sa kaniya.

Hanggang sa magulat si Aiana dahil may nakita siyang kamukhang-kamukha ni Claidy sa Sagada. At ang nakakagulat pa ay nakatira lang ito sa likod ng bahay nila roon. Sa kubo na kung saan ay una niyang narinig ang boses nito. Nakilala niya ito sa pangalang Astin. Si Astin na may girlfriend na. Simula nang makilala ni Aiana si Astin ay palagi na silang nagkikita nang palihim sa looban ng gubat ng Sagada na kung saan ay mayroong magandang waterfalls.

Pakiramdam ni Aiana ay nachi-cheat na siya sa asawa niya dahil mas gusto niyang kasama si Astin na para talagang kakambal ni Claidy. At nang tumagal ay bumigay na rin siya kay Astin. Gusto siya nito at gusto na rin niya ito. Mas naibibigay kasi ni Astin ang init na dati pang gustong-gustong maramdaman ni Aiana kay Claidy. Nagtataka lang siya dahil parang si Astin ‘yung dating Claidy na minahal niya. Ang pagka-wild nito kasi kapag nagse-s*x sila ay parang ‘yung Claidy na hindi pa naaaksidente.

Sino nga ba si Astin? At bakit pakiramdam ni Aiana ay ito ang totoong Claidy at hindi ang Claidy na pinakasalan niya limang taon na nakakalipas?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Aiana’s POV Kakauwi lang ni Claidy galing sa isang shoot para sa commercial ng sikat na clothing brand. Sinabi niya sa akin na I-ready ko ang banyo at maliligo siya. Kaya naman habang kumakain siya sa ibaba ay tumaas na ako para pumunta sa banyo namin. Pagdating sa loob ng banyo ay binuksan ko ang gripo sa bathtub para punuin ‘yun. Nang mapuno ay nilagyan ko na ito ng bubble bath. Sakto paglabas ko sa banyo ay narito na siya. “Salamat, Lovey,” sabi niya sa akin. Nilagpasan niya ako at hindi manlang niyakap o hinalikan, gaya nang ginagawa niya noong wala pa kaming anak at kasalukuyan pa lang kaming mga binata at dalaga. Limang taon na ang nakakalipas simula nang ipanganak ko si Cai. Limang taon na rin ang nakakalipas nang makapiling ko siyang muli. Ang saya-saya ko nang malaman kong buhay siya, pero nang bumalik naman siya sa piling ko ay parang wala rin. Ang laki nang pinagbago niya. Siguro ay dahil nga ang lakas nang pagkakatama ng ulo niya sa mga batong binagsakan niya sa bangin. ‘Yun na lang ang pinanghahawakan ko kaya nagtitiis ako sa mga pag-uugali niya sa akin ngayon. Ang mahalaga naman ay narito siya at buo kaming pamilya. Pagkatapos niyang maligo ay hinihintay ko na siyang mahiga sa kama. Susubukan ko kasing akitin siya ulit. Pagbukas ng pinto ay tinignan ko siya nang malagkit. Agad naman niyang nakuha ang gusto kong mangyari. “Sige, tumayo ka,” utos niya kaya nanlaki ang mga mata ko. May kinuha pa siya sa bag niya. Tali ‘yun kaya nagulat ako. Tinali niya ang mga kamay at paa ko nang paupuin niya ako sa sofa. “Wait, pagbibigyan mo na ba ako?” tanong ko sa kaniya habang malapad ang ngiti. “Oo, para matigil ka na. Para hindi ka na reklamo nang reklamo at sabi nang sabi sa kung sino-sino na hindi manlang ako nalilibugan na sa ‘yo ngayon,” sagot niya na parang inis pa. Ang bango niya at ang fresh kaya masarap siyang kainin ngayon. Sa wakas ay mukhang matitikman ko na ulit ang malaki, mataba at mahaba niyang kargada na limang taon ko nang nami-miss matikman. “Teka, hindi manlang ba ako maghuhubad? Saka ano ito, bakit tinali mo ako? Anong pakulo ito, Claidy?” tanong ko sa kaniya. Tila may pinangggayahan pa ata siya sa mga movie na napapanuod niya. Pero, bet ko ito. Bago niya atang pakulo ito e. “Puwede ba, itikom mo na lang ang bibig mo at manuod ka na lang sa akin. Mabuti nga may gagawin na ako eh,” sagot niya at saka na