"Sino si Dominick? Bakit tila takot na takot ka na makita sya?" Iyong agad ang tanong ni Elias saakin pagka pasok namin sa kwarto ko. "Si Dominick ang dati kong kasintahan." Nakita ko ang pag kuyom ng kamay ni Elias at ang pag tiim ng panga na kaya naman agad kong hinawakan ang magkabila nyang pisngi. "Matagal na kaming tapos. Wala na kaming relasyon mahal." Pag papatuloy ko pa ngunit hindi parin sya ngumiti. Mas lalo pang kumunot ang kanyang noo. "Kung gayon bakit ka nya sinusundan? Anong pakay nya sayo?" Naalala kong hindi ko pala na kwento kay Elias ang tungkol kay Dominick. Minsan kasi ay nakakalimotan kong sabihin sakanya dahil para saakin kasi ay hindi naman iyon mahalaga. Pero parang ito pa yata ang pag aawayan namin ngayon. "Hindi ko alam. Ang sabi nya gusto nyang makipag balika

