bc

THE MASTER'S GAME PLAN [FILIPINO]

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
dark
HE
friends to lovers
brave
mafia
heir/heiress
drama
sweet
bxg
kicking
city
musclebear
like
intro-logo
Blurb

When the protector of the law became the protector of the lawless.

---

Gian Villareal, an operative of the Special Enforcement Services, has completed his mission and is ready to go home.

But he takes one last assignment: Protect the heiress of the province's most powerful man for thirty days.

It pulls him into a deadly game controlled by the lawless, where the Master makes the rules and the game makes him the target.

Once an asset defending the law, now a liability protecting the lawless.

To survive, he must play the Master's game.

After all...

Power isn't given. It's orchestrated.

chap-preview
Free preview
INTRODUCTION
MONDRAGON WAREHOUSE 7:00 PM... Bumabaha ang mapusyaw na liwanag mula sa itaas ng bubong, humihiwa sa dilim na parang talim. Lumulutang sa sinag ang alikabok. Amoy-kalawang at langis ang hangin, may halong asin mula sa dagat na dumidikit sa balat. Limang trak ang nakaparada, mainit pa ang mga makina sa loob ng naturang bodega. Tahimik na kumikilos ang mga tauhan. Nag-iinspeksyon sa bawat kahon. Mahinang yabag sa semento. Walang nagsasalita. Alam ng lahat ang bawat salita ay may katumbas na panganib. "Thank you for coming, Mr. Tang." Malugod ang bati ng matandang lalaking naka-puting amerikana. Inabot ang kamay, kumislap sa liwanag ang singsing sa daliri, at agad iyong tinanggap ng kausap. "Of course! It's you, Mr. Mondragon!" tugon ng matandang intsik na naka-itim na tuxedo, may ngiting hindi umaabot sa mga mata. "Marco," utos niya nang hindi lumilingon, "secure the area." Tumango ang kanang-kamay. Sampung tauhan ang sumunod dito, at nilamon ng dilim sa likod ng bodega. Nagtagal ang tingin ng kausap sa direksyong iyon. "We're making sure the place is safe," paliwanag niya. "Yes, right. Thank you." Gamay na ng matandang Mondragon ang ganitong kalakaran sa loob ng walong taon. Alam ang amoy ng panganib, at ngayong gabi ay may bahid iyon sa hangin, mahina ngunit naroon. Lumingon siya sa likuran. "Where's Dave?" "Umalis, boss." "Ang attaché case?" Walang sumagot. Nagpalitan ng tingin ang mga tauhan. Walang dala ang sinuman sa kanila. Bumigat ang hangin. Sinuyod ng mga mata ang bawat sulok, bawat anino sa pagitan ng mga sasakyan, subalit wala ang hinahanap. "Si Simon?" "Papunta sa likod ng bodega, boss." "Hanapinsi Villamayor," matigas at mariin niyang utos. "Yes, boss." Sa likod ng bodega ay tahimik na nagliliparan ang mga suntok at sipa ng dalawang lalaking walang paaawat at walang magpapatalo! Isang naka-black tuxedo at isang nakaitim lahat na sinapawan ng black leather jacket ang pasipa mula sa ere ay nasangga ng kamay ng kalaban nito ngunit hindi ang kamao na tumama sa mukha. Bumagsak ang naka-tuxedo, sumubsob ang likod sa lupa, at lumipad ang alikabok sa harap nito. Sa malawak na espasyo ay hindi mapalagay ang matandang Mondragon lumilipas ang bawat minuto subalit wala pa rin ang tauhan. Pumipintig ang litid sa kanyang leeg. Dumadaloy ang malamig na pawis mula sa batok maging sentido. Palapit na ang kanang-kamay na si Marco. "Malinis, boss." Ang salitang malinis ay tila isang bomba sa kanyang pandinig dahil hudyat na oras na ng bayaran ngunit wala pa rin ang may dala! "Where is the money, Mr. Mondragon?" Malamig na untag ng kausap na tila