siya nagtanggal ng mga saplot matapos itali ang kamay at ang mga paa ko. Sa limang taong na lumipas, ngayon ko na lang ulit siya makikitang hubu’t hubad. Ang laki ng katawan niya at tila mas lumaki pa ngayon. Pero nag-init agad ako dahil sa wakas, makakatikim na ulit ako ng s*x sa kaniya. Simula kasi nang ipanganak ko ang anak naming si Cai ay wala pa kaming nagiging s*x. Kapag inaaya ko siya, palagi niyang sinasabi na pagod siya at wala sa mood. Minsan, naiiyak na lang ako. Minsan, parang gusto ko na lang mag-cheat sa kaniya at maghanap na lang ng iba na magpapaligaya sa akin. Kahit kasi makipag-bonding manlang siya sa anak naming si Cai ay wala siyang oras. Puro siya work, kung ‘di naman ay gumagala lang kasama ang mga bago niyang kaibigan, mas marami siyang oras sa labas. Parang binata nga eh, at may bali-balita na nagkikita rawa sila ni Tanya. Hindi naman ako naniniwala dahil alam kong ayaw na niya sa babaeng ‘yun. Pero ngayon, masaya ako dahil heto, mukhang bumabawi na siya sa akin. Nang maging hubu’t hubad na siya ay tinitigan kong mabuti ang buo niyang katawan. Ang sexy at parang…parang tumangkad talaga siya. Ang ganda ngayon ng hubog ng mga bycep at dibdib niya. Ganoon din ang mga pandesal sa tiyan niya. “Ang hot ang sarap mo na pala lalo ngayon, Lovey,” puri ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Unti-unti na kasing nilalaro ang ari niya sa harap ko. Napapangiti ako dahil na-miss ko ito. Kaya lang…bakit parang hindi na ito gaya ng dati? Parang medyo lumiit? Siguro ay dahil matagal-tagal siyang walang s*x. Siguro nga. “Lumapit ka sa akin at isusubo ko ‘yan, Lovey,” sabi ko sa kaniya. Tinutulungan ko siyang mag-init dahil parang walang nangyayari kahit kanina pa niya nilalaro ang kaniya. “Huwag na, manuod ka na lang diyan, ako nang bahala para mag-enjoy ‘yang mga mata mo,” sabi niya kaya napanganga ako. Teka, ibig sabihin ay walang s*x na mangyayari? “T-teka, hindi tayo magse-s*x? Kaya mo ba ako tinali ay para panuorin ka lang diyan?” tanong ko habang nakasibangot. Napakamot siya ng ulo. “Oo, pasalamat ka na nga at heto at gumagawa na ako nang kalibugan sa iyo. Pagpasensyahan mo na ako. Alam mo naman kung gaano kahirap ang dinanas kong pagpapagaling sa ibang bansa. Ngayon lang ulit ako nagiging ganito kaya dahan-dahanin natin, Aiana,” sagot niya. “Lovey, limang taon na ang lumipas ah. Magaling na magaling ka na. Nakakapag-gym ka na nga eh. Palagi na lang ganiyan ang dinadahilan mo sa akin. Kinasal nga tayo, pero parang wala rin dahil hindi ko na dama ‘yung dating ikaw, ‘yung mahal na mahal mo ako. Dati naman halos hilingin mo pa sa akin na dalawang round ang gawin natin sa tuwing nagse-s*x tayo. Lovcey, ang laki na talaga nang pinagbago mo, nalulungkot talaga ako sa bagong ikaw.” Hindi ko na napigilang mag-open sa kaniya ng nararamdaman ko. “F*ck! Paano pa ako titigasan nito kung nagdadrama ka na naman! Alam mo, saka na lang nga nating gawin ito. Ang totoo, pagod ako ngayon, hindi ko talaga kayang makipag-s*x pa sa ngayon, pasensya ka na,” sabi niya at saka na ito nagbihis ng damit niya. Gaya ng dati, ganoon na naman ang nangyari. Ganoon na naman ang dinahilan niya. Parang hindi na nga niya talaga ako mahal. Hindi ko na dama ang dating siya. Simula nang gumaling siya mula sa pagkaka-comatose dahil sa aksidente niya sa Sagada, ganito na ang naging ugali niya. Parang ibang tao na siya. ** “Oh, gabing-gabi naman ang gala mo rito, anak?” salubong sa akin ni Mommy Flavia pagdating ko sa bahay nila. “Nag-away na naman kayo ‘no?” tanong pa niya. Alas otso na ng gabi kaya inaasahan kong magugulat siya. “Anong ulam ninyo, Mama?” tanong ko na lang. Hindi ko na siya sinagot at paulit-ulit na lang din kasi ang sinasagot ko sa kaniya. Saka, alam naman na niya agad kapag nagpupunta ako sa bahay nila, lalo na kung gabi pa. Kapag nandito ako, galit at nag-away kaming dalawa ni Claidy. Isa pa, ayokong makatabi sa pagtulog ngayon si Claidy at sigurado akong tatalikuran niya lang ako buong magdamag. Ang sakit lang sa pakiramdam na parang araw-araw niyang pinaparamdam sa akin na parang wala lang ako sa kaniya. “Adobong manok at sinigang na baboy,” sagot niya habang nakasunod sa akin. “Si Cai nga pala? Nasaan siya, bakit hindi mo kasama?” tanong naman niya. “Kinuha kaninang umaga nila Ate Fia at Morgan,” sagot ko. “Magpupunta ata sila sa amusement park, pinasama ko na at busy rin ako sa work ko,” dagdag ko pa. Pinaghain ako ng mga kasambahay dito. Habang naghihintay naman ako sa food ko ay nakatitig sa akin si Mommy. “Kung hindi ka na mahal niyang si Claidy, kung nanlalamig ka na, tanungin mo siya para kung ayaw na niya talaga sa iyo ay maghiwalay na kayo hanggang bata-bata ka pa. Anak, ayokong nakikita kang ganiyan. Sa totoo lang, ayoko rin naman talaga sa Claidy na ‘yun. Ang laki talaga nang pinagbago niya ngayon. Dati, sobrang bait at masiyahin siyang bata noong madalas silang gumala rito nila Morgan. Halos parang mama na nga ang tingin niya sa akin, pero ngayon, kung ano ang pinaparamdam niya sa iyo, parang ganoon din sa akin. Para bang walang pakelam na manugang niya ako.” “Mommy, limang taon na kaming nagsasama. Sanay naman na ako kaya hayaan mo na lang kami, paubaya mo na sa akin ang problema namin at problemang mag-asawa naman ito,” sabi ko na lang sa kaniya. “Eh, ano ba naman ‘yung maglaan siya ng isang buwan na bonding ninyong buong pamilya. Parang kailangang-kailangan niya ng pera at ni isang linggo ata ay hindi manlang mag-day off sa trabaho. Ang dami-dami na ninyong pera, tapos siya parang gusto atang punuin ng pera ang buong bahay ninyo. Ang weird lang, pakiramdam ko tuloy ay nagchi-cheat na talaga siya sa iyo.” “Hindi po magagawa ‘yan ni Claidy, Mommy. Pagod lang nga siguro ‘yung tao.” “Kaya nga sabihin mo mag-day off para makapag-bonding naman kayo, jusko, Aiana, sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa!” pangungulit pa niya. Kung makulit na si Mama Ana, mas makulit pa pala itong si Mommy. Sabagay, sa kaniya nga talaga ako nagmana, lalo na ang apo niyang si Cai. “Mommy, please, gutom na ako, kakain na muna ako at mamaya na ‘yan.” “Sorry, sige na, kumain ka na diyan at ipapaayos ko ang kuwarto mo at baka malibag.” Napabuntong-hininga na lang ako pag-alis niya. Nilapag na sa lamesa ng mga kasambahay naming dito ang mga pagkain ko kaya kumain na ako. Habang kumakain ako, isip-isip ko kung dapat na ba akong mag-imbestiga sa kaniya. Kasi, ayoko kasing malaman niya na pasusundan ko na siya para malaman ko kung nagchi-cheat siya. Baka kasi kapag nalaman niya ‘yun at nagkamali lang ako at wala naman talaga siyang ibang babae ay baka maging mitcha pa ‘yun nang paghihiwalay namin. Pero kasi inuudyukan na rin ako nila Ate Fia, Morgan at Coi na pa-imbestigahan ko na ang mga lakad niya. Naniniwala na rin kasi sila sa mga bali-balita na baka may ibang babae na ito. Isang buntong hininga na naman tuloy ang pinakawalan ko. Lovey, sorry, pero ang dami nang nag-uudyok sa akin. Para sa ikakapanatag ng loob ko, sige, aalamin ko na kung ano ang totoo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook