Dianna's POV Nakasisilaw na liwanag ng puting ilaw ang bumungad sa kaniyang paningin. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Sinabukan niyang ibaling sa ibang direksyon ang kaniyang mga mata. Makulay na desenyo ang kaniyang nakikita. Pinapakiramdaman niya ang kaniyang katawan. Para siyang bata na nagtataka kung na saan siya at nalilito. "Mabuti naman at gising ka na," tila nabunutan-tinik na wika ng isang lalaki, nakasuot ito ng puting coat. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang paningin sa nagsalita. Ni hindi niya man lang napansin na may kasama siya sa estrangherong silid na ito. Napatingin din siya sa kaniyang braso at kamay. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya maibuka ang kaniyang mga bibig. Napansin yata ng lalaki at lumapit ito sa kaniya. Hindi niya ito kilala pero par