nauubusan ng pasensiya. "Please wait a little bit, Mr. Tang." "What are we waiting for?" Natahimik siya at hindi masabing may problema. Muli niyang nilibot ng tingin ang paligid, matalim na ang mga mata sa lahat subalit wala ang hinahanap. Napatid ang pasensiya ng matandang Mondragon. "WHERE IS VILLAMAYOR? FIND HIM!" Umalingawngaw sa buong paligid ang kanyang sigaw. Natahimik ang lahat habang alerto ang mga tauhang hawak ang mahahabang armas. Nawawala ang pera! Kapag hindi sila nakabayad ay alam na niya ang mangyayari! Nagkasahan din sa magkabilang panig. Kasing-lakas ng kabog ng kanyang dibdib ang bawat tunog ng baril. "Where is the money!" Naglaho na ang ngiti sa labi ng intsik. Itinaas niya ang isang kamay nanginginig ang mga daliri subalit pilit pinatatatag bilang pagpapakalma ng sitwasyon at maghintay pa ng ilang sandali. Nagtitiim ang bagang, matalim ang tingin sa bawat sulok. Ayaw maniwalang kaya siyang tablahin ng isa pang pinagkakatiwalaan: Ang kanyang kaliwang-kamay. Ito rin ang tumulong sa kanya upang magawa ang pinakamalaking transaksyon ngayong gabi. Subalit sa kauna-unahang pagkakataon ay mukhang mabubulilyaso! Subalit hindi nagtagal, naririnig ang mabagal na mga yabag ng isang lalaking kalmadong naglalakad papalabas mula sa kung saan. Lumakas ng husto ang kabog sa kanyang dibdib sa tindi ng antisipasyon. Tumambad sa kanilang lahat ang isang lalaking purong itim ang kasuotan mula sapatos, maong, jacket, damit hanggang sumbrero. Bitbit ang isang attaché case sa kanang kamay. Daig pa niya ang tila ilang minutong nalunod at ngayon ay nakaahon! Inilahad ang kamay sa attaché case. "Here! Mr. Tang, the money is here!" "Good!" "Pasensiya na, boss," marahang usal nito. "Where the hell did you come from, Villamayor!" Asik niya na kulang na lang ay sapakin ito. "Checking the area, boss." "Then check it!" Duro niya sa likuran. "Yes, boss!" Masigla ang tugon nito. Ipinatong ang case sa maliit na lamesita at lumapit sa mga sasakyan. Pinagkakatiwalaan niya ito dahil noon ay iniligtas siya nito sa tiyak na kapahamakan. Magmula noon ay ito na ang nagbibigay sa kanya ng mga ideya tungkol sa negosyo. Lumago ng husto ang kanyang negosyo dahil sa tulong ng isang organisasyong kinabibilangan. May sariling mga pribadong eroplano ang grupo at doon ikinakarga ang mga produkto mula sa ibang bansa. Dito na lang inililipat sa trak, tulad ngayon. "Ayos na, boss." Nilingon niya ang papabalik na si Dave, bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang lata ng imported na sardinas. Nag-abot sa gitna ang dalawang grupo upang suriin ang laman bago magbayaran. Ibinaba nito ang dalawang lata ng imported na sardinas sa tabi nito. "Buksan mo." utos niya habang nakaharap silang lahat. Pumitik ang takip ng unang lata. Tumambad ang puting isda, nakasalansan, kumikintab sa mamantikang sauce. Humalo ang amoy-alat sa amoy-kalawang. Nagkatinginan ang dalawang matanda. Pumitik ang ikalawang lata. Tumambad ang totoong laman na kailangan nila. Nakapaloob sa cellophane ang puting pulbos na kumikinang sa sobrang ganda ng kalidad. "Dahil sa produktong ito," mahinang usal niya. "Magkakaroon tayo ng bagong produktong kahuhumalingan ng lahat, bata man o matanda, sa legal na paraan." Nagtawanan ang lahat. "Ang attaché case." Binuksan ni Marco ang attaché case. Tumunog ang mga lock, at tumambad ang nakahilerang bundle ng dolyar. "Mr. Tang, it's worth two million US dollars." "Good! You never disappoint