Kabanata 23

2280 Words

Magka hawak kamay kami ni Elias na nag lalakad sa dalampasigan ang sabi nya ay gusto raw nyang malayang malanghap ang amoy ng dagat. Hindi man aminin ni Elias ay alam kong gusto na nyang bumalik sa Acantharea. Tinanong ko na sya tungkol doon ngunit ang sinagot nya lamang saakin ay kung nasaan daw ako ay nandoon lang din daw sya. "Ano ang bumabagabag sa iyong isip mahal?" Napa lingon ako ng mag salita si Elias. "Naiisip ko lang kung makakabalik ka pa ba sa kaharian nyo. Sigurado akong nananabik kana sa iyong Ina." Ngumiti lamang sya saaakin at inayos ang buhok kong napunta sa mukha ko dahil sa pag ihip ng hangin. "Wag kang mag alala, palagi kong nakakausap si Ina gamit ang aking isipan. Malapit lang tayo sa dagat kung kayat alam kong nandiyan lang si Ina." Tumango naman ako sa sinabi nya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD