Maagang ginising ni Lydia ang anak na upang magpaalam na sila ay magpupunta na sa laot. Madaling araw iyon kaya naman hindi pa agad bumangon si Dyosa. Nang makita na ni Dyosa na malapit na ang bukang liwayway at saka lamang siya nagprepara ng gamit, kape na tig-dadalawang piso lang at tig-pisong asukal na parehong nakalagay sa garapon ng mayonnaise na walang laman. Hinati niya pa ang kape at asukal upang may magamit siya sa susunod na araw, inilagay niya ito sa plastic na baso dahil wala naman silang matinong baso para sa kape saka siya naglagay ng kaning lamig na galing sa kaldero nilang panay uling na.
Buti na lang talaga at nakapag-init na ng tubig ang Nanay niya bago umalis dahil mahihirapan pa siyang magsiga ng apoy dahil sa malamig na temperatura sa gilid ng dagat. Minadali na niyang ubusin ang almusal at saka kinuha ang mga timbang dating lalagyan ng biscuit, maswerte nga siya ngayon dahil ibinigay sa kanila ng kapit bahay ang dalawang timba na ito na pinaglagyan ng mga biscuit na ibinibigay pag may lamay. May magagamit na si Dyosa kahit papaano na pang-igib sa poso ng kapitbahay. Dahil payat at kulang sa nutrisyon ang katawan ni Dyosa ay hirap siya sa pagbubuhat ng mabibigat na trabaho, pero kailangan niyang kayanin dahil hindi siya uunlad kung ganitong lampa siya, ayon nga sa Tatay niya.
Habang nag-iigib ay panay ang tingin niya sa karagatan kung paparating na ba ang kaniyang mga magulang, medyo madilim pa ang kapaligiran at kokonti pa ang mga taong nag-aabang ng kanilang mga kakilala na mangingisda na dumaong.
“Ang tagal naman nina Nanay, mamaya paparating na naman ang mga nag-ootsung.” Nakasibangot niyang pahayag. Hindi na muna siya naligo at inabangan ang pagdating ng mga magulang sa mahigit limang oras na pangingisda. Ang sabi kasi ng Tatay niya ay dalawang beses daw silang lalaot ngayong araw upang may ipangbayad sa bumbay na pinagkaka-utangan. Malagkit pa naman din tumingin ang bumbay sa kaniya.
Maya-maya pa ay nakita na niya ang maliit na bangkang pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Kumaway siya at tumakbo sa pang-pang upang salubungin ang mga magulang.
“Mukhang maganda ang huli ngayon, Tay’, Nay!” natutuwang pahayag niya habang tintignan ang lambat ng amang puno ng iba’t-ibang klase ng isda.
“Ay Oo Anak! Medyo marami-rami din ang nakuha namin ng tatay mo. May nakuha ding dalawang alimango ang pain na iniwan namin ng tatay mo kahapon, iyon ang uulamin natin mamaya, kaya umuwi ka ng maaga.” Payo ng Nanay niya na tuwang-tuwa sa kanilang huli, nakita niya ang pagdating ng ilang kapitbahay nila upang kamustahin ang kanilang huli. May iba pang nakihingi ng mga maliliit na isdang pang-paksiw man lang daw, ang iba naman ay binibili sa mas maliit na halaga ang lahat ng huli ng Tatay ni Dyosa.
“Naku pasensya ka na Ador! Nakapagsabi na kasi ako sa tinderang nakilala ko sa palengke na bibilhin niya daw ang huli ko. Hayaan mo at ipagkukuha kita ulit sa susunod na pangingisda ko.” Magalang naman na sagot ng Tatay Nanding niya.
“Ganoon ba pare? Naku sayang naman at naghahanap pa sana ako ng kikilawin ko ngayong araw. Birthday kasi ni Adrian iyong pamangkin kong kaklase nitong dalaga mo, naisip ko kasing magpainom total ay 17 na niya. Sige subukan ko na lang na magtanong sa iba pang mangingisda.” Pahayag naman ng lalaki na hindi na ipinilit pa ang pagbili ng mga isdang nahuli ng kaniyang tatay. Sinamahan lang ni Dyosa ang mga magulang na magbuhat ng mga kagamitan nila, wala siyang pake kahit malansa ang mga iyon. Ang mahalaga ay may pera sila sa araw na ‘yun.
“Nak’ maligo ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. Dadaan na lang kami ng tatay mo sa iskul mo para ihatid ang baon mo ha? Ibebenta pa kasi namin ang mga huli nating isda eh.” Sabi ng kaniyang ina. Agad namang tumalima si Dyosa at nagpunta na sa kanilang palikuran na gawa sa yero at sako. Gamit ang sabong panlaba ay kinuskos niya ng maigi ang sarilj upang mawala ang lansa, nagmumog na din siya kanina ng asin bago sunduin ang magulang kaya naman pagsabon at pagshampoo na sabong panlaba lang din ang kaniyang ginawa.
“Nay, Tay. Pasok na po ako.” Paalam ni Dyosa na nasa labas na ng kanilang kubo. Abala naman ang nanay at Tatay niya sa labas din ng bahay na nag-bubukod ng mga nakuhang isda.
“Sige, mag-ingat ka anak!” iyon lamang ang sagot ng kaniyang magulang at saka na siya nag-umpisang maglakad patungo sa eskwelahan, hindi na siya nag-abalang sunduin si Hannah dahil baka tulog pa iyon. Madalas kasi na huli ng pumasok si Hannah dahil ka-late night talk niya daw ang jowa niyang nakilala lang sa f*******:.
Mahigit 15 minutos kung lalakarin mula eskwelahan hanggang sa bahay nila, kahit nahihirapan sa paglalakad dahil sinusuportahan niya ang kaniyang bag na sira-sira. Maging ang tsinelas niya sa eskwela ay manipis na din at pudpud na, nakikita niya nga sa TV nina Hannah si Korina ‘yung host na nagbibigay ng libreng tsinelas, hindi maiwasan ang mainggit sa mga binibigyan. Bawat hakbang niya ay naka-alalay lamang siya, ng bigla ay may bisekletang muntikan ng sumagi sa kanya, mabato ang daan kaya hindi talaga maiiwasan na matalisod siya at maputol ang strap ng tsinelas niya. Paika-ikang naglakad si Dyosa papunta sa may lilim upang kumpunihin sana ang naputol na tsinelas kaso hindi kinaya.
“Hala, magagalit si nanay dito. Wala pa naman kaming masyadong pambili, ang tanga naman kasi nung nagba-bike.” Kakamot-kamot ang ulo na reklamo niya sa sarili. Napagdesisyunan niya na lamang na dalhin ang tsinelas at nagpaa-paang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa eskwelahan. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makaupo na sa silya sa tapat ng kanilang nakasaradong paaralan.
Pilit niya pa ring inaayos ang sirang tsinelas hanggang sa magsidatingan na ang kaniyang mga kamag-aral.
“Itapon mo na lang ‘yan Dyosa, gusto mo ba bilhan na lang kita mamaya sa palengke?” tanong ni Adrian na umupo sa tabi niya. Ngumit lang naman ang dalaga at mahinhing umiling.
“Naku, nakakahiya naman Adrian. Pwede pa naman ito, palalagyan ko na lang ng alambre sa tatay.” Kiming sagot niya. Hinila naman ng lalaki ang kamay ng dalaga at pinilit na agawin ang tsinelas na nagkandaduling-duling na si Dyosa sa pag-sasaayos.
“Akin na nga, ibalik ko sa’iyo ito mamaya bago matapos ang klase.” Pagkasabi na pagkasabi ng binata ay sakto naman na binuksan na ng tagapangalaga ng paaralan ang pinto ng kanilang silid aralan. Nahihiya man si Dyosa ay hinayaan niya na lang ang maligalig na binata, sa katunayan ay nagpaparamdam na ito dati pa na gusto niyang ligawan si Dyosa, hindi nga lang mapalagay ang loob niya dito kahit na lumaki silang magkasama.
“Birthday mo daw ata ngayon ah? Happy birthday Adrian, nakakahiya dahil wala man lang akong maibigay sa’yo.” Mahinang sambit ni Dyosa, natawa naman ang binata habang inalalayan na makaupo sa kahoy na silya.