me." Maglabas man siya ng gano'ng halaga, halos doble naman ang balik nito oras na maipamahagi sa mga kasosyo. "Will you stay after this?" "No. We're going back immediately." Nagkamayan sila. Mahigpit at mainit ang pagkakahawak, hudyat na tapos na ang usapan. "Marco." Nilingon niya ang kanang-kamay ngunit wala ito sa tabi. "Nasaan siya?" lingon niya kay Dave. "Umalis, boss." "Lintek! Bakit ba nagsisialisan kayo!" Umihip ang hangin at may kakaibang amoy ang dala nito. Masangsang, amoy metal. Kabisado niya ang ganoong amoy. Dugo! Dumating si Marco at humarang sa daanan. Bumagal ang paligid at sa bawat hakbang nito ang dala ay matinding panganib! Dahil ngayon ay natuon ang tingin ng lahat sa hawak nitong nakahandusay na lalaking tila wala nang buhay, habang ang mahabang bakas ng pulang likido ay nakakalat sa sahig dahil sa paghila rito. "Simon..." Mapait niyang usal. Hindi makapaniwalang may nagbuwis na buhay! Isa ito sa pinakamahusay at pinakamaasahang tauhan. Dumilim ang mukha ng matandang Mondragon. Dahan-dahang ibinaling ang tingin sa intsik. Alam niya ang kalakaran: hindi pauutang, hindi palulugi! "What is the meaning of this?" Mababa ang tinig ngunit mapanganib niyang tanong. Binitiwan ni Marco ang bangkay at ikinasa ang baril. Nasa labinlimang tauhan lamang ang panig ng mga intsik, samantalang sa kanila ay mahigit kwarenta. Tila nataranta ang intsik ngunit kalmado pa ring nagsalita. "I don't know, Mr. Mondragon-" "Nǐ chūmài wǒmen ma?" diretsong tanong ng matandang Mondragon, sa pag-iisip na tinatraydor sila. "Dāngrán bùshì!" agad na depensa ng intsik na hindi nito magagawa ang mag-double cross. Nanlalaki ang mga mata, nanlalamig ang mga palad, tumutulo ang pawis sa sentido. Subalit hindi siya naniwala. Hinablot niya ang kwarenta y singkong baril mula sa likod ng pantalon at itinutok sa mukha ng kaharap. Naalarma ang lahat sabay-sabay ang pag-angat ng mahahabang armas sa bawat panig, nakatutok sa bawat isa. "I will kill you!" Hindi man lang nakahuma ang intsik. Nakataas ang dalawang kamay, nanginginig. Walang kaabog-abog ay may pumutok na baril na siyang pumunit sa katahimikan. Tumama ang bala sa noo ng matandang intsik! Lahat napalingon. Galing kay Marco. Umuusok ang dulo ng baril. Kasabay ng pagbagsak ng intsik ay ang paghila ni Dave sa kanyang balikat patungo sa likuran nito upang maikubli at mailigtas, kasabay ay ang pagtakbo palabas habang nagpapaulan ng bala gamit ang mahabang armas. Nang makalabas ay nilingon nila ang gusali. Walang anu-ano ay sumabog ang bodega! Nayanig ang lupa. Nilamon ng apoy ang katahimikan ng gabi. Sunod-sunod ang pagsabog ng mga sasakyan at sa lakas nito ay tumilapon sila. Umikot ang langit. Umalingawngaw sa kanyang tainga ang matinis na ugong. Bumagsak siya sa lupa, umuubo, at humalo sa dila ang lasa ng abo at dugo. Naglalagablab ang gusali.Tila nag-aapoy na impyerno ang imbakan ng kanyang pangkabuhayan! Nanigas ang matandang Mondragon. Nagrereplika sa kanyang paningin ang naglalagablab na apoy na tumutupok sa negosyong pinaghirapan niya ng ilang taon. Bakas ang galit at sakit sa kanyang mga mata. "WHO THE HELL TRIED TO BRING DOWN A MONDRAGON!" Subalit hindi iyon ang kanyang kinatatakutan kung hindi ang magiging resulta sa oras na malaman ng organisasyon! Walang gumagalaw sa kanila dahil sa kanilang organisasyon. Tinatawag ang grupo bilang "The Silent Four" dito sa Zamboanga, at siya ang pang-apat. Tahimik ang galawan ngunit sila ang lihim na nagpapatakbo ng buong lugar. Umaabot na rin sa buong asya ang kanilang impluwensiya, unti-unti na ring sinasakop ang iba pang bansa. Naglabasan ang ilang nakaligtas sa pagsabog ngunit sinalubong ng bala mula sa kung saan. Naalarma ang lahat, ngunit hindi alam kung sino ang kalaban! Mabilis siyang hinila sa pulso ni Dave. "Dito tayo, boss!" Tumakbo sila patungo sa parking area kung nasaan ang sasakyan. Malapit na sila nang tumunog ang kanyang cellphone, na ikinatigil niya. Marahan niyang hinugot mula sa bulsa at pinagmasdan ang kumikinang na screen sa kanyang pawisang palad. No. 2 calling... Hindi kliyente. Hindi tauhan. No. 2. Pinagpawisan ng husto ang matandang Mondragon, nanginginig ang mga kamay. Bahagyang pumikit at sinagot ang tawag. "Hell—" ["It's really hell. Nahuli ka."] Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil iba ang kausap. "Babawi ako sen—" ["You're out of the game."] "Hindi! May anak pa ako, si Jeric! Babawi kami!" ["You know the rules."] "Hindi! Parang-awa mo na!" Namatay ang linya na ikinaputla niya. Tila nawalan ng dugo ang buong mukha! "Boss, kailangan na nating makaalis dito." Tahimik siyang tumalima habang nakasunod ang tauhan. Halos wala na siya sa sarili sa pag-iisip ng kahihinatnan ngayong alam na ng grupo ang nangyari. Ang ilang taong pinaghirapan ay naglaho sa loob lang ng ilang segundo! Nakahawak na siya sa pinto ng sasakyan nang dagli silang matigilan sa pagkasa ng baril mula sa likuran. Nanlamig siya sa takot. Humigpit ang hawak ni Dave sa pulso niya. Nagsalita ang lalaking nakatutok ang baril mula sa likuran. "Arestado ka, Joaquin Mondragon!" Dahan-dahang siyang lumingon subalit unti-unting gumuhit ang ngisi sa mga labi! Dahil sa likod ng lalaking iyon ay si Marco, nakatutok din ang baril dito. "BOSS, TUMAKAS KA NA!" Tila natauhan siya at tumakbo, ngunit natigagal nang may yumapos na braso sa kanyang leeg, mahigpit at nakakaubos ng hininga kasabay ng pagdikit ng malamig na bakal sa kanyang sentido. "Magkaalaman na!" Hindi ang baril ang nagpatigil sa kanya. Ang boses. "Dave..." Halos hindi lumabas ang katagang iyon, na para bang umaasa siyang mali ang naririnig. Bahagya siyang lumingon. Naglaho ang lahat ng pag-asa. Ang mukhang tumayo bilang gabay sa loob ng maiksing panahon, ang taong ipinagkatiwala niya ang buhay. Wala na. Walang pagsisisi. Walang konsensiya. Unti-unti nitong inilipat ang pagtutok ng baril kay Marco habang hawak pa rin siya sa leeg. Nag-iba ang sitwasyon, mas mapanganib! Si Marco, nakatutok sa kalaban, ang kalaban ay nakatutok sa kanya. At ngayon ang si Villamayor ay nakatutok kay Marco. Isang triyangulo na walang malinaw na labasan at isang pagkakamali ay tiyak may hahandusay! Nagbalik ang isip niya paatras, mabilis, pinagtutugma ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Ang pagkawala ng maleta. Ang bangkay ni Simon. Ang pagsabog. Planado ang lahat, at hindi ang mga Chinese iyon. Itong taong ito! "Anong ibig sabihin nito, Villamayor?" Nanginig ang boses ng matandang Mondragon, hindi sa takot kung hindi sa galit. Ang lalaki, ngumiti ng tipid, malamig at pinal... isang ngiti ng taong matagal nang naghihintay sa pagkakataong ganito!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.6M
bc

The Silver Wolf

read
615.6K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.2M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
907.7K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook