"Suotin nyo po muna ito." Ibinigay ko sa Ina ni Elias ang isang damit at long pants kasama narin ang undergarments. Malugod naman nyang tinanggap ito saakin. "Salamat Juanna." Tinuro ko naman ang comfort room kung saan sya pweding mag bihis. Agad naman syang pumusok doon. Sa tingin ko naman ay alam na nya ang gagawin. Katulad ni Elias ay nagka relasyon din sya ng isang tao. Lumapit ako kay Elias na ngayon ay nakatitig lamang kay Mang Rico na ngayon ay hindi parin gumigising. "Kamusta si Mang Rico?" "Maayos ang kalagayan nya." Naupo naman ako at tumitig lamang sa seryusong mukha ni Elias. "Ikaw ayos ka lang ba?" Hindi ko na napigilang mag tanong ng mapansin kong titig na titig lang si Elias kay Mang Rico. "Iniisip ko na sana ako nalang ang naging anak ni Mang Rico para hindi na masakta