“Sagutin mo na lang ako, oks na sa akin ‘yun!” Walang hiya-hiya namang sagot ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Dyosa, natutup niya pa nga ang bibig at napatingin sa mga lalaking kaibigan ni Adrian na nag-uumpisa ng mang buyo.
“Hala! Bawal pa daw ‘yun sabi ng tatay ko. Madodospor-dos niya daw ako pag nalaman niyang may kasintahan na ako.” Sagot niya, kinurot naman ng binata ang ilong niya.
“AHAHHAHA, nakakatuwa ka talaga Dyosa. Syempre joke lang iyon, pero pwede din namang totohanin natin.” Halos matampal naman siya ni Dyosa, agad naman na binawi ni Adrian ang kaniyang sinabi.
“Biro lang ulit, aantayin kita hanggang sa huling patak ng regla mo HAHAHAHAHA.” Nagtawanan naman ang mga nakarinig habang nanatiling masama ang tingin ng dalaga sa malokong binata. Ayaw niya talaga ang hambog na ito, sasakit lang ang ulo niya kung naging kasintahan niya ito.
Samantala, sa isang bahagi na isla kung saan ay malayo mula sa tagong bayan nina Dyosa ay mayroong isang anak ng mayamang Don mula sa italya na meroong ilang negosyo na pinapatakbo sa Pilipinas na nakatakdang magdiwang ng kaniyang ika-25 na kaarawan kasama ang ilang mga kakilala at kaibigan sa Pilipinas. Nakatakda itong ganapin sa isang pribadong barko na pagmamay-ari din ng pamilya, ang Cinquanta Cruise Line. Alas onse na ng umaga ay tulog pa rin si Spencer sa kaniyang inokupang kwarto, may katabi siyang isang blonde na babae, parehong hubad ang dalawa at puyat mula sa ginawang kababalaghan mula sa kaniyang pre-birthday celebration kagabi.
Lingid sa kaalaman ni Spencer ay may masamang binabalak ang ilang mga bayarang kalalakihan na nakapasok sa barko upang gawan siya ng masama sa araw na iyon.
“Make sure that you’re able to kill that bastard.” Utos ng nasa linya sa lalaking nakamanman lamang sa labas na kwarto ng binata.
“Ayos lang naman Ma’am, basta sigurado na ang kabuoan ng bayad mo sa amin pagkatapos ng gabing ito.” Nagbabanta ding tugon ng lalaking may malaking pangangatawan, nasa likod niya ang ilang kasamahan sa pagtatangka kay Spencer.
“Of course! Nagbigay na nga ako ng pauna sa’inyo. Basta siguraduhin niyo lang na mawawala na sa landas ko ang lalaking ‘yan, babayaran ko kayo sa oras na sigurado na akong nagawa niyo na ang ipinag-uutos ko! Balitaan mo na lang ako mamayang gabi, at ihahanda ko na ang ibabayad ko sa inyo.” Matapos noon ay ibinaba na ng kausap ang telepono. Ngingisi-ngisi lamang ang mga kalalakihan habang humihithit ng tabako.
“Hayaan na muna natin si totoy na magpakaligaya sa pain natin, dahil mamaya na ang huling paghahatol natin sa kanya.” Pahayag ng lalaking may mas malaking pangangatawan sa kumpol ng kalalakihan. Tumawa naman ng malakas ang pinaka maliit sa grupo.
“Nakow! Hindi na ako makapag-antay sa ibibigay ni Madam sa atin mamaya. Tiba-tiba na naman tayo nito.”
“Ibang klase din ‘yang si boss, ganid sa kapangyarihan masyado. Gusto lahat masolo.” Segunda pa ng isa na payat.
“Wala tayong magagawa, pasalamat na lang tayo at may raket tayo ngayon dahil sa mga maduduming laro ng mga mayayaman na iyan. Ha! Ibang klase.” Sagot ng nagsisilbing leader. Ngumisi na lamang ang iba at hindi na nagsalita pa, naghiwalay-hiwalay sila base sa plano na kanilang isasakatuparan mamayang gabi